He's Ruthless by: myscarletletters
Guys gusto niyo na ba magkita si Azrael at ang mga anak niya? Comment your answers. I hope magustuhan niyo ang update na to. Don't forget to vote, follow, comment and lastly please enjoy reading He's Ruthless.
******************************************
Kabanata 18
Halos marinig ko na ang pintig ng puso ko dahil sa takot at kaba. Pinanlalamigan ang buong katawan ko at parang unti unting nawawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Sa gilid ng aking mga mata naramdaman ko na ang pagbabadya ng aking mga luha pero ginawa ko ang lahat para mapigilan ang pagtulo nito.
Hindi ko lubos maisip na makikita ko dito sa mall ang kaibigan ni Azi and what made me tremble in fear is the reality na kilala ng lalakeng yun ang identity ko at ang existence ng kambal. Ito na nga ba ang ikinakatakot ko. Ang unti unting malalaman ng mga taong nakapaligid kay Azrael na nagbunga ang nangyari sa amin pitong taon na ang nakalipas at malaman ng kambal ang tunay nilang pagkatao.
Mabilis ang lakad ko at habang daladala ang mga pinamili naming gamit sa kanan kong kamay, habang sa kaliwa naman nakahawak ako sa aking kambal na magkahawak rin ang kamay nila. Naguguluhan man sila ay hindi na sila nagtanong kung ano ang nangyayari pero alam ko pagkulma na ako ay doon na nila ako tatanungin.
Ito na ba ang oras na kelangan kong sabihin sa mga bata ang tunay nilang pagkatao? Kelangan ko na bang sabihin na buhay ang ama nila at hindi ito namatay?
Just the thought of it ay mas nagpapabigat sa nararamdaman ko. Natatakot ako na kamuhian ako ng mga bata dahil sa pagsisinungaling ko. Natatakot ako na pipiliin nila ang kanilang ama kapag nalaman na nila ang totoo. At mas natatakot ako sa ideyang mas gugustuhin nilang makasama ang kanilang ama kesa sa akin na sakit at kalungkutan ang binibigay sa kanila dahil sa pagtago sa katutuhanan. Alam ko ako ang may sala kung bakit kahit nakangiti ang kambal ay may parte pa rin ng kanilang puso at pagkatao ang nangungulila sa kanilang ama. Isang bagay na hindi ko kayang punan.
I never tried to tell him the truth because I'm scared that the moment he'll know the existence of my children it's either he'll reject them or ilalayo niya ito sa akin. Natatakot ako na hindi matanggap ng mga Montefalco ang kambal ko. Saktan na nila ako wag lang ang mga bata. I can't afford to lose them. My babies are my life. Kapag nawala sila ay parang namatay na rin ako.
Nung nakalabas na kami ng mall, Agad akong pumara ng taxi at nung nasa loob na kami naramdaman ko naman ang katahimikan. Aly and Ark are smart kids so baka may hinala na ang dalawa tungkol sa sekreto ng pagkatao nila. Nakarating kami sa apartment ng hindi ako kinakausap ng mga bata salamat na rin dahil hindi ko rin alam kung masasagot ko sila at kung makakahanap ako ng tamang salita. Kinakabahan ako at umuurong ang aking dila.
"mga anak." Sabi ko sa isang mahinang boses. I tried my best para hindi pumiyok dahil pakiramdam ko any minute tutulo na ang mga luha ko.
Sabay silang tumingin sa akin gamit ang kanilang mapupungay na mata. Those set of dark orbs are still entrancing and tantalizing it always reminds me of their father's deep and mysterious eyes. Naawa ako sa mga bata dahil kahit naging NayTay ako sa kanila hindi ko pa rin na punan ang pagkukulang ng kalinga ng isang ama.
Agad inalis na Ark ang tingin niya sa akin at parang kinukurot ang puso ko nung ginawa niya yun. I can see pain and disappointment in his eyes at ito namang si Aly ay pilit na ngumiti at niyakap ako.
Nakaramdam ako ng sakit at pagbigat ng puso ko dahil sa ginawang reaksyon ni Ark. Nasasaktan ako at alam ko ako ang dapat sisihin bakit ganun ka disappointed ang anak ko.
BINABASA MO ANG
He's Ruthless
RomanceLluvia made a hard decision for her father's sake. She accepted the offer that had given to her. She needs money and being a stripper is the fastest way to gain money. She become a stripper for just a day in order to pay for her father's hospital op...