Ruax POV
Iminulat ko ang aking mata, nasilaw ako sa sobrang liwanag kaya napapikit ako ulit. At pagdilat ko sa ikalawang pagkakataon ay malinaw ko nang nakikita ang paligid.
May dalawang babae ang nakatayo sa gilid nitong sobrang lambot na hinigaan ko.
"Welcome to the mortal world Ruax" nakatitig lang ako sa babaeng yun, kahit pa nagkakakutob na ako kung sino sya. Naupo ako.
"Ako to Ruax, si Porcel" sabi nya at napangiti ako. Tama ang hinala ko.
"At ako to si Ornias" sabi ng isang magandang babae. Napataas ang isa kong kilay at natawa.
"Sumanib ka sa isang babae?" humagalpak ako ng tawa. Hindi kasi ako talaga makapaniwala. Ang isang tulad ni Ornias na may mahalay na utak ay nakayanan sumanib sa isang magandang babae. Inirapan nya ko kaya lalo akong natawa.
"Tumigil ka nga sa pagtawa mo Ruax! Masyado kang nasisiyahan sa muli mong pagkagising, baka naman gusto mo muna malaman ang pangalan ng taong sinaniban mo" tumabi sya ng upo sakin.
Tumigil na ko sa pagtawa.
"Ano nga ba?" tanong ko.
"Shara. Sharlaine Hillary Zarmiento" sagot ni Mia.
"bakit masyadong mahaba? Mahirap kabisaduhin" sabi ko, si Ornias naman ang tumawa ng malakas.
"Moderno na ang mundo nila Ruax. Ganun talaga, masasanay ka rin" sabi nya sa pagitan ng pagtawa. Tumingin ako sa kanya.
"Hindi ako nandito para masanay sa mundo nila, nandito ako dahil sa isang misyon." makahulugan kong sabi kaya natahimik sila.
may biglang kumatok mula sa labas. Lumabas si Mia para buksan ang pintuan at pagbalik nya ay napatayo ako sa pagkakaupo ng mamukaan ang kasama nya.
Ang Prinsipe ng Takipsilim. Bakit sya nandito? Anong koneksyon nya sa dalawa?
Napapigil hininga ako ng bigla nya kong yakapin. nagtatanong ang mga mata ko kila Porcel pero hindi sila nagsalita.
"Kamusta ka? May masakit ba sayo?" sabi ni Prinsipe Drake at hinawakan ang dalawa kong kamay. Napakunot ang noo ko, bakit nya ko kinakamusta? Hindi pala ako... Kundi ang babaeng pinasukan ko. Ang isa pa sa ikinabwisit ko, ay ang paghawak nya sa kamay ko. Kahit kelan ayokong hinahawakan ang kamay ko lalo pa't kung tulad nyang isang bampira dahil sobrang lamig ng balat nila.
Pipilpitin ko na sana ang kamay nya ng bigla akong nilayo ni Ara sa kanya.
"Hehe! Kailangan na nya magpahinga Drake" sabi ni Ara. Tapos ay pinagtulakan ni Mia palabas ang bampirang yun.
Sinampal ko ng malakas si Ornias at nasugatan ang muka nya. Napatingin ako sa kamay ko, isang singsing ang sumugat sa pisngi ni Ornias.
"Singsing ng Guardian?" takang taka akong tumingin sa kanya. At napansin kong mabilis na naglaho ang sugat sa pisngi nya.
"Sino ang babaeng to?!" sigaw ko.
Ilang sandali pa, bumalik na si Mia. Nagsimula na nilang ikwento sakin ang lahat.
"Ang babaeng sinaniban mo ay apo ng Guardian kaya nasa kanya ang singsing na yan." paliwanag ni Mia, pero bukod don ay may mas gusto pa kong malaman.
"Isa syang tao tama ba? Pero bakit malapit ang prinsipe sa kanya?"
Saglit silang natahimik.