Here's the update. Sorry ah usad pagong ang kwentong to. Pahingi ng votes at comments ^_^
He's Ruthless by: myscarletletters
***********************************
Kabanata 4
Hindi pa rin ako kampati sa paglalapit ulit namin ni Azrael dahil alam ko karugtong nito ang takot na baka isang araw malaman niya ang tinatago-tago kong lihim sa kanya. Natatakot ako na baka kunin nya si Ark at Aly sa akin.
"saan ka ba nakatira?" tanong niya sa akin habang nakatingin sa kalsada.
Tiningnan ko muna siya bago ako sumagot. Kahit saang angulo ang gwapo nya pa rin. Yung tipong hindi nagmadali angg panginoon gawin siya. He's definitely a gift from heaven. Those tantalizing set of deep dark eyes. His perfect arched brows. Yung mamula-mula nyang labi. Yung matangos niyang ilong at parang ang sarap kagatin. Every part of his body is divine and it feels like I am staring at my own children. I can see Ark and Aly in this god.
"dyan mo nalang ako ihinto sa Jollibee." Ani ko sa kanya.
"Jollibee? Dyan ka kakain for dinner?" tanong niya ulit.
Hininto niya ang kotse nya sa tapat ng Jollibee at sabay linga sa akin. I can feel my heart beating fast dahil sa mapupungay nyang mga mata na nakatitig sa akin. Para tuloy isang malaking kasalanan ang tignan ako ng gwapong nilalang nato.
"oo. Dito ako magdidinner." Sagot ko sa kanya then he nodded.
"so fan ka na pala ng bubuyog na yan ah. I thought you've hated Jollibee." Aniya na may pagtataka sa tono.
He's right hindi ko gusto ang Jollibee but I have no choice. Gusto ito ng kambal at ipinangako ko sa mga anak ko na bibilhan ko sila ng spaghetti and chicken joy for dinner.
"sige salamat sa paghahatid sir." Ani ko na may panunuya sa tono.
"don't call me sir. Call me....Azi." kinamot niya ang batok nya.
That gesture was kinda cute. It reminds me of Ark. Ganyang ganya kasi yun mahiya eh.
I smiled at him bago ako lumabas ng kotse niya. Pagpasok ko sa Jollibee agad bumungad sa akin ang maraming taong nakapila at halos na occupy na lahat ng seats.
Oh well, Jollibee is one of the leading fast food chain in the country so no wonder ang daming nandito ngayon.
Kinuha ko ang wallet ko sa shoulder bag ko at habang naglalakad ako papunta sa counter bigla nalang akong natapilok. Everything went so fast at may nabungo ako kaya dalawa kaming natumba. Nanlaki ang mata ko nung tumilapon sa nakabangga ko ang dala dala niyang tray na may lamang fried chicken at gravy sa kanyang damit.
Naramdaman ko ang kanyang galit kaya dali dali akong humingi ng sorry.
"I'm sorry miss. Natapilok kasi ako." Ani ko sa babaeng umuusok na sa galit.
"oh my god! Look what you've done! You've ruined my dress!" sigaw niya sa akin.
Agad akong ginapangan ng hiya dahil halos lahat ng tao dito sa Jollibee ay nakatingin na sa akin. Nagbubulungan sila habang pinagtututuro ako at yung babaeng nabunggo ko. Nakita kong may umalalay sa babaeng nabunggo ko.
"babe! Tignan mo oh! Ang damit ko! Ang dumi dumi na at yung food natin. I can't believe this!" anggil niya sa kanyang boyfriend.
Matalas akong tiningnan ng dalawa na para bang ang laki laki ng kasalanan ko. May heart is pounding twice its normal rate. Sa lahat ng iniiwasan ko ay yung ma eskandalo ako. I can't take the humiliation. Na trauma na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/36319820-288-k645317.jpg)
BINABASA MO ANG
He's Ruthless
RomanceLluvia made a hard decision for her father's sake. She accepted the offer that had given to her. She needs money and being a stripper is the fastest way to gain money. She become a stripper for just a day in order to pay for her father's hospital op...