Kabanata 17

6K 125 44
                                    



He's Ruthless by: myscarletletters

Hope you'll love this chapter. And once again I would like to apologize for my very long absence in the world of writing. I think my writing style is getting rusty. Kinakalawang na ako sa pagsusulat. Sana di ko kayo ma disappoint sa mga chapters na gagawin ka pa. VOTE...COMMENT....READ.... FOLLOW.... And ENJOY!

**************************************************

Kabanata 17



Inalis ko ang pagkakapulupot ni Azrael sa kanyang kamay sa aking baywang. Kahit nagbubunyi ang mga demonyo sa loob ng tyan ko ay kelangan kong tigilan itong pinaggagagawa niya. Pinagtitinginan na kami ng mga empleyado at baka ano na namang chismis ang kumalat sa kompanya.

Tamihik lang ako habang kinakain ang lunch. Walang ni isa sa amin ang nagsasalita dahil pinapakiramdaman naming ang isa't isa. Kitang kita ko kung papaano magpalitan ng tingin si Azrael at Hunter. Kahit anong pilit kong pagpapalayo kay Azi ay ayaw talaga nitong layuan ako.

Ano bang trip ng isang to at ayaw akong lubayan? Tinignan ko si Azrael at ang kumag nginitian ako ng pagkawagas wagas. Firm na ang desisyon ko nung gabing naghalikan kami sa parking ng bar na lalayuan ko siya pero bakit ayaw makinig ng katawan ko sa sinasabi ng utak ko?!

Tinignan ko si Hunter na nakaupo sa harapan ko at matama rin akong tinignan sabay paskil sa kanyang mala close up ad na smile. Tahimik lang kami at ang dalawang lalaking sa tabi ko ay nginingitian lang ako pag tinitignan ko sila. Their creeping me out. Pero dahil siguro nabingi na itong si Azrael sa katahimikan ay nagsalita na ito na ikinagulat ko. Akala ko pa naman kaya nitong tumahimik for five minutes pero di pala.

"Sabi ni mommy sumama ka raw sa outing ngayong darating na Sabado. Pupunta daw tayo sa Batangas." Ani pa nya at sinubo ang kain na may ulam na chicken curry. Pinagmasdan ko kung papaano siya ngumuya at kung papaano gumagalaw ang bibig niya. kahit anong masinsinang pagoobserba ko sa isang to, wala talaga akong makitang pisikal na kapintasan.

Sa gwapo ni Azrael kahit si Adonis ay mamapahiyang ibalandra ang mukha niya. Azrael is definitely the God of sex. Sa kunting kilos lang nya kaya niyang gawin siyang sentro ng pagnanasa ng kababaehan. Every move and motion he made ay pinagsisigawan nito na isa siyang taong makapangyarihan at may kaya. Pinagsisigawan nito ang karangyaan na kinaiinggitan ng karamihan. At mapapatayo ang balahibo mo sa malamig nitong boses na kayang gawing yelo ang nag-iinit mong kaluluwa.

"I know. Sinabihan na ako ni maam Divine nung nasa party tayo nila Misty." ani ko sa kanya habang sinusubo ang kain na may adobo.

Tamihik pa rin si Hunter na nagmamasid sa amin na pilit ineeksamin kung anong namamagitan sa amin ni Azrael. Gusto ko sana ng peaceful lunch pero itong Azrael ipinagkakait sa akin ang matiwasay na tanghalian.

"Nakalimutan ko kasing sabihin eh. And any way ililipat ka na sa marketing department bilang marketing director." Sabi pa nya at nakangiti na naman itong dumungaw saken.

God! Azrael is creeping me out at tumatayo tuloy balahibo ko sa pinaggagagawa niya.

"Stop smirk you idiot! You're creeping me out!" kahit anong pilit ko sa aking sarili na wag kausapin itong si Azrael pero parang may sariling utak at bibig ang katawan ko. Na parang alipin ang aking utak sa sinasabi ng aking katawan.

"Is my sexiness really that intimidating to you? Can't blame you for that because I'm Azrael! Ang lalaking pupuno sa mga pangangaelangan mo." He flashes again that infamous smile of him that made girls drools at him over and over again. At hindi lang yun sinabayan ba niya ito ng pagkindat. Agad akong kinilabutan sa ginawa niya at naging dahilan para magsitayuan ang balahibo ko.

He's RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon