Ara's POV
Nandito kaming tatlo sa taxi dahil pupunta kami ngayon sa kabilang lungsod.
"Bakit kasi hindi na lang tayo dun satin mamili! Marami din namang magaganda na tinda dun ah." reklamo ni Mia.
"Mas mura nga kasi sa pupuntahan natin." sagot naman ni Shara sabay ngiti.
"Hay naku Mia, kuripot nga eh. Wag kana lang magreklamo!" singit ko sa kanila. Pinandilatan nya ko ng mata kaya tinawan ko sya.
"Kung gusto mo pala kasi mamili dito edi sana kanina pa. Anong oras na oh! Parang wala tayong pasok bukas ah." ayaw talaga paawat ni Mia.
"Edi sana hindi ka na lang sumama, reklamo ka ng reklamo eh." sagot naman ni Shara. Tumahimik na lang si Mia, may point nga naman kasi si Shara eh.
Huminto na yung taxi. Excited na exited si Shara, kaya nag roll eyes si Mia. Pagkabayad namin bumaba na kami. Grabe! Ang daming tao, siksikan. Ang dami ding nagkalat na nagtitinda. Maraming mga tianggian, buhay na buhay ang lugar.
"I can feel the christmas spirit!" excited na sabi ko. Tinignan naman ako ni Mia nang nakakunot ang noo. Kahit ako natigilan din at parang nagyon lang nag sink-in sakin ang mga pinagsasabi ko.
Fallen Angels don't have christmas. Teka! Imposible namang maging tao ako.
"Yan ang epekto ni Shara sayo. Huh! Patay ka kay Ruax." bulong sakin ni Mia, inirapan ko sya. At kelan pa ko natakot kay Ruax?!
"Tara na girls!" hinila na kami ni Shara papunta sa kung saan. Nakipagsiksikan kami kung kani-kanino. Ganito pala kapag magpapasko. Mahilig mamili ang mga tao ng kung ano-ano. I wonder why?
Pumunta kami sa isang Bazaar, kung saan ang mga tinda ay pang christmas decor. Bumili sya ng mga bola para sa christmas tree namin. Nakipagtawaran pa sya sa tindera. Binulungan na nga sya ni Mia na wag ng tumawad dahil mura naman ang mga yun pero syempre dahil kuripot sya hindi sya bibili hanggang di sya nakakatawad. Madami naman din kasi syang biniling decoration kaya pumayag na yung tindera.
Naglakad lang kami ng konti. Huminto kami sa nagtitinda ng mga damit. At tumingin-tingin dun.
"Ara, bagay sayo to oh!" tinapat sakin ni Shara yung dress na fitted na labas ang cleavage.
"Talaga? Sige bibilihin ko." kinuha ko yung damit at nagbayad sa tindera. Si Mia parang tuod na nakatayo. Kaya kumuha ako nung damit na nadampot ko.
"Bagay sayo." ngiting-ngiti na sabi ko kay Mia.
"Anong akala mo sakin walang taste?" nakataas ang isang kilay na sabi nya. Tumawa naman ng malakas si Shara. Tinignan ko yung hawak kong damit at natawa din ako. Simpleng t-shirt na maluwag yung tela tapos may mga sequel na wala namang pattern tapos kulay violet pa. Pang matanda!
Umalis na kami sa tindahan na yun. Naglakad pa kami ng naglakad. Grabe! Ang daming tinda. Napansin ko yung nagtitinda ng mga relo.
"Tara dun tayo."
Paglapit namin dun. Kanya-kanyang tingin na kami ng design. Ang ku-cute kasi ng relo parang bracelet lang. Nagulat pa nga ako nung pati si Mia nakikitingin na din eh.
"Bili tayong tatlo!"
"Sige! Sige!"
Iisang design lang yung napili namin, pero iba-iba naman yung kulay para hindi kami magkapalit palit. Sinuot na namin agad yun dahil tuwang-tuwa kami ni Shara.