Porcel's POV
Nagkatinginan kami ni Ornias ng makita ang palasyo ng Apat Na Hari, sa itaas na bahagi nito ay wasak. Wala rin masyadong nagkalat sa daan.
Habang naglalakad sa daan pauwi sa aming kubo ay nakasalubong namin si Semyaza. Napakunot ang noo ko dahil parang may mali. Nakipagtitigan sya samin sandali tapos maya-maya ay nagsalita.
"Nasan ang magaling nyong kaibigan?" tanong nya.
"Sinong kaibigan?" maang na tanong ko, ngumisi sya.
"Si Ruax ba ang tinutukoy mo" sabi ni Ornias.
"Sino paba sa inaakala nyo?"
napaismid ako.
"Hindi na namin sya kaibigan pa..."
"Hulaan ko!" putol nya sa pagsasalita ko.
"Dahil ayaw na nyang kalabanin ang Prinsipe? Bakit pa kayo nagbalik dito?! Hindi nyo alam ang gulong dinulot nyo" napatingin ako sa kanya. Tumingin naman sya sa palasyo ng Apat Na Hari.
"Matira ang matibay!" sa sinabing yung ni Semyaza ay nakakasiguro ako na kalaban na ang turing nya sa mga bampira.
Nandito kami ngayon sa kabilang bahagi ng Infernus. Inipon namin lahat ng fallen angels para sa isang pagpupulong.
"Simula ngayon, kalaban na ang turing natin sa mga bampira" pahayag ni Semyaza. Nagbulungan ang mga fallen angels.
"Pinaikot lang nila tayo sa kanilang mga palad, nakatira sila sa isang palasyo samantalang kubo lang ang sa atin. Hindi patas diba? Kaya ngayon, kailangan natin silang supilin. Tayo ang nararapat na tumira dito sa mundo ng Infernus! Laban!" tinaas ni Semyaza ang kanyang kamao.
"Laban!" ginaya sya ng iba pa.
Naghanda na nga ang mga fallen angels. Tumulong ang mga babaylan sa pamamagitan ng pagdadasal sa aming mga armas. Ang mga bata naman ay tinago sa ligtas na bahagi ng infernus.
Sama-sama kaming lumusob sa palasyo ng mga bampira. At mukang alam nila ang paglusob na gagawin namin dahil lahat sila nakaabang sa malaking pintuan ng kanilang palasyo.
Tumingin ako sa itaas at nakita ko ang Tatlong Hari na nakamasid sa pasilyo.
Maya-maya pa ay may tatlong fallen angels ang tumili at napaluhod tapos ay nangisay sa lupa at tuluyang namatay. Dahil dun ay nagalit ang iba pa at nagsimula nang lumusob ang mga fallen angels sa palasyo ng bampira.
"Aaaahhh!!"
Nagsimula na ang matinding labanan pero ang mga hari ay nananitiling nakamasid sa itaas ng kanilang palasyo.
Lumipad si Semyaza papunta sa mga hari para kalabanin, pero bigla na lang nawala ang mga ito. Maya-maya pa ay bigla na lang bumagsak sa lupa si Semyaza. Si Haring Luther ay nakasakal sa leeg ni Semyaza.