Ruax POV
Lumabas ako ng silid at nakita ko si Ornias na may pinagmamasdan, nakita kong titig na titig sya dun sa salamin na malabo. Akala ko kagabi ay salamin yun pero ngayon ay may mga tao ang gumagalaw sa loob.
"Anong klaseng gamit yan?" tanong ko
"Tv" maikling nyang sagot at hindi manlang ako tinignan. Gusto kong matawa dahil hindi ako sanay na babae ang kausap ko sa katauhan ni Ornias.
"Ano yun?"
Napakamot sya sa ulo.
"hay naku naman Ruax. Wag ka masyadong magpahalata na wala kang alam" maya-maya ay sabi nya tapos ay biglang tumawa at tinuro pa yung sinasabi nyang tv.
Nakita ko si Porcel sa may isang pintuan papunta ata sa kusina.
"Ara patayin mo nga yang tv! Ang aga-aga eh!" sigaw ni Porcel. Pinatay naman ni Ornias ang tv tapos ay ngiting-ngiti na humarap sakin.
"Bakit Ara ang tawag mo sa kanya?" tanong ko kay Porcel. natigilan naman sya tapos ay lumapit sakin.
"Nasanay na kasi ako." - Porcel . bakit pakiramdam ko ang tagal na nila dito namuhay at sanay na sanay na sila sa mga bagay-bagay dito sa mundo ng mga tao.
"Ano na nga pala ang dapat nating gawin?" - Ornias. Napatingin ako sa kanya.
"Kailangan kong makuha ang espada ng Prinsipe, hindi ko sya mapapatay kung hindi iyon ang sandatang gagamitin ko. May ideya ba kayo kung saan nya pwedeng itago yun?"
Nagkatinginan ang dalawa.
"Wala Ruax, pasensya kung hindi namin nagawa ang subaybayan ang kilos nila. mas inuna namin bantayan si Shara" napangiti ako. Ngayon ko lang narinig humingi ng pasensya si Porcel, sa tingin ko ay magandang impluwensya ang pagtira nila dito.
--
Kailangan kong magpanggap na ako pa rin si Shara, dahil kailangan kong dumikit kay Prinsipe Drake para malaman ko kung saan nya tinatago ang espada.
Ngayon ay nandito kami sa labas at kanina pa kami lakad ng lakad. ang daming sinasabi ni Ornias na hindi ko naman maintindihan pero sa tingin ko ay tungkol yun sa pagiging moderno ng mga tao.
Pumasok kami sa isang kainan. Ganito daw talaga dito sa mundo ng mga tao. Maraming restaurants at maraming nagtitinda ng pagkain tapos ay babayaran mo. Samantalang sa Infernus walang pera, palitan lang ng gamit sapat na.
Nakita ko ang malaking bubuyog, mas malaki pa sakin pero kulay pula sya.
"Nasan tayo? bakit ang laki nitong bubuyog na kulay pula?" bulong ko kay Porcel. Bigla syang tumawa kaya napatitig ako sa kanya. Kelan pa sya natuto tumawa?
"Nandito tayo sa jollibee" sabi nya ng makaupo kami sa isang lamesa. Si Ornias naman ay nakaipla dun sa harap ng babae tapos ay binigyan sya ng pagkain.
Pagdating ni Ornias ay tinignan ko ang mga pagkain. Masarap kaya yan? Kamote ang paborito ko pero bakit wala? Alam naman nya na yun lang ang kinakain ko.
"Pang mahirap lang ang kamote. Masarap yan SHARA" pinagdiinan ni Ornias ang pangalng yun tapos ay ngumisi.
"paborito yan ni Shara, kung magpapanggap kang sya dapat alam mo ang mga gusto at hindi nya gusto" paliwanag ni Ornias.
"Hindi ako magtatagal sa pagpapanggap kaya sa tingin ko hindi ko kailangan matutunan kung paano sya mamuhay. Anong tawag dito?" sabi ko at pinakita ang bilog na tinapay na madaming palaman.