Kabanata 32
Hayan na UPDATE na naman ^_^ Go lang ako nito kakaupdate para sa ekonomiya. Nadraidrain na talaga utak ko kakaisip. Continue to leave your comments and spare me some votes.
VOTE. COMMENT. READ. ENJOY.
****************************************
Nandito pa rin kami sa ospital at hindi pa rin na didischarge si Ark. Parang nung isang araw lang tinatanong ko ang sarili ko, kung sasabihin ba ni Azrael sa pamilya niya na may mga anak kami at natatakot ako sa maari nilang sabihin sa akin. At dahil mahal na mahal ako ni Azrael, ichinika na niya sa kanyang pamilya na may dalawa na siyang anak. Kaya heto ako ngayon hindi mapakali sa aking kinauupuan.
"Pupunta talaga mga pamilya mo? As in ang mudra at pudra mo and many more?" pagtatanong ko sa kanya at hindi na talaga mapakali ang kaluluwa ko.
"Yes. So be at your best behavior." Walang gana niyang sabi.
Naasar ako sa sinabi niya at sa aking isipan minumurder ko na si Azrael. masama ko siyang tinignan pero walang epekto iyon sa kanya. He just look at me with uninterested eyes.
"Anong tingin mo sa akin delinquent? Isa nalang at macocombohan na kita." pagbabanta ko at tinaas lang niya ako ng kilay.
"They're angry at you for keeping the kids from my family as well. Mom was so furious on you when I told her that you hide my twins." Pananakot pa niya sa akin na super effective.
Kinabahan ako sa kanyang sinabi at hindi ako nakagalaw sa aking kinauupuan. Biglang may sumabog sa utak ko dahil sa sinabi niya.
Bwesit na kumag yan siguro nag-eenjoy yun sa pagtorture sa akin. Kabang kaba na ako pero siya ayun, prenteng nakaupo sa couch at nakikipagchikahan kay Aly. Si Ark naman nasa tabi ko lang at naglalaro ng Naruto Ultimate Ninja Storm 4.
Sa kanilang dalawa mas namana ni Ark ang pagiging Otaku ko and number one fan ng Naruto. Si Aly kasi pa cartoons cartoons lang, eh itong Arken Azkael ko umootaku ang drama. Pero bwesit talaga. Naiihi na ako sa kaba dahil pupunta dito ang mga magulang ni Azrael tapos pati pa si Drew, Shelia and Ethan.
Buti pa ang mga ito pa chill chill lang, ako halos mamatay na dahil sa bilis ng pintig ng puso ko. Nakakanerbyos talaga. Hindi pa ako ready na harapin ang magulang ni Azrael. For sure susunugin nila ako ng buhay dahil sa ginawa ko.
Still hindi pa rin maayos ang kung anong relasyong meron kami ni Azrael. He was still cold and we were just acting like a couple for Ark's sake. Baka mafliptopan na naman itong si Azrael kapag makita ni Ark hindi kami lovey dovey ng ama niya. Kaya todo performance level ang aming actingan up until now, and ang saya lang nachachansingan ko ang baby Azrael ko. Jusko yung abs mga besh, ang hehealthy and sobrang tigas. What more pa kaya if yung mighty meaty na niya ang hahawakan ko.
Pashnea ka Lluvia! Siraulo ka Lluvia, umayos ka! Huwag kang manyak!
Habang pinagnanasaan ko pa si Azrael sa isipan ko, biglang bumukas ang pintuan ng private room ni Ark. Nakakawindang na talaga ang mga pangyayari ah. Hindi ba nila alam kumatok and need talaga buksan agad ang pintuan? What if naghahalikan kami ni Azrael ngayon so ano? Caught in the act ang aming landian. Jusko! Elolock ko na talaga yan next time.
Tinungo ko ang paningin ko sa pinto at nung makita ko kung sinong lapastangang bumebwesita sa baby Ark ko, ay nanigas ako sa stool na aking inuupuan. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa lakas ng pintig nito. Yung mga mata ko naman muntik ng mag-evacuate sa kanilang eye sockets. Parang na drain ang dugo ko nung tignan nila ako.

BINABASA MO ANG
He's Ruthless
RomanceLluvia made a hard decision for her father's sake. She accepted the offer that had given to her. She needs money and being a stripper is the fastest way to gain money. She become a stripper for just a day in order to pay for her father's hospital op...