He's Ruthless by: myscarletletters
Thank you sa patuloy na bumabasa nito. I love you all. ^_^
**********************************************
Kabanata 22
Nahihiya akong umupo sa front seat ng Buggati Chiron, may parte sa utak ko na nag-uudyok na makisabay nalang ako sa mga staffs na sasakay sa mga Hiace vans. Natatakot ako na madumihan ang maganda at mamahalin niyang kotse, na kahit magtrabaho ako habang buhay hindi kaya magiging sweldo ko ang makabili ng ganito ka mamahaling sasakyan.
Kung nandito siguro si Aly at Ark sigurado akong nagtatatalon na ang kambal sa tuwa. Mahilig sa kotse si Ark at kahit babae si Aly alam ko mahilig din siya sa mga car basta ba kulay pink.
Ano na kaya ang ginagawa ng kambal ko? Sana hindi sila sakit ng ulo kina Misty.
The smell of mint and lemon wafted and attacked my sense of smell. Lalakeng lalake ang amoy ng pabango ng sasakyan ni Azrael. If the exterior was majestic, well, the inside was bravura and magnificent. Makikitaan na lalake ang may-ari ng kotse dahil na rin sa pagkakaayos ng mga bagay sa loob. It was cozy and spacious.
"Mauuna na tayo kina mom, may dadaanan pa daw sila e." utas ni Azrael habang inaatras ang kanyang kotse.
Agad ako na papitlag nung marinig ko ang husky niyang boses. Tinignan niya ako sa side mirror at nahiya naman akong tumitig ng matagal sa mga mata niya. May kakaibang pwersa kasi na palaging nagiging dahilan ng panghihina ko kapag nakatitig siya sa akin. It felt like he could stare to my very soul and his voice effortlessly cradle me the endless swirl of wind.
Jusko! Ano ba itong mga pinagsasasabi? May swirl of wind pa akong nalalaman! Ganito ba ka tindi ang epekto ng presensya ng isang Icarus Azrael Montefalco sa akin?! Oh my god!
"Azi pwede naman ako makisabay sa mga staffs niyo eh." Nahihiya kong sabi kasi nakita ko kung papaano ko madumihan ang sahig ng sasakyan niya.
"Ayaw mo ba ako makasabay?" aniya sa isang baritonong boses.
I felt his godly gaze at me kaya I decided to divert my line of vision sa may bintana habang pinagmamasdan ang mga sasakyan na nadadaanan.
"Hindi naman sa ganun. Baka kasi ano ang sabihin ng mga staffs. Ako na nga tong nakikisabay ako pa tong pa espesyal."
Narinig ko ang malalim niyang pagbubuntong hininga bago ulit nagsalita. Napapapikit nalang ako kasi naalala ko bigla na hindi pa rin clear sa akin kung papaano naghiwalay sila ni Sherlyn. Naalala ko pa nga plano niya itong pakasalan at inutusan niya akong maghanap ng singsing na babagay kay Sherlyn.
"Damn! Of course you're special. You're my girl and I don't give a damn."
Patuloy lang ang tingin niya sa kalsada at paminsan minsan tinitignan niya ako sa salamin ng kotse. I have this urge inside of me to ask him what happened to him and her super model slash celebrity girlfriend.
Naputol ang aming pag-uusap nang tumunog bigla ang kanyang Iphone, tinignan muna ako ni Azrael bago sinagot ito.
"Hello mom?" aniya sa airphone niya na nakaconnect sa kanyang cellphone.
"Oo, nandito siya sa tabi ko and mauuna na kami sa inyo... yeah mom of course.... Okay, take care... I love you."
Nakatingin siya sa akin habang kausap niya ang nanay niya at dahil na conscious ako sa paninitig niya kaya I decided to look outside AGAIN!
BINABASA MO ANG
He's Ruthless
RomanceLluvia made a hard decision for her father's sake. She accepted the offer that had given to her. She needs money and being a stripper is the fastest way to gain money. She become a stripper for just a day in order to pay for her father's hospital op...