What am I to you?

147 1 0
                                    


alam mo,
hindi ko alam kung saan ako magsisimula
pero ang raming tanong sa utak ko,
what am I to you?
tatagalugin ko,
ano ba ako sa'yo?

ano bang ibig sabihin ng mga motibo mo?

para saan ba lahat ng mga kinikwento mo?

bakit hanggang ngayon makalipas ang ilang taon magkaibigan parin tayo?

am I just a friend?
because I felt something strange in you,
there's something with your looks, and smiles, and the way you whisper in my eyes, I dont know!

what am I to you?

barkada lang ba talaga tayo?

kasi ako,

iba na ang nararamdaman ko

iba na ang bilis ng pintig sa puso ko

iba na ang kilig na nararamdaman ko

tuwing kinakausap mo ako

at kung paano mo ako kausapin ay isang malaking tanong sa utak ko

bakit minsan pakiramdam ko mahal mo ako?

bakit ramdam kong gusto mo rin ako?

bakit kahit anong isagot ko sa mensahe mo, sumasagot ka parin kahit blangko?

ano ba ako sa'yo?

yan lang naman ang tanong ko

na matagal ko ng gustong itanong sayo

pero pinangungunahan ako ng takot at baka mabalot ng puot kung sakaling mali pala ang hinala ko

kaya pasensya kung pinagdududahan kita,

pero malay ko ba baka pareho pala talaga tayo ng nadarama

pero di ko na ipipilit pa

sa ilang taon ba naman bat hanggang ngayon wala pa diba?

pero hindi ko parin mapigilang magtanong,

what am I to you?

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon