Kabanata 9

6K 160 15
                                    


He's Ruthless by: myscarletletters

VOTE...COMMENT...READ...ENJOY...THANKS ^_^

***************************************

Kabanata 9

"Parang nagugutom ako, Lluvia. Kumain kaya muna tayo." Sabi ni Misty habang hinahawakan niya ang tiyan niya.

Huminto siya at takam na takam na nakatingin sa food court ng mall. Nagkikislapan pa nga ang mga mata nito habang nakatingin sa food court.

"sure, why not." Ani ko.

Tiningnan ko si Azrael na nakasunod lang sa aming likuran. Malayo pa siya sa amin dahil ang bagal ng lakad niya at ang layo ng kayang tinigtignan. To the point na hindi na niya napapansin kung papaano siya pagtinginan ng mga tao.

Halos lahat ng mga kababaehan ay napapako ang tingin sa kanya. Kitang kita ko ang malalagkit na mga titig ng mga babae sa kanya na parang hinuhubaran nila si Azrael.

May parte sa puso ko na nainis dahil halatang halata na pinagnanasaan nila si Azi. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at naglakad ako papunta kay Azi, hinawakan ko ang kamay niya at kinaladkad papunta sa kinatatayuan ni Misty. Nagulat siya nung kinaladkad ko siya pero nagpapatianod nalang siya sa akin.

"Stop idling will you. Ang layo ng tingin mo baka matapilok ka diyan." Sabi ko.

"uhmm.. okay." Utas niya.

Tinignan niya ako habang kinakaladkad ko siya. Hanggang sa nakarating kami sa kinatatayuan ni Misty ay nakatitig pa rin siya sa akin. Yung mga titig niya ay nakakalusaw. Parang may hindi maipaliwanag na pwersang humihigop sa akin habang nakatitig sa kanyang mga mata.

"My god! Naghoholding hands kayo ah! You to look like a couple." Pang-aasar ni Misty na parang kinikiliti kung makatawa.

Nagkatinginan ulit kami ni Azi. Pakiramdam ko ang pula na ng mukha ko dahil nung tinignan ko ang aming mga kamay ay ang higpit ng pagkakahawak ko. It was as if I'm afraid to let go of his hand. Ang laki ng kamay niya at lalakeng lalake. I feel secure holding his hand.

Agad kong binawi ang kamay ko at nag-iwas sa kanya ng tingin. Nakakahiya yung ginawa ko. At pinamulahan pa talaga ako!

"stop it Misty!" saway ko.

"nagmukha tuloy akong chaperon nito. Para na akong third wheel." Natatawang sabi ni Misty.

Nauna na siyang pumasok sa food court at naiwan kaming dalawa ni Azrael sa labas. Nasa tabi ko si Azrael at nakatulala lang ito sa kanyang kinatatayuan.

"sorry Azi. Ang kulit ni Misty." paghihingi ko ng tawad.

"wala yun." Aniya.

Parang may kakaiba sa kanya and I don't know why he's acting so strange. Ayoko namang pakialaman ang private life niya pero my curiosity is killing me.

"anong problema mo? Bakit wala ka sa iyong sarili?" tanong ko.

He heave a deep sigh at mapupungay ang mata niyang tumitig sa akin.

"I guess, it's okay to tell you this. After all you're my bestfriend." He said it in a very stress tone.

Pakiramdam ko ang laki ng pinoproblema niya. Kaya ba natagalan siyang makarating dito sa MOA dahil may prinoproblema siya? Kahit kumirot ang puso ko nung sinabi niyang bestfriend ay isinantabi ko muna yung mga nararamdaman ko.

"tell me what?" tanong ko.

"mom planned all along na ifix marriage ako. Now how can I explain this to Sherlyn? Mom wants me to break with her pero pinangakuan ko na si Sherlyn na pakakasalan ko siya." Aniya sa isang mabigat na tono.

He's RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon