Kabanata 33

6.3K 155 60
                                    


Kabanata 33

Sorry if sabaw ang ud ah. Namatayan na naman ako ng braincells kaya tiis ganda muna kayo ah ^_^ Don't forget to leave your comments and spare some votes.

VOTE.COMMENT.READ.ENJOY.

*******************************


Kakadischarge lang ni Ark kanina at dumiretso na kami dito sa aming apartment. Si Azrael ang naghatid sa amin dito dahil gusto niya rin daw makita ang bahay namin. Nung makarating na kami sa lugar namin pinagtitinginan kami ng aming mga kapitbahay kasi naman nakakapukaw ng atensyon itong pangmayamang kotse niya.

Klase klaseng tao ang nagsilabasan, mga matatanda, mga kabataan, mga bata, middle age people. Nakakaloka na nga dahil parang naging instant artista kami dahil pinagtitinginan pa rin nila ang sasakyan. Minsan lang kasi may mga magagarang sasakyan ang mapadpad dito sa aming lugar. Si Misty at si Azrael lang ang mga pumukaw sa natutulog na atensyon sa aming mga kapitbahay.

Nagsilabasan pa talaga yung mga tao sa kani-kanilang bahay para lang matignan kung kanino ba at kung sino ba ang sakay ng kotse ni Azrael. Nung nagstop ang sasakyan sa tapat ng bahay namin, agad pinalibutan ng mga bata ang kanyang Bugatti Chiron. Nakakaagaw pansin talaga.

Lumabas si Azrael sa kotse at umikot sa passenger seat para pagbuksan ng pintuan ang mga bata. Nakita ko pang malagkit na tinignan ng mga babae at binabae si Azrael at nakita kong may tumili pa talaga.

"C'mon on out kids." Sabi ni Azrael at bibong lumabas si Aly at nakasunod lang sa kanya si Ark.

Nung makita ng mga tao sila Ark at Aly nagulat sila at hindi makapaniwala. Sino ba ang hindi magugulat na nakasakay pala sa mayamang kotseng ito ang mga anak ko.

Napatikhim nalang ako at napailing sa mga curious kong kapitbahay. Sumunod na rin ako at lumabas.

Ganun nalang ang paglaki ng mga mata nila specially yung mga babae at binabae nung makita ako. Gulat na gulat ang mga chismosa dahil sa presence ko.

"Nakabingwit ng mayaman si Lluvia!"

"Tignan mo nga ang binata, kamukhang kamukha ng kambal."

"Baka ama nila yan?"

"Wow! Nagpabuntis talaga sa mayaman at gwapo ah."

"Kung ganyan ba kayaman at kagwapo kahit ako magpapabuntis rin no! Sarap kaya nung guy."

Tumaas ang kilay ko sa aking naririnig. Kakabalik pa nga lang namin at ganito na agad ang maririnig at madadatnan namin. Nakakabeastmode lang, parang gusto ko tuloy magbasag ng mga bagay sa kanilang harapan.

Hinusguhan agad ako na nagpabuntis daw sa mayaman at gwapo. Anong tingin nila kay Azrael meal ticket? Minsan mas kontrobida pa talaga ang mga kabitbahay eh kesa sa magulang ng karelasyon mo. This is the hard fact about the society, no matter what you do people will continue to judge to suffice their curiousity and blatant insecurities.

Kung makahusga akala mo naman may papel sa aming buhay. Letche.

"Sino yang kasama niyo, Aly?" tanong ni Jen, isa sa mga kalaro ni Aly.

"Oo nga, sino siya Arken? Kamukhang kamukha niyo siya." Sabi naman ni John habang tinuro pa talaga si Azrael.

"Siya ang daddy namin!" hinila ni Al yang kanyang ama at proud na ipinakilala sa kanilang mga kaibigan.

Yung mga bata tiningala nila si Azrael with interested eyes and amazement. Nagpakilala naman si Azi at natuwa naman ang mga friends ng anak namin.

Ang mahal kong senyorito kung tumayo sa kanilang harapan ay parang hari. Kita agad na nangingibabaw siya kahit simpleng polo at ripped pants ang suot niya. Yung mga babae ang lalandi ah. May mga kumindat pa talaga sa kanya. At nakakawerla lang! Ambot aning mga kambing na naay bangs!

He's RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon