Pilit

135 6 1
                                        

Ang malawak na kalsada at tulay na nakikita ay hindi sapat para makalimutan ka.  

Maaaring asul nga ang langit, pero ang mga ngiti ko nama'y pilit.

Hindi ko maipinta ang tanawing gusto ko, kasi wala ka dito sa tabi ko.

Ayun ka't humayo, nagpakalayu-layo, naghahanap ng pang habangbuhay kasi nung magkasama tayo hindi mo naman nakita ang presensya ko.

Tayo nga'y magkalapit, pero sa iba naman nakatingin ang mga mata mong kung titignan ay tila pikit.

Masyado ba akong maliit? Kaya sa iba ka ngayon nagpasungkit.

Pabalik-balik na ako sa daan, pero ang puso ko hindi parin tumatahan.

Hindi parin nagsasawa, nasasakal, at nawawala kahit paulit-ulit mo na akong nasampal.

Sa katotohanang masakit.

Pinipilit ko nalang pumikit, at ngumiti ng pilit.

Mga mata mong malagkit, hanggang ngayon hindi parin ako tinitignan kahit saglit.

Gustuhin ko mang magalit, pero hanggang ngayon sayo parin ako mahigpit na nakakapit.

Kaya oo nga't malawak ang kalsada, hindi pa ba sapat na mahal kita?

Kaluluwa ko'y pagod na, pero hindi parin ako bumibitaw kasi hindi ko kaya.

Sinubukan ko namang maglakad, kulang nalang nga'y takbuhan ko na lahat.

Pero kasi baka may pag-asa pa, mas masaya kasi ang byahe pag ikaw ang kasama.

Pasensya.

Tanga na kung tanga, pakealam mo ba?

- 04.26.17 📝💬

Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon