He's Ruthless by: myscarletletters
Sorry at super tagal kong hindi nakapag-update, sorry sa lahat ng na disappoint ko, sorry dahil natagalan ako. I'm deeply sorry. Ilang months din nahinto itong kwentong to kaya labis akong humihingi ng sorry sa inyo. I do hope may babasa pa nito even though ilang months itong hiatus.
**********************************************
Kabanata 21
Time past by and now sabado na, At gaya ng napag-usapan sasama ako sa outing ng mga Montefalco sa Batangas to treat their staffs in this big mansion para makarelax sila and makapaglibang.
"Nay sama ako please! Ako magbabantay kay Arken." Ani Aly nung nakita nya akong bihis na bihis, nasa likod niya si Ark na nakatingin lang sa akin ng may pagtataka.
I wore an ocean blue maxi dress tapos naglagay ng light make up para macompliment ang soft features ko, then my hair was in an up do bun. Dala dala ko rin ang isang designer bag na bigay sa akin ni Misty at isang maleta na puno ng spare clothes and undergarments.
"Bawal kasi ang mga bata sa pupuntahan ko baby girl." I squat at lumebel sa aking anak. I felt guilty kasi aalis ako para magsaya at sila maiiwan.
Naaawa ako sa ekspresyong ipinapakita ni Aly at tinignan ko naman si Ark ganun din. I can see sadness in both of their eyes, nagdalawang isip tuloy ako kung sasama ako sa outing or maiiwan nalang dito at alagaan ang mga anak.
"Nay you go na po. I'll take care of Azimarie nay! Tapos nandito naman si ate Abby e." Ark said it reassuring but there was a hint of sadness in it.
Nag-isip muna ako kung papaano ko mapapasaya ang mga anak ko while I'm away. And then the image of Misty flashed in my mind. Sana hindi siya busy ngayon.
I fished out my phone inside my shoulder bag at tinawagan si Misty praying that she'll pick it up and hindi siya busy sa araw na ito at bukas. Di naman nagtagal ay sinagot niya ang tawag ko.
"Hello?" she said in a lazy tone and for sure kakagising lang nito dahil narinig ko pa ang paghikab niya.
"Misty! I need your help."
"Bakit?! Anong nagyari, Lluvia?! Nalaman na ni Azrael na siya ang ama ng kambal mo?!" Biglang nabuhayan ang boses niya nung marinig ang sinabi ko. Concern and shock were evident in her voice.
Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero this was not the time for that. I needed to go to the Montefalco's estate at baka sabihin pang pa special ako dahil ang tagal ko dumating.
"Hindi, may iaask lang sana akong favor if it's okay to you."
"Akala ko nagkabukinggan na and what is it, Llu?" Kumalma na ang tono ng boses niya at narinig ko pa ang malalim niyang hikab.
"Pwede ba pabantayan ko sayo ang mga bata." I said it with pleading in my tone.
"Talaga?! Sige ba! No problem Lluvia. Saan ba lakad mo?" Tanong niya sa kabilang linya.
"Naalala mo yung inimbitahan ako ng mga Montefalco na sumama sa outing sa Batangas? Tinext kasi ako ni Manang Lourdes yung mayor doma ng mansyon sabi niya sa mansyon nalang daw ako dumiretso."
"For sure matutuwa nito sila Tristan at Pierre. Napalapit na rin kasi ang kambal sa kanilang puso. Enjoy na enjoy sila last time nung dinala mo ang kambal dito. Pati ako! gusto ko magshopping kami tapos kumain sa labas! Manunood kami ng sine and many more!" ramdam na ramdam ko ang saya at excitement ni Misty for sure kumikislap pa ang mata niya habang sinasabi yun.
"Pasensya na talaga sa abala Misty ah."
"ano ka ba! What are friends are for ika nga." At tumawa siya.
BINABASA MO ANG
He's Ruthless
RomanceLluvia made a hard decision for her father's sake. She accepted the offer that had given to her. She needs money and being a stripper is the fastest way to gain money. She become a stripper for just a day in order to pay for her father's hospital op...