Kabanata 20

7.1K 141 43
                                    



He's Ruthless by: myscarletletters

Salamat sa mga nagcomments and nagvotes. Mas lalo akong ginaganahan gumawa ng updates. ^_^ Patuloy niyo po akong supportahan guys ah!

Malapit na talaga! Hahaha! Analm ko inaabangan na ng lahat ang pagtatagpo ng kambal at ang kanilang ama. I hope di ko kayo madisappoint.!

Vote... Read... Comment... Follow and Enjoy!

************************************************

Kabanata 20





Nakatulala lang ako habang naglalakad si Azrael sa ticket booth. Tanaw ko din dun na maraming nakapilang mga tao. Sa simpleng paglalakad ng Azrael agad na siyang nakakakuha ng atensyon kahit hindi niya namamalayan. What do you expect? Isang Montefalco ang naglalakad na parang modelo. Scratch it out! hindi modelo kong hindi parang isang diyos.

Yung mga babaeng kahit may karelasyon na ay napapatitig pa rin kay Azi. May mga bakla pa sa gilid na nagtitilian habang tinuturo si Azrael.

Nakakahiya mang aminin pero kunting kalabit na lang talaga at pati ako malalaglag na ang mata kakatitig sa gwapo niyang pagmumukha. Kaya rin siguro madaming nagpapabola kay Azi dahil sa angkin nitong natural na kagwapuhan na nakakaanggat sa lipunan. Siguro nung nagpaulan ang diyos ng kagwapuhan ay selfish na sinalo niya lahat.

Para tuloy nakikita ko na ang mangyayari sa Arken Azkael ko kapag malaki na. Siguro ganito rin ang eksenang mangyayari kapag naglalakad siya sa mall agad siyang pagtitinginan ng kababaehan at madami ring panty at bra na malalaglag. Pero I'll make sure na hindi lalaking babaero ang anak ko! Bahala na maging masungit itong baby boy as long as hindi babaero!

Siguro kapag naging dalaga na rin si Aly Azimarie for sure may magpipila sa labas ng pintuan namin at parang mag-auaudition sa pbb para lang makaakyat ng ligaw sa little girl ko. Napapangiti ako habang iniisip kung ano ang mangyayari sa mga bata sa hinaharap. For sure, makakatikim ng suntok ang lahat ng aakyat ng ligaw kay Aly dahil masusuntok ito either ni Ark or Azrael. Baka nga hindi hayaan ni Azi na may manligaw sa aming anak.

OH MY GAHD! Agad nalang nanlaki ang mata ko when realization hit me like an accelerated bullet. Bakit ko naisip ang hinaharap na kasama si Azrael.

"Hoy! Ang snob mo naman! Kaloka ka! Bingi ka ba?!" naiinis na sabi ng isang babae sa isang sarkastikong tono.

Agad akong napatingin sa likuran ko at may babaeng nakatayo. Napahinto ako sa pag-iisip at sa internal battle na nangyayari sa sarili ko. Nakita kong nakaspaghetti strap ang babae match with a cardigan and nakamaong na jeans na niyayakap ang hubog ng lower part niya with matching gladiator heels yung babaeng nasa likuran ko.

Kumibot ang labi ko dahil sa huling salitang narinig ko. I am not deaf! Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi ko alam kung bakit na iimbyerna siya sa harapan ko ngayon at para siyang chimpanzee na nagmemenopause.

"Ay maldita ah! Hoy miss! Kanina pa kita kinakausap ah at pinagmukha mo akong tanga dito ah!" pag-aalburoto niya. Hindi ko nga ma gets kung ano ang pinaglalaban ng babaeng to at bigla nalang magbebeast mode. Hindi ko rin alam ang mga pinagsasabi ko.

Sorry naman kung hindi ko siya napansin kasi busy ako kakaimagine sa magiging future ng mga anak ko kasama ang tatay nilang si AZRAEL!

tss! Kaasar!

He's RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon