Kabanata 8

6.3K 150 8
                                    

He's Ruthless by: myscarletletters

VOTE...COMMENT...READ...ENJOY... THANKS ^_^

*****************************************

Kabanata 8

Sinundan ko ng tingin si Azrael habang papaalis na ito sa caféteria. Nanlalaki ang mata ng mga ka trabaho ko. Kahit ako hindi ko alam ang gagawin dahil parang nagulantang ang lahat sa kung ano mang relasyong namamagitan sa amin ni Azi.

He's my friend and sa mga taong nandito sa cafeteria hindi ito kapanipaniwala. Wala kasi silang alam na magkaibigan kami ni Azrael kaya hindi ko sila masisisi kung magulat sila sa mga nangyari. Kahit si Glimmer ay gulat na gulat.

Napailing nalang ako. It was as if isang malaking issue ang maging bestfriend ang boss ng kompanya. Tinignan ko sila Kesha, Agnes at Christian. Si Kesha at Christian ay na trance. Iton namang si Agnes ay nagngingiting aso pa sa akin sabay taas baba ng kilay.

Kinilabutan ako sa kanya dahil parang may naiisip itong kabaliwan. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa akin. She bends her back at may ibinulong.

"Both of you look like a couple. Ang sweet niyong tignan kanina ah habang nag-aasaran. So, what's the score?" pang-aasar niya.

Agad akong pinamulahan dahil sa mga sinabi niya. Ganun naman talaga kami ni Azi noon pa ah. Ganun mangtrip at mang-aasar siya.

"kaya pala may posisyon sa kompanya kasi bestfriend niya ang boss." Pagpaparinig ni Glimmer.

Agad nagpanting ang pandinig ko. Hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban niya. I didn't use my connections para makapasok dito. I undergo the same process para makapasok dito. Ininterview and such at ngayon huhusgahan niya ako dahil lang kaibigan ko si Azi at may posisyon ako dito sa kompanya.

Hindi man ako mahilig makipag-away pero I need to defend myself lalong lalo na kung alam kong wala akong ginagawang masama. Nakita ko sa gilid ng aking mata na nakakunot ang noo ni Agnes at Kesha. Magsasalita na sana ako kaso may nakauna.

"Pwede bang tumahimik ka na Glimmer. Know your place!" Saway ni Christian.

Kumibot ang labi ni Glimmer at nainis. "at talagang kakampihan mo siya ah? Eh totoo naman ah. Malay natin baka ginamit niya yang mga connections niya para mas ma promote pa." naasar na sabi nito.

I can't take this anymore. Nakakahiya na. Nakita kong nagbubulungan na ang ibang mga empleyadong nandito sa cafeteria. Pakiramdam ko ay hinuhusgahan na ako.

"Ano ba ang problema mo sa akin? Ganyan ka ba ka desperada para sa titulong employee of the month? Kung ganun man, sayong sayo na yun! At isaksak mo yun sa baga mo. Shallow it until your heart's content." I said it with gritted teeth.

Ngumiti si Agnes dahil pinagalitan ko na si Glimmer. Si Kesha at Christian nakatingin sa akin.

"ang kapa...." Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na siya.

"At hindi ko ginamit ang koneksyon ko para makapasok dito! The hell I care with those connections!. Let me tell you this, cum laude ako kaya nakapasok ako dito. Ikaw? Last time I remembered nagmakaawa ka pa nga para lang makapasok dito sa kompanya diba? So don't give me this bulls!" sabi ko habang may bigat sa tono.

I was one of the personnel na nag-interview sa kanya dito kaya alam ko yun. Pinagtawanan pa nga siya ni Mr. Ramos pero dahil marami kaming naawa sa kanya ay inapprobahan namin ang pagmamakaawa niya. Kung ma promote man ako labas na siya dun dahil nagsisikap naman ako na pagbutihin ang trabaho ko.

He's RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon