Noong gabing sinabi mo sa akin na hindi ako ang pinipili mo,
milya-milya ang tinakbo ko makalayo lang sa sakit na pinaramdam mo.Nakarating ako sa madilim at masalimuot na daan kung saan ako lang ang mag-isang nakaluhod sa kalsada.
Naghihintay na masagasaan na lamang baka sakaling maibsan ang sakit pagkatapos.
Ang sabi mo'y "sorry" na paulit-ulit ko paring naririnig kahit saan ako magpunta na para bang ito'y naging musika na sa aking tenga.
Sorry, naririnig ko parin yun na para bang ito parin ang bukambibig mo habang nakikita kitang kasama ang taong pinili mo kesa saakin.
At kahit hanggang ngayong kasama kita at muli tayong nagkita ay naririnig ko parin ang paghingi mo ng pasensya, tama na!
Ayoko ng ganito, ayokong kinakaawaan ako dahil sanay akong nagsisigawan ang ilan paghawak ko na ang mikropono pero ikaw.. Ikaw yung gusto ko pero bakit ikaw pa yung hindi napapasaakin.
Pilit kitang nililimot pero hindi ko parin magawa, siguro kasi noong unang makita kita ay hindi kana nawala.
Noong hawak ko ang kamay mo at sumasayaw tayo kasabay ng tugtuging gusto ko, tumatak kana sa puso ko.
Ang mata mong kumikinang sa paningin ko ay nakatitig na sa iba,
Ang kamay mong malambot ay hawak narin nya,
Ang labi mong mapula.. siguro minarkahan narin nya,
At siguro pati buong puso mo ay pagmamay-ari narin nya..
At ako.. Ako na inayawan mo ay patuloy paring umaasa, pero baka nga hindi tayo..
Ang para sa isa't-isa ay kayo.. Oo tanggap ko na, na sa puntong ito ay hanggang dito na lamang ako.
Hindi ako manggugulo pero sana tandaan mo na handa akong maghintay, at tatanggapin parin kita kahit na ang mapunta sa akin ay tira-tira na lamang ng puso mong naubos na.
![](https://img.wattpad.com/cover/68190647-288-k591976.jpg)
BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
PoetryThese are the words, or thoughts rather, that's been pestering me. And I can't help but write the things that's been running inside my head, so just let me. This is my way of exploding all the heartaches, suicidal thoughts and pain inside me. Feel...