Kabanata 10

6.1K 141 15
                                    


He's Ruthless by: myscarletletters

Natuwa ako sa comments kaya mag-aupdate ako. Sana magcomment kayo at bumuto. I hope you'll enjoy this update.

**************************************************

Kabanata 10

"Tomorrow na yung birthday ni mommy at sabi pa niya sabik na sabik na daw siyang makita ka." sabi ni Misty.

Kahit ako ay sabik ng makita ang pamilya niya. Ang bait kasi ng Mom at Dad niya. Kapag nandun ako sa kanila walang araw na hindi nila ako ineentertain. Kapag nagbabakasyon sila ay sinasama nila ako. May dalawang kapatid na lalake si Misty. Si Misty ang pinakamatanda. Yung dalawa niyang nakababatang kapatid ay paniguradong nasa college na ngayon. Ang kikisig at ang gwagwapo pa naman nun paniguradong maraming nagkakandarapa sa dalawang yun.

"Ako rin. Namiss ko rin ang parents mo. I bet mas gumanda at gwumapo sila tito at tita." Sabi ko.

Naglalakad kami ngayon patunggong seven eleven. Walking distance lang kasi sa aming apartment ang aming pupuntahan. Gagawa kasi kami nila Misty at ng kambal ng mango float at kulang ang condensada namin. It's seven in the evening at yung kambal nasa bahay na. Naghire pa nga ako ng baby sitter para may magbantay sa kambal.

Gabi na pero ang andami paring nakatambay sa labas. May mga tao pang nag-iinoman, nagkwekwentuhan, may mga nagskaskate board pa at nagtitinda ng mga barbeque. Yung mga bata ay naglalaro pa ng habulan kahit gabi na. May nakita pa nga kaming nagbabasketball ni Misty sa bakanteng lote na ginawang basketball court.

"Ang saya dito neighborhood niyo ah. Andami pang mga taong sobrang busy." Pag-aappreciate niya.

Para ngang 24/7 ang mga ito dahil yung mga nag-iinuman ay inuumaga na kakainom. Yung mga nagtitinda ng barbeque haggang 1 am nagtitinda pa rin yun. Yung mga magkakabarkada na naggigitara at nagkwekwentuhan minsan diyan na sa kalsada inuumaga. It's opposite sa kanila Misty. Ang tahimik na kasi sa kanilang subdivision pag tumunggong na sa alas nyebe ng gabi. Kaya ayan na mamanggha siya habang lumilinga.

"Ang inggay kamo." Ani ko.

Nung marating namin ang seven eleven ay agad kaming pinagtinginan. May sumipol pa na lalake habang pinapasadahan kami ng tingin ni Misty. Agad akong napatingin sa aming mga suot.

I'm wearing a fitted black skull tee shirt na may print na punk's not dead. At maiksi na denim shorts. Nakapusod ang mahaba kong buhok. Ito namang si Misty ay nakafitted sando na kulay puti at nakacotton shorts habang nakapony tail ang kanyang buhok.

Pumasok na kami sa loob at hindi nalang pinansin yung mga nakatingin sa amin. Kumuha ako ng basket at nilagyan ko yun ng tatlong condensada. Nilagyan rin ni Misty ang basket na hawak ko ng mga chichirya. At mga bottled coke.

"Andami ata nito. Sure ka mauubos mo yan?" tanong ko.

"Hindi lang naman ako ang kakain niyan eh. Tayo namang lahat." Sagot niya sa isang masayang tono.

Papalabas na kami ni Misty nung may humarang sa amin. Pinasadahan ko ng tingin ang lalakeng nakaharang sa aming harapan. Matangkad siya at parang kasing tangkad ni Azrael.

"Hi miss. Uhmm... pwede bang mahingi ang cellphone number mo." Nahihiyang sabi nung lalake.

Nagkatingin kami agad ni Misty. Hindi namin alam kung sino sa aming dalawa ang tinutukoy nung lakake.

Maamo ang mga mata niyang may pinaghalong brown and blue. Ang tangos ng kanyang ilong at ang pumula ng kanyang mga labi. Napakalalake ng kanyang jawline at ang tindig niya ay para siyang isang international model. Ang kinis ng kanyang kutis niya at parang porselana. Yung ngipin niya ay kasing puti nung mga nakikita sa tooth paste na advertise. At kitang kita ko kung papaano mag flex ang kanyang mga muscles habang nakakamot ang makisig na lalake sa kanyang ulo. Ang ganda rin ng kanyang pangangatawan. He's a certified hottie.

He's RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon