Kabanata 40

4.8K 141 118
                                    



Hi guys! Five chapters to go at matatapos na ito. If interested kayo pakibasa naman ang In His Arms. Baka magustuhan niyo kasi.

Thanks for Dyowlina for the beautiful and cool book cover. Natouch at naappreciate ko talaga ng bonggang bongga.

Anyway, pa FOLLOW ako if gusto niyo.

VOTE. COMMENT. READ. ENJOY.

******************************

Kabanata 40


Matagal na tapos kagabi ang impromptu reunion. Nawiwindang nalang ako kung papaano ko naharap ang mga kampon ni Satanas. At na aamaze ako sa aking sarili dahil I've conquered my fear. Kahit papaano Ark and Aly made friends with their cousins. Sana lang hindi sila nagmana sa kanilang mga magulang na mga spawn of Satan.

Mga hypocrite talaga ng mga tao dito. Si Dennis na hayop may naakan pala. Girlfriend na daw na buntis niya, tapos siya hindi itinakwil.

Ang galing diba? Yung iba naman sa mga pinsan kong babae ay nabuntis ng mga jowa nila at hindi pinanindigan, hindi rin itinakwil.

Ano ito bastusan lang? Kagabi pa dapat ako nagvent out eh kaso hindi ko ginawa kasi kahit papaano may natitira akong respeto sa kanila. Ang kinaiinis ko lang ay yung pagtawag sa akin ni Dennis na disgrasyada, eh anong tawag sa kanya? Eh nakabuntis nga ang hayop.

Ang anak niya ay one year older sa kambal. Itinago daw kasi ito ng girlfriend niya for one year kaya hindi alam ni Dennis na may anak siya sa dati niyang jowa. At ayun, nandito na sa baler ni pudra ang junakis ng hayop na yun. Lalake ang anak niya at manang mana sa ama. Puryagaba!

Maaga akong nagising dahil maghahanda ako ng pagkain ng mga bata. Si Abby kasi nasa maid's quarter natutulog. And yes, kahit julalay at driver ang mga magulang ko kina Azrael, nakapagpatayo kami ng malaking bahay.

Galing sa mga naipon ni tatay ang ginamit niya para mapatayo ang two storey wooden mansion. Charot lang. Pero malaki naman talaga ang baler namin dito sa Crocus. Meron din naman kaming kalupaan dito kaya nga nagtataka ako lalo kung bakit kelangan manghiram ng ni Chloe ng pera sa akin para sa kabuhayan showcase drama niya. Pang negosyo daw.

Pagbaba ko, nakikita ko kaagad si nanay na nagsasaing ng kanin. Five in the morning pa lang pero ang agang nagising ni nanay para lang makapagluto. Ano ba ang ginagawa nila Dennis, Derrik, Chloe at Gray? Bakit si nanay pa ang nagsasaing para sa kanila? Don't tell me nagbubuhay senyorito at senyorita sila dito sa baler ni pudra? Aba pasarap pala sila sa buhay eh.

"Nay! Bakit ikaw ang nagsasaing?!" pagulat kong tanong kay nanay.

Nagulat pa si mudrabells sa bigla kong pagsalita. Masyado kasi siyang engross sa kanyang ginagwa kaya hindi niya ako napansin.

"Ay anak! Huwag ka namang manggulat! Muntik na akong magkamini heartattack!" ani ni nanay at napahawak pa sa puso.

Nagkamini heart attack ata si mother earth. Lakas din maka Lluvia ni nanay ah dahil may pa mini heart attack pang nalalaman. Natatawa nalang ako kasi meron talaga akong pinagmanahan sa kanya.

"Nay, sagutin mo ang tanong ko. Bakit ikaw ang nagsasaing diyan? Natutulog ka pa dapat sa oras na to! Ang aga aga pa." I scolded her at nginitian lang ako ni mudrabells.

"Eh kasi walang gagawa nito anak, Kung hindi ko gagawin." Saad ni nanay sabay lagay ng sinaing sa stove.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Napasinghap pa nga itong si nanay pero napangiti rin naman. She was giving off the familiar motherly aura. I miss nanay so much, it felt very surreal.

He's RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon