He's Ruthless by: myscarletletters
Hope you'll like this story. Icarus Azrael Montefalco story.
**************************************
Kabanata 1
Pitong taon na rin ang nakararaan simula nung may nangyari sa amin ni sir Azrael. Nagpakababaw ako para may maipambayad ako sa operasyon ni papa pero huli na ako. wala na si papa. Nalulungkot man ako pero kaelangan kong magpakatatag. Nung nawala si papa akala ko hindi na ako makakangiti pang muli pero mali ako. May dumating sa buhay ko na nagpabago sa lahat. Isang regalo na bigay sa akin ng panginoon at ni sir Azrael.
"Nanay! Inaway po kanina sa school ni Ark. Sabi nung si Jay po ampon daw si Ark. Hindi naman po diba nanay?" sumbong ni Aly.
Nabalik ako sa realidad nung narinig ko ang sinabi ni Aly. Agad akong tumungo sa kanila na nasa pintuan ng bahay, kakarating lang nila galing sa school. Si Ark nakasandal lang sa dingding at tiningnan ako. si Aly naman ay hawakhawak ang sidsid ng damit ko.
"nanay. Ampon ba ako?" tanong ni Ark. Mabilisan ko syang niyakap. "sabi kasi ni Jay, Nanay ang mga batang walang tatay po ay ampon daw." Nakita kong may namumuong luha sa mata ng anak ko.
Oo, anak ko sila. Nagbunga ang ginawa namin ni sir Azrael at sa tuwing pinag-uusapan namin ang tungkol sa tatay nila ay gusto ko ng umiyak pero hindi pwede. Ayokong magpakita ng kahinaan sa mga anak ko na kahit nadudurog ang puso ko sa katutuhanang kahit kelan hindi nila makakasama ang tatay nila. Mayaman sila sir Azrael at makapangyarihan di tulad ko na mahirap lang at sakto lang ang kinikita para sa mga anak ko. Sikat si sir Azi at maraming babae ang humahanga sa kanya. May girlfriend rin sya. Isang sikat na modelo na si Sherlyn Heraldo. At kaya hindi ko masabi sa kay Azi dahil nahihiya ako. nahihiya dahil naging stripper ako. natatakot rin ako dahil baka gawing rason yun ni Azi ang pagiging stripper ko para makuha ang mga anak ko. alam kong isang beses ko lang ginawa yun pero kahit anong gawin ko hindi na yun mabubura sa alaala ko. Nagpakababaw ako para sa pera.
kambal ang aking anak at sila ang pinanghuhugutan ko ng lakas ng loob para harapin ang hinaharap. I worked hard to sustain their needs. At nagtratrabaho ako sa kanila. Sa kanilang kompanya. Gusto ko man umalis at iwan ang trabahong yun pero hindi ko magawa. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya nila. Si maam Divine at si Lola Helena na nanay ni sir Joseph ang nagpaaral sa akin. Ang babait nila sa akin. I know what I did is so selfish. I deprived my twins to have a luxurious kind of living dahil natatakot ako. natatakot ako na baka ipagtabuyan ni Azrael ang mga anak namin. And I can't dare to look my twins with a broken heart.
"Nanay hindi naman ampon si Arken diba po? Nanay!!" umiyak na rin si Aly at niyakap ako.
"tahan na kayo mga baby ko. walang ampon sa inyo okay? Galing kayo sa tyan ni nanay." Ani ko. tinignan nila ako at hindi ko alam kung ano ang iniisip nila. Isa ito sa mga namana nila sa kay sir Azrael. Hindi madaling basahin ang iniisip nila. Si Ark ay sobrang hawig ni Azrael. Yung rough features nya ay napaka-exquisite. Ganitong ganito ang hitsura nya nung bata pa kami. Sabay kaming lumaki ni sir Azi at nakikita ko ang batang Azrael kay Arken. Those deep set of dark eyes are surely from him, those long eye lashes, ang matangos nyang ilong at ang mapula pula nyang labi. Ang gwapo nya at pinagsisigawan ng kakisigan nya na isa siyang Montefalco. Magkamukha naman si Ark si Aly pero mas softer ang features ng anak kong to babae. Para siyang anghel at mestiza rin sya. Ang lakas ng dugo ni Azrael dahil halos lahat na inherit nila sa kanya.
Hinagkan ko silang dalawa. "nanay. Nasa heaven si Tatay diba po? Nakita na nya siguro si papa God." Ani Aly.
"Nanay. Bad ba si tatay kaya kinuha siya ni papa God?" tanong naman ni Ark.
BINABASA MO ANG
He's Ruthless
RomanceLluvia made a hard decision for her father's sake. She accepted the offer that had given to her. She needs money and being a stripper is the fastest way to gain money. She become a stripper for just a day in order to pay for her father's hospital op...