Ruax POV
Matapos naming makapagpatuyo ng damit ay nagpasya na kaming sabay na lumabas ng paraiso.
"Tara muna sa playground" tumingin ako sa kanya.
"Gusto pa kasi kitang makasama eh" napayuko ako, nag-iinit kasi ang pisngi ko at ayoko makita nyang namumula ako.
"Ano?" tanong nya. Nag-angat ako ng tingin at ngumiti, hinawakan ko ang kamay nya para ipahiwatig na payag ako.
Papasok na kami sa loob ng playground ng matigilan ako. Tumingin sakin si Prince Drake.
"Bakit?" tanong nya. Pero hindi ako sumagot kaya sinundan nya ang tinitignan ko.
Nasa harapan namin sila Ornias, Porcel at Michael. Hawak ni Michael ang espada ng prinsipe.
"Totoo nga" simpleng sabi ni Michael.
"Sino sya?" tanong ni prince Drake.
"Sya ang anghel na nagsugo sakin para..." huminga ako ng malalim at nagpasyang wag na ituloy ang nais sabihin.
"Gusto kitang iligtas Ruax, maaring naguguluhan ka lang" -Michael
"Hindi Michael. Buo na ang pasya ko"
Pagkasabi ko nun ay bigla na lang sumugod si Porcel sakin.
"Makasarili ka!" sigaw nya at tinadyakan ako ng ubod ng lakas, tumilapon ako sa swing. hinawakan sya ng prinsipe sa braso para pigilan ang pagsugod sakin. Lumapit naman si Ornias sa kanya pero wala din nagawa si Ornias dahil mas malakas ang prinsipe.
Tumayo ako at naglakad palapit sa kinatatayuan nila.
"Hayaan mo muna kami Prince Drake"
Tumingin sya sakin ng nag-aalala pero tumabi din sa gilid. Tumingin ako sa anghel na si Michael, pero wala akong mabasa sa muka nya.
Drake's POV
"Makasarili na kung makasarili" sabi ni Ruax at lalong nagalit si Porcel at Ornias. Nagpalit ng hugis si ornias at naging isang malaking espada.
"Aaahhh!!!" sinugod ni Porcel si Ruax pero nakailag sya. Nilabas nya ang kanyang mga pakpak at lumipad. Lumipad din si Porcel at hinabol si Ruax. Tumingala ako para panoorin sila.
Lumapit si Porcel para saksakin si Ruax pero nakailag si Ruax at nakalmot nya sa muka si Porcel. Hindi lumalaban si Ruax at umiilag lang sa mga banat ni Porcel.
Lumipad nang mataas si Ruax at sa tingin ko ay gusto nyang takasan si Porcel dahil hindi nga naman sila matatapos sa labanan nila kung iilag lang sya at wala syang balak lumaban pero nahablot ni Porcel ang kanang pakpak nya, nagpumiglas sya at may mga nagbagsakang balahibo.
Napansin ko na ang iba sa kanyang balahibo ay kulay grey, hindi purong itim. Kung itinuloy nya kaya ang kanyang misyon maaring mapalitan ng purong puti ang kanyang pakpak na nagsisimbolo ng pagiging isang anghel??