TAON 1500
Nakapalibot ang apat na hari sa bagong silang na bampira. ANG PRINSIPE NG TAKIPSILIM. Umiiyak ito at halatang gutom. May pumasok na isang kawal kasama ng isang babae na pilit na nagpupumiglas sa malabakal na kamay nang isang kawal.
“Parang awa nyo na! May mga anak ako!” pagmamakaawa ng babae pero hindi sya pinakinggan ng mga ito.
Itinaas ni Luther, ang unang hari ang kanyang kanang kamay. Kaya naman iniwan na ng kawal sa silid na yun ang babae at lumabas na ng silid.
Iyak ng iyak ang babaeng may katandaan na. Nagtatakbo sya sa loob ng silid na para bang naghahanap ng pintuan na pwedeng labasan.
Ngunit ang nag-iisang pintuan na gawa sa bakal ay naka-kandado na. Wala din ni isang bintana.
Nagsasabay ang iyak ng sanggol at ng babae. Takot na takot ang babae, at hindi malaman ang gagawin. Samantalang ang sanggol naman ay naghahanap ng dugo na kanyang maiinom para maibsan ang gutom.
“Masakit sa tenga.” Sabi ni Ash, ang ikatlong hari.
“Tigilan mo ang pagngawa at ialay ang sarili sa prinsipe ng takipsilim. Gutom na ang sanggol.” Utos ni Luther sa babae na hindi makatingin sa kanya ng deretso.
Nanginginig sa takot at halos wala ng mailabas na luha maging boses ang babae. Ayaw nyang tumingin sa mata ng kaharap nya dahil alam nya pag ginawa nya yun katapusan na ng buhay nya.
“Kung ayaw mong mahirapan sumunod kana” naiinip na sabi naman ni Magnus, ang ikalawang hari.
Naghikab si Creighton, tanda ng pagkabagot. Sya ang ika-apat na hari at hindi sinasadya na nagtama ang tingin nila nang babae.
“Aaaahhhhh!!” tili ng babae dahil sa sobrang sakit sa ulo ang naramdaman. Parang pinipiga ang kanyang utak.
Parang nang-aasar naman si Creighton dahil hindi nya inaalis ang tingin sa babae at para bang naaliw na makita itong nahihirapan.
Nanigas sa kinatatayuan ang babae pero ramdam na ramdam nya ang sobrang sakit ng ulo nya. Gusto nyang alisin ang tingin sa mata ni Creighton pero hindi nya magawa. Pakiramdam nya ay binibiyak ang kanyang ulo.
Nabaling ang tingin ni Creighton sa sanggol ng gumapang ito pababa ng kama. Natumba naman sa sahig ang babae dahil sa panghihina na naramdaman ng mawala bigla ang sakit sa ulo na naramdaman kanina lang.
Napaatras sa takot ang babae ng makita ang nanlilisik na mata ng sanggol habang nakatingin sa kanya. Nakabuka ang bibig nito at naglalaway. Kitang-kita nya ang mga matutulis na pangil nito.
“Aaahhh!!” isang nakakabinging tili ang umalingaw-ngaw ng sunggaban sya ng sanggol at kinagat sa leeg hanggang sa maubos ang kanyang dugo.
Tumawa ng malakas ang apat na hari.
--
Isang linggo ang lumipas. Nasa isang silid-pulungan ang apat na hari kasama ang prinsipe ng takipsilim.
Nakaupo sila sa isang mabang lamesa na gawa sa narra at ang kanilang upuan naman ay may mataas na sandalan.
Mabilis ang paglaki ng prinsipe, mapa-pisikal man o lohikal. Ang dating sanggol, ngayon ay isang matipuno, may magandang muka na nakakapang akit ng sinumang babae, may sapat na kaalaman na akala mo ay ipinanganak ng matagal na panahon na. Kaya na rin nyang kontrolin ang kanyang kapangyarihan na manghipnotismo at bumasa ng utak ng sinuman. Sa pisikal na kaanyuan, aakalain mo na isa syang labing syam na taong gulang. Ngunit kung kakausapin mo sya at malalaman mo ang kanyang kalooban ay iisipin mo na nanggaling ito sa unang panahon.
Isang espada ang nakadikit sa dingding ng taruang silid. Iyon ay ang espada na sumisimbolo sa pagiging Prinsipe ng Takipsilim ng binata. Tanda ng pagiging malakas sa lahat ng bampira at sa lahat ng imortal na nabubuhay sa kasalukuyan.
“Gusto ko ipaalam sa inyo” pasimula ng prinsipe
Nagtinginan sa kanya ang apat na hari.
“Na ipinanganak ako at nabuhay sa mundong ito para mamuno sa magaganap na pagsakop sa buong mundo.” Pagpapatuloy nya.
“Anong ibig mong sabihin mahal na Prinsipe?” tanong ni Magnus.
“Pagsapit ng Dalawang libo’t labing tatlong taon kung saan malalagpasan nila ang END OF THE WORLD. Kung saan ang mga mortal ay mayroong modernong pamumuhay. Sasakupin natin sila at tayo ang mamumuno sa buong mundo. VAMPIRES WILL EXSIST AND HUMANS WILL BE OUR SLAVES.”