Sana masaktan kayo ng bonggang bongga sa mga malalaman niyo sa chapter na ito hahahahaha.
Three chapters to go and magbababye na tayo kina Azrael at Lluvia.
******************************
Kabanata 42
"Tapos mo na bang inimpake ang mga gamit ng mga bata, Abby?" tanong ko sa aking julalay na busy kakamake-up.
Lumingon siya sa akin at nawindang ako sa hitsura niya. Susmaryusep! Mukha na itong parasite ang bruha, dahil sa kapal ng make-up.
Nasa labas ngayon ang mga bata at nilalaro nila ni Azrael ang mga puppies namin. Excited pa nga yung dalawa kasi hinahabol habol sila ng mga tuta. Kaya ayun, naging useless ang pagligo nila dahil pawis na pawis ang kambal.
At si Azrael ayun, busy busihan ang lolo niyo kakapunas at kakabantay sa mga bata. For sure, papahirapan nila ng bonggang bongga ang kanilang ama na Haggardo Versosa na dahil sa jetlag kemberlu niya.
"Yes, ate. I've already did that. And I already put it in your car." Ani pa niya sa akin in a straight English.
Jusko! Umeenglish na ang julalay ko. lumelevel up na ah. Nahawa na ba siya sa kakaenglish ng mga anak ko?
"Ay don't English me. Sasampalin talaga kita." pagbibiro ko sa kanya.
Nakita ko pa sa salamin ang reflection niya at ngumuso pa ito. "Si ate talaga oh. Sinusubukan ko lang naman if bagay din ako mag-english. Nakakainggit kaya kayo pakinggan nila sir pati ang mga bata. Ang galing ng accent at pronunciation niyo." Saad pa nito sa akin.
Kaya pala nag-eenglish din ang bruha kasi naiinggit. "Huwag kang mag-english hindi bagay sayo. Mabuti pa magbalat ka na ng patatas para makunan mo ng picture at ma post sa fb at instagram." Pagbibiro ko sa kanya.
"Hay ate, ikaw ah. Mahilig ka pala sa princess Sarah na meme. Jusko, pati ako nababaliw kakatingin ng mga meme sa princess Sarah." Tumawa pa talaga siya.
"Baliw ka naman talaga. Kaya madaliin mo na yang pagmamake-up mo dyan ng para makagora na tayo paalis sa baler na itech." Sabi ko sabay kuha ng aking maleta.
Pinaalis ko pa si Abby sa whole body length mirror kasi kanina pa ito sa harapan ng salamin, kaya pinaalis ko ng matignan ko ang aking ayos.
Nakabun ang buhok ko at naglagay ako kanina ng light make-up para ma highlight ang aking soft features, nakasleeveless chekered fitted polo rin ako at faded ripped jeans. Tapos naka six inches pump heels pa.
For sure, mapapagalit ako ng asawa ko kapag nakita niyang nakaheels ako. Ayaw pa naman niya magheels ako baka raw matapilok ako at mapaano ang baby ko.
Pero gora pa rin ang ate niyo mga momshies, ayoko makita ako ng mga kapatid ko na chaka at hindi fashionista tingnan.
Ang saya talaga ng bakasyon ko dito ah. Napakawelcoming ng pamilya ko. At ang sarap nilang kasama, yung tipong hinding hindi mo na gugustuhin pang bumalik.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, sakto rin naman na bumukas ang pintuan sa kaharap ng aking silid. Kitang kita ko in high definition ang pagmumukha ni Chloe. Kaya bigla agad nagbago ang timpla ng mood ko.
Tinaasan pa niya talaga ako ng kilay at sinuri niya ako from head to foot, nganga si Imaw nung makita niya ang beauty ko. Tinignan ko rin siya from head to foot, mabuti naman ay maayos siyang tignan.
"Ang ganda mo ata ngayon. Kaso mukha ka pa ring pokpok." Komento niya sa akin.
Dahil sa sinabi niya, bitch mode is on. Kumulo talaga ang dugo ko sa pagmumukha ng impaktang ito na kampon ni Satanas. I crossed my arms and natawa ng kunti sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
He's Ruthless
RomansaLluvia made a hard decision for her father's sake. She accepted the offer that had given to her. She needs money and being a stripper is the fastest way to gain money. She become a stripper for just a day in order to pay for her father's hospital op...