Malungkot

190 4 0
                                    

Minsan kahit gaano ako kasaya,
nalulungkot parin ako pag naaalala kita.
Ikaw yung nagbigay ng tuwa sakin una palang,
tapos papaiyakin pala ako sa katapusan.
Ang labo mo kasi,
ang gaga ko naman.
Ikaw na manhid, o baka naman patay malisya ka lang?
Kasi ako yung tanga, nagbubulag-bulagan.
Ang lakas lakas ko sa salitang ASA. Laging umaasa.
Lalong-lalo na sa AKALA.
Akala ko meron, wala pala.
Kinalimutan na kita 'e,
tas bigla ka nanamang lumitaw.
Yung pagkabaliw ko sa'yo parang hangin lang,
laging nandyan sa tabi-tabi.
Nilalamig na ako sa patuloy na paglayo mo.
Pakiramdam ko may itinayo kang pader sa pagitan natin.
Okay naman tayo diba? Dati. Okay lang naman kahit kaibigan mo lang ako, oo. Nasasaktan ako pero okay lang naman sana yun. Dati.

Iba na kasi ngayon. Di na katulad ng dati. Pagod na'ko 'e. Ang tanga ko kasi.
Kaya sabihin mo nang wala akong kwenta at iniwan kita,
alangan naman kasing manatili ako 'e may kasama kana.
Ano nalang ako nyan?
Sobrang tanga?
Aasa parin ako kahit nandyan na sya?
Aba.
Baka mamaya nyan matagpuan mo'ko nasa ospital na.
Inatake sa puso kasi ang sakit na.

Kaya oo bahala kana,
basta lalayo na'ko at magpapakasaya.
Kelangan ko 'yon, tama diba?
Kasi ilang taon na akong malungkot, hahanapin ko na muna ang sagot.

Sagot sa mga tanong sa utak ko, gaano ba ako ka nagpakatanga sa'yo?
Ganun ba ako katanga sa tingin mo? Ayoko na.

Pagod na ako maging malungkot.

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon