Kabanata 25

332 7 0
                                    

Ruax POV

Nandito ako sa tapat ng bahay ng mga bampira, nagtatago ako sa isang malaking puno. Hinihintay kong lumabas ang Prinsipe, dahil ngayong araw sinisigurado ko na mamatay na sya. Hinawakan ko ng mahigpit ang aking espada na nakasabit sa gilid ng aking pantalon.

Masyadong mataas ang gate ng kanilang bahay kaya naman hindi ko makita kung anong nangyayari sa loob.

hanggang sa bumukas ang malaking gate at lumabas ang isang kotseng kulay pula. Natandaan ko ang kotse na yun. Kay Prinsipe Drake. Mabilis ang kanayng pagpapatakbo ng kotse at wala naman akong abilidad na kumilos ng sobrang bilis tulad nila kaya nilabas ko ang aking pakpak at lumipad.

Sinigurado kong mataas ang aking lipad habang sinusundan ko sya para hindi sya makahalat na may sumusunod sa kanya. Para na rin isipin ng mga tao na isang uwak lang ang ibon na nakikita nila.

Huminto ang kotse sa eskwelahan. Nasa ere ako at pinanood ko lang syang bumaba ng kotse nya at pumasok sa loob ng skul. Walang tao sa skwelahan ngayon dahil walang pasok.

Lumapag ako sa lupa saka tinago ang aking mga pakpak. Nakita ko syang lumiko sa isang koridor sa lobby. Maingat ko syang sinusundan. Umakyat sya ng hagdan, halos sampung baitang ang pagitan naming dalawa.

Hanggang sa hindi ko na sya nakita. Tumakbo ako paakyat pero wala na talaga sya sa paningin ko.

"San sya pwedeng magpunta?" wag mong sabihin na lilibutin ko ang buong unibersidad na to. Hindi kaya nakahalata na sya na may sumusunod sa kanya? Pero malabo mangyari yun dahil soot ko ang singsing ng Guardian.

Bawat palapag ay sinilip ko, maging ang bawat kwarto nun. Pero hindi ko sya nakita. Nakarating na ko lahat-lahat sa ika-limang palapag pero wala pa rin sya. Madilim ang paligid at malapit na kong maubusan ng pasensya sa paghahanap sa kanya nang mapansin ko ang isang pintuan, may kaunting liwanag ang nanggaling mula doon.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pintuan na yun at sumilip. I sighed when I saw him standing after the sunset. Napatingin ako sa kalangitan at sandali akong natuwa sa kagandahan ng papalubog na araw. Ang langit ay kulay pula na may halong kahel.

Napatingin ako sa anino na nasa pader. Nakangiti ang Prinsipe.

Dubdub Dubdub

Nanlaki ang mata ko. Yung puso ko tumitibok nanaman ng malakas. Ngayon ko lang nakita ang Prinsipe sa ganyang ngiti, dahil ata dun kaya malakas ang tibok ng puso ko. Pinilig ko ang aking ulo para alisin ang bumabagabag sa aking damdamin.

Tandaan mo Ruax, isa kang SUGO para sa kamatayan ng Prinsipe.

Pumasok ako ng tuluyan sa loob ng pintuan at doon ko napagtanto na isa itong rooftop. Malakas ang hangin kaya naman nililipad ang buhok ko.

Maingat akong lumapit sa kanya. Nasa likuran na nya ko mga dalawang hakbang ang layo pero hindi nya pa rin ata napapansin na nandito ako. Sadya atang malalim ang iniisip nya.

Hinugot ko ang espada sa aking pantalon, at alam kong nakagawa ng tunog yun kaya dapat ay alam nya na nandito ako para umatake sa kanya pero nanatli sya sa ganung posisyon at hindi manlang nabahala.

"Palagi mo na lang akong sinusundan" nakahanda na ang aking espada para sa Prinsipe at alam kong pagkakataon ko na to para maisagawa ang aking misyon.

Hindi na dapat pa kong nakikinig sa mga walang kwentang sasabihin nya pero eto ang aking mga kamay at braso ayaw gumalaw!

"Noon dahil mahal mo ko, pero ngayon para patayin ako" sabi nya habang pinagmamasdan ang kalangitan. Lalo akong napako sa aking kinatatayuan. Bakit ako apektado? Hindi naman ako ang Shara na kanyang mahal!

Tumingin sya sa gilid,

"Kung si Shara ka, mas pipiliin mong panoorin ang papalubog na araw, pero dahil ikaw na ngayon si Ruax mas nanaiisin mong panoorin ang pagsikat ng araw... dahil naghahanap ka ng isang panibagong buhay. Umaasa ka sa isang bagong liwanag... sa isang pag-asa"

Natigilan ako at pakiramdam ko ay nangangatog ang mga tuhod ko. Nagilabot din ako sa sinabi ng bampirang nasa harapan ko ngayon. Totoo ngang mas gusto kong panoorin ang sunrise pero bakit kinukumpara nya ko sa mortal na yun?

umikot para humarap sakin, nararamdaman ko ang aking puso na lalong tumitibok ng malakas. Nagtagpo ang aming mga tingin. Unti-unti kong nararamdaman ang panghihina ng tuhod ko. Hindi ako tatalaban ng kapangyarihan nya dahil sa singsing pero bakit pakiramdam ko ay nahihipnotismo ako ng mga tingin nya.

Mahigpit ang kapit ko sa espada pero dahil nanghihina ako sa hindi ko alam na dahilan, bumagsak ang kamay ko pero pinilit kong wag mapabitaw sa espada.

Kailangan kong itarak ang espda sa kanyang puso. ITO NA ANG PANAHON! Humigpit ang kapit ko sa espada at unti-unting inangat ang kamay. Pero nauubos ang lakas ko. Bakit hindi ko magawa!!

Pilit kong hinahanap ang lakas sa aking kalooban pero sadyang hindi ko mahanap. Dahil ang tanging malakas lang ay ang pagtibok ng puso ko na syang dahilan kung bakit nagiging mahina ako.

"Aahhh!" Sumigaw ako ng malakas sa sobra kong pagkaasar sa aking sarili at tinulak sya. Dire-diretso ang tulak ko sa kanya hanggang sa railings ng rooftop at nalaglag sya.

Kahit naman nasa ika-limang palapag kami alam kong hindi sya mamatay. Pero may bumabagabag talaga sa aking isip at puso. Basta ko na lang nilabas ang aking pakpak at tumalon sa rooftop ng pabagsak at sinalo ko sya.

Ngumiti nanaman sya. Sobrang lapit namin sa isa't-isa, halos nakayakap na ko sa kanya. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi ko na alam ang ginagawa ko.

"Matapos mo kong ihulog ay sasaluhin mo ko.... masarap sa pakiramdam" sabi nya at pumikit. Pakiramdam ko ay may ibig sabihin ang sinabi nya.

Bumagsak kami dito sa may gubat at nasa likuran lang namin ang dulo ng abandonadong lote. Pagkalapag ko sa kanya ay mabilis ulit akong lumipad.

Lumipad ako ng sobrang taas. Galit ako sa sarili ko at ang mas lalo ko pang ikinakainis ay ang pagrehistro ng bampirtang yun sa utak ko. hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin ang muka nyang nakapikit at nakangiti habang hinihintay ang pagbagsak mula sa ere.

May nakita akong isang mataas na tower, umakyat ako sa tuktok nun. Sobrang lakas ng hangin at giniginaw ako, halos maabot ko na rin ang ulap at tanaw na tanaw ko ang mga maliliit na building, ang mga bahay na parang tuldok na lang sa aking paningin.

Pinalampas ko ang pagkakataon para mapatay ang Prinsipe ng Takipsilim. Ang masaklap dun ay matapos ko syang ilaglag ay sinalo ko sya. Ano bang nangyayari sakin?

Sumigaw ako ng ubod ng lakas para pawalain ang gumagambala sa dibdib ko pero walang nangyari.

Sinasabi kong mahina at duwag ang Prinsipe pero ano ang nangyayari sakin? Hindi maari ito!

BN Book2: SHADOW CREATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon