Kabanata 36
So heto na ang update. Enjoy nalang kayo. ^_^ Paensya na if matagal ako naka ud sadyang nasaktan ako sa shoujo manga na binabasa ko. naiimbyerna na talaga kasi ako kaya dinamdam ko at natagalan ako mag ud hahaha
Pakifollow naman ako. charot lang.
READ. VOTE. COMMENT. ENJOY.
******************************
Natapos na ang lunch break namin pero itong mga kaibigan hindi pa rin nila ako tinigilan sa mga tanong nila. Meron pa ngang mga chismosa na lumapit rin sa amin para lang makichismis. Tinalo ko pa talaga ang isang artistang na may sex video na kumakalat dahil sa atensyong binibigay nila sa akin.
"Hindi talaga ako makapaniwala na yung mga anak mo ay si sir Azrael ang ama!" aniya ni Kesha.
"Manang mana ang mga anak mo sa daddy nila! My ghad! Ang gwapo at ang ganda ng twins!" tuwang tuwa na sabi ni Agnes.
Nasa office ni Azrael ngayon ang mga bata, gusto ko nga sana makijam sa kanila kaso busy busihan muna ang ate niyo. Remember need ko ng datong para sa homecoming kemerut ko next week sa aming probinsya. Buti nalang talaga payroll na bukas.
"So may relasyon kayo ni Azrael seven years ago? I thought he was engaged to Sherlyn that time." Ani ni Christian na matama akong tinignan.
I felt sorry for him. I know may feelings pa rin siya sa akin pero he was trying his best to hide it so that we can continue to stay as friend. Pero nakikita kong nasasaktan siya.
"Ang swerte mo, Lluvia! Napikot mo si sir! Instant mayaman ka na." ani ni Minerva, isa sa mga chismosa at taga kalat ng chismis dito sa kompanya.
"Oo nga Lluvia! Ang lakas pala ng kapit mo dito. For sure secured na secured na ang future mo." Ani naman ng kapartner in crime ni Minerva sa pagkakalat ng chismis, na si Lynna.
Hindi naman kami close ng mga bruhang ito pero kung makapag-arte sila sa harapan ko parang close friends kami. FC din ang mga kambing na to eh. For sure nangangalap na naman ito ng bagong chika na ichichismis nila sa kanilang netizens.
Pero dun talaga kumulo ang dugo ko sa pinikot ko raw si Azrael at instant mayaman na daw ako. At sa secured na daw ang future ko.
Leche! Hindi ibig sabihin na may anak kami ni Azrael ay magbubuhay prinsesa na ako. Kaya nga ako nagtratrabaho para may pang-gatos ako sa araw araw namin na gustuhin ng mga bata.
Kumibot ang gilid ng labi ko at tumataas ang isa sa mga kilay ko dahil sa aking narinig. Hate na hate ko talaga marinig yung pinikot ko daw si Azi. Parati nalang nila ako jinujudge na nagpabuntis dahil mayaman si Azrael. Nakakaimbyerna lang kasi hindi ko naman plano magpabuntis in the first place.
I just needed the money para pang-bayad sa operasyon ni tatay.
Napansin ng mga kaibigan ko na nag-iba ang templa ko at bumigat ang tensyon
"Excuse me lang Minerva at Lynna ah. Anong gusto niyong iparating? Na nagpabuntis ako kay Azrael dahil sa pera? Ganun ba?" may inis at angas sa tanong ko na nagpakaba sa dalawa. Pati yung mga alipores nila kinabahan na rin.
"Hindi naman sa ganun."
"Ilagay niyo to sa kukute niyo ah, na hindi ako nagpabuntis kay Azrael dahil sa pera! Mahal ko siya! At kung ginamit ko ang kapit ko kay Azrael, siguro kanina pa ako nagsumbong kay Azi na efired kayo dahil iniinis niyo ako." bulyaw ko sa kanila na nagbigay takot sa kanilang mga mukha.
BINABASA MO ANG
He's Ruthless
RomanceLluvia made a hard decision for her father's sake. She accepted the offer that had given to her. She needs money and being a stripper is the fastest way to gain money. She become a stripper for just a day in order to pay for her father's hospital op...