Kabanata 31

5.6K 141 62
                                    


Kabanata 31

So heto na naman tayo sa kabaliwan ko at kahit papaano nairaos kong gumawa ng UD. Feeling ko ang sabaw ng update nato so bear with it nalang hahaha. Naloka lang talaga ako kasi nakakamatay ng brain cells every time nag-iisip ako sa mangyayari sa next update.

Ganun pa rin READ VOTE COMMENT ENJOY!

**********************************************


Nakatingin ako sa pintuan na pinaglabasan ni Azrael. Ramdam ko ang sakit nung makita ko ang ekspresyon niya kanina. Kapag ako sinabihan rin ng alis ni Ark for sure durog na durog na agad ako. Paano nalang kaya si Azrael na ngayon lang nakilala ang mga bata for sure super sakit nun.

"Baby hindi mo dapat sinigawan at pinaalis ang tatay mo. Bad yung ginawa mo Ark." Pagtatama ko sa kanyang mali.

Plano ko nga ata magmisa dito sa loob ng room niya dahil sa lintanyang pangangaral ko pero huwag nalang dahil baka mastress itong big boy ko. Kakagising pa lang naman nito at ayokong magbeastmode din to sa akin. Azrael na Azrael pa naman ang ugali nito.

"Eh nanay he's bad! Inaaway ka niya kanina po eh. He slapped you too! Diba dapat ang mga girls hindi pinapacry, pero yung sir kanina sabi niya pinaiyak ka po." Sagot naman nitong anak ko.

Sure na sure na ako kapag lumaki na tong batang ito, pati ako tataob kapag may arguments kami.

"Kahit na Azkael! Hindi kita pinalaki para pagtaasan ng boses ang mga nakakatanda sayo. Bad yun." Ani ko sa anak ko.

Biglang lumungkot ang mukha ni Ark at may mga luha ng nabubuo sa gilid ng kanyang mga mata. Jusko po! Emotional masyado ang anak ko!

Agad kong niyakap si Ark dahil baka umiyak pa ito ng tuluyan. Ang ingrata ko talaga, si baby Ark na nga ang tumulong sa akin kanina dahil inaaway ako ng tatay niya hindi ko man lang siya napasalamatan sa pagtatanggol sa akin.

"Baby Ark, thank you sa pagtatanggol mo sa akin ah. Love na love ka ni nanay." Malambing kong sabi sa kanya.

Kahit na may dextrose na nakaturok sa kanyang kamay ay niyakap niya rin ako ng mahigpit. "Nanay I love you so much. Don't worry nanay, I'll always protect you po." Masayang sabi ni Ark.

I miss him so much. Miss na miss ko ang anak ko. Ilang araw pa nga lang siyang hindi gumigising para na akong nababaliw at gumuguho ang mundo ko, what more if kuhanin na sila ng kanilang ama. Pero hindi ko hahayaan na mangyari yun. Magkakamatayan muna kami ng ama niya.

Bumukas ang pintuan ng kwarto at nakita namin si Misty, Abby at Aly na papasok sa private room. Halos lumuwa na ang mga mata nila nung makita nilang gising na si Ark at nakaupo na ito sa kanyang kama.

"Ark!" sigaw nilang tatlo nung makarecover na sa pagkashock.

Natawa nalang ako sa mga hitsura nila dahil naiiyak sila na parang nagkakadiarrhea. Nagtakbuhan pa talaga sila papasok at papunta sa amin.

"Arken! Arken!" masayang sigaw ni Aly at nagspaspark pa ang mga mata niya.

"Thank God and Ark is finally awake!" nagagalak na sabi Misty at hinawakan pa ang mga kamay ko at nagtatatalon sa tuwa.

Jusko hindi ako prepared at keneri ang buntis na to dahil tumatalon talon pa talaga. Nakakawindang lang siya to be honest. Pero kita ko talaga na genuine ang saya sa kanilang mga labi.

Masaya ako kasi maraming tao ang nagmamahal sa aking mga anak. Si Abby mangiyak ngiyak na sa tuwa at parang ewan lang siya pero nakakatawa siyang tignan. Para kasing nagkakaulcer ang facial expression na pinapakita niya.

He's RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon