Drake's POV
"Kamusta mga kaibigan?" mataray na bati ni Ada, panganay sa Blatarrius Sisters nang makapasok Kami sa living room. Si Jade at Misty naman ay pinagmamasdan ang buong bahay.
"Modern house ang tawag ito." sabi ni Sabina nang mapansin ang dalawa.
"Alam ko" sagot naman ni Misty, ang bunsong kapatid.
"Anong akala mo samin? Walang alam sa mundo ng mga tao?" sabad naman ni Jade.
"Ah... Hehe ! Kamusta kayo?" pumagitna si Kozani sa mga babaeng nagtatarayan.
"Nasan ang mga bagong silang?" tanong ko.
"Nandun sila sa secret room prinsipe." sagot ni Sabina na may kasamang pag-ismid dahilan para sikuhin sya ni Darius ng palihim. Alam Kong Hindi nya kasundo ang Blatarius Sisters Pero wala syang magagawa dahil ako parin ang masusunod.
Pinangunahan ko ang pag-akyat papunta sa third floor kung Saan nandon ang secret room. Pumasok kami sa isang veranda, lumapit ako sa pader na nababalutan ng mga halaman. Sa gilid nun at may pinindot akong button at kusa nang nahati sa gitna at bumukas ang pader .
"Kamangha-mangha!" ignoranteng sabi ni Ada.
Pumasok na kami sa loob. Meron pang isang bakal na pintuan. Si Aliesther na ang nagbukas nun. Tumambad sakin ang magulo at maingay na Newborn Vampires.
"Bakit nyo kami kinulong dito?"
"Were craving for blood!"
"I'm starving!"
"Dugo! Gusto ko ng dugo!"
"Naiintindihan ko ang inyong kalagayan, magpunta kayo sa kabilang lungsod at doon magpakabusog." deklara ko sa kanila.
"Bakit doon pa? Bakit Hindi na Lang ito?! Ahhhh !" Namilipit sya dahil binigyan ko sya ng matinding sakit sa ulo. Napaluhod sya hanggang sa nalagutan sya ng hininga. They gasp at nakaramdam ng takot. Natahimik sila.
Humarap ako sa Blatarrius Sisters.
"Kayo ang gusto Kong mamuno sa pagsalakay sa kabilang lungsod. Ang Kalahati sa populasyon ng lugar na yun ay gagawin nyong mga bampira." paliwanag ko.
"Kalahati Lang?"-Jade
"Tapos ang Kalahati ay aming pagkain? Pwede na!"-Ada
"Hindi. Ang kalahati ay hahatiin mo pa sa Kalahati, ang natirang yun ang inyong pagsasaluhan." pagkasabi ko nun ay naglaho ang mga ngiti sa kanilang labi.
"Ano?! Puro Kalahati... Kalahati! Bakit Hindi p... ahhhh!"-Ada
"Ako ang prinsipe! Wala kang karapatan magreklamo!"
"Pero nagkasundo tayo... ahhhh!"-Misty
"Oo na! Oo na! Tigilan mo na Mahal na prinsipe." pagmamakaawa ni Ada.
I looked away. At nawala ang sakit sa ulo nila.
Ayokong maubos ang mga tao. Dahil kung ang lahat at magiging bampira, sino ang magiging alipin? Matapos Kong ipaliwanag ang dapat nilang gawin ay umalis na ang mga Blatarrius Sisters kasama ang mga Newborn papunta sa kabilang lungsod.
Shara's POV
Naupo ako sa kama at sinabunutan ang sariling buhok.
"Shara bakit ba kasi Hindi ka makatulog?" sabi ko sa sarili ko. Pasado alas dose na kasi ng madaling a raw ay Hindi pa rin ako dalawin ng antok. Yung tipong gusto na matulog ng mata mo pero yung diwa mo gising na gising pa.