Shara's POV
Waaaahhh!! Potek na yan!! Super bagal ng oras. Ang boreeenggg!! Gusto ko na mahimlay.
Haayy! I really hate this subject. Nakakatamad kasi si Mam magturo eh.
Umayos ako sa pagkakaupo. Nangangawit na kasi ang pwet ko. Nang hindi ko nanaman napigilan ang sarili ko at automatic nanamang lumingon sa kinauupuan ni Damien.
Este Drake pala.
He was actually busy playing with his phone. Bakit ba sya ganyan?
"Tsk." Humalumbaba ako sa ibabaw ng desk ko. Mukang narinig ni Sandra yung pagpalatak ko kaya lumingon sya sakin. Patay malisya lang ako.
Haist! Bakit ganyan ka Damien? Ibang-iba na ang ugali mo. PAti pangalan mo iba na din. Ahm, siguro dapat Drake na lang ang itawag ko sayo? Kasi Your not in my dreams anymore, your now real.
I guess Drake ...
BBBLLLAAAGGG!!!
Lahat kami nagulat at napalingon sa pintuan na malakas na binalibag ni Drake. Nagkatinginan kami ni Sandra.
"What's wrong with Mr. Drake Nelluc?" tanong ng Professor namin na nakahawak pa sa dibdib sa pagkagulat.
Natanggal ang antok ng mga classmate ko at mukang nagdaluyan ang dugo sa katawan dahil naging maingay ang klase.
Tumingin ako kila Antoinette, but they looked also dumbfounded.
Ano kayang problema nun?
Nag-continue na si Mam magturo. Pero wala sa kanya ang utak ko hanggang sa magbell na. Inayos ko na ang gamit ko at tumayo.
"Shara, una na kami." paalam ni Ara. I nodded. Meron kasi ata silang gagawin sa Org. nila eh.
Lumabas na ko ng classroom at naglakad-lakad sa hallway.
Mga ilang minuto pa hindi ko namalayan na nasa Garden na ko. I take a heavy sighed. This place was also memorable. Tumingin ako sa lugar kung saan lagi syang nakatambay. At hindi na ko magugulat kung ngayon ay nandun pa rin sya.
Drake was leaning at the tree, sleeping? He used to read books before. Napangiti ako ng malapad. Naglakad ako palapit sa kanya at nag-indian seat sa harapan nya.
Nilapit ko ang muka ko sa kanya, as in yung one inch apart na lang. Yiiieehh~ Ang gwapo talaga! Walang kupas.
Bigla syang dumilat dahilan para magulat ako.
"Ahh!" agad akong lumayo at tumingin sa langit habang nagkakamot ng ulo at may painosenteng muka. Ramdam ko ang mga nanlilisik nyang mata.
Pero hindi yun ang dahilan kung bakit malakas ang kabog ng dibdib ko. SAnay na kaya ako sa ganyan nyang tingin.
"What are you doing." tanong ba yun? Parang hindi kasi eh. I looked at him.
"Huh? Ahh?" i gave a sweet smile.
"Bakit ba papansin ka masyado? Nakakairita ka!" sigaw nya sakin sabay tulak kaya napahiga ako sa damuhan.
I bit my lower lip. Damien naman eh, nasasaktan na talaga ko sa ginagawa mo.
"Subukan mo pa ulit ako tawaging Damien, hindi mo magugustuhan ang gagwin ko."He stood up.
Napalingon ako sa kanya. Tinawag ko ba syang Damien? Sa isip lang naman ah!
Huh! Sabi na nga ba! Hindi ako nagkakamali. Tumayo din ako.
"Bakit? Anong gagawin mo sakin?.... Damien." mapanubok kong sabi.
Nanlilisik ang mga mata nya sakin. I gasp when he pinned me at the trunk of the tree. Nakalapat ang magkabilang kamay nya sa gilid ko. Nilapit nya ang muka nya sa may tenga ko.
"Papatayin kita." i felt goosebumbs as i felt his breath so cold. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malamig.
"Damien." i uttered. Nakita ko ang pagtiim-bagaang nya.
"Damien." tawag ko ulit. Kahit anong mangyari, hindi kita kakatakutan.
Palapit ng palapit ang labi nya sa leeg ko. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil sa mga ginagawa nya mas lalo lang nya pinapatunayan ang pinaniniwalaan ko.
"Are you gonna suck my blood? Bampira kaba?" Natigilan sya sa tanong ko. Maya-maya ay inilayo nya ang muka nya at tumingin sakin sa nakakatakot na tingin.
Mas lalo mong pinapatunayan kung sino ka talaga, binibigyan mo ko ng pag-asa na paniwalaan na ikaw nga si Damien sa panaginip ko at mahal ko.
Drake's POV
Papatayin ko na talaga ang babaeng to. Pero bakit parang may alam sya? Tumingin ako sa mga mata nya. I can see sadnness and pain.
Mas lalo mong pinapatunayan kung sino ka talaga, binibigyan mo ko ng pag-asa na paniwalaan na ikaw nga si Damien sa panaginip ko at mahal ko.
Dubdub. Dubdub.
Damien umaasa ko na babalik ka....
Dubdub.
BBBBOOOOGGGSSSHHH
Nagulat sya sa pagsuntok ko sa puno, nalagas ang mga dahon nito at kusang nagbagsakan. Bigla ko na lang syang tinalikuran.
Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit sa tuwing babasahin ko ang laman ng isip nya ang lakas ng tibok ng puso ko. Unti-unting napakuyom ang palad ko. NAKAKAIRITA KANG BABAE KA!
Nag-angat ako ng tingin para lang makita ang mga dahon na mapayapang nalalaglag. Nasa ilalim pa pala ko ng puno kaya naman nababagsakan din ako ng dahon.
SINO KA BA TALAGA SHARA? AT BAKIT GANITO NA LANG ANG EPEKTO MO SAKIN?
Naglakad ako palayo. Naiirita ko! BAkit gusto kong lumingon sa kanya? Hindi maari! Naglakad ako ng mabilis, gustuhin ko man gamitin ang aking abilidad hindi maari.