Kabanata 1

682 20 5
                                    

Drake's POV

Nandito ako sa kwarto at naglalaro ng Temple Run habang naka dapa sa kama. Wag ng kumontra pa, dahil ang mga bampira marunong din naman mag-enjoy sa buhay. Saka exciting sa buhay to, nakaka-tatlong palit na nga ako ng cellphone dahil lagi kong nababato kapag nakakain ako ng unggoy na yun. Peste! Kung pwede nga lang kainin ang hayop na yun matagal ko na sinipsip ang dugo nya para hindi ako mataya.

Papasok si Antoinette.

"Bakit nanaman? Wag mo ko guluhin." sabi ko pagkabukas na pagkabukas nya ng pintuan.

Natigil na lang ako sa paglaro dahil namatay ang cellphone ko na alam ko naman kung sino ang may gawa. Hinarap ko sya.

"Ano kabang bata ka! Nakita na naglalaro eh!" sigaw ko sa kanya.

She's 9 years old but she looks like an 18 years old physically. That's how vampire grow.

Hindi sya nagsalita, wala kong choice kundi ang basahin ang utak nya.

"its time para kumain at magkaroon ng bagong member"

Habang binabasa ko ang utak nya. May biglang sumingit.

"act as a prince! you jerk" that was Sabina who was talking to me mentally.

Tumayo ako.

"Why dont you talk, Antoinette?" tanong ko sa kanya at saka lumabas ng kwarto.

"im not in the mood" sagot naman nya mentally.

Tsk! Why Vampires are so lazy? Damn!

Tumalon ako mula 2nd floor. Tinatamad ako gumamit ng hagdan ang haba eh. Nasa may pintuan na silang lahat. Yes, including Antoinette.

"Let's go." as i said that mabilis silang sumakay ng kotse.

Kasama ko si Aliesther sa red sports car ko. Nakasunod naman ang isa pang kotse na kulay itim sa likod.

"Drake?" tawag ni Aliesther. I glanced at him.

"Si Shara, yung classmate natin..."

"Yung babaeng papansin na Damien ang tawag sakin? Anong meron sa babaeng yun?"

"She looks familiar" sabi ni Aliesther. Napatingin ako sa kanya.

Binasa ko ang nasa utak ni Aliesther at clueless din sya kung bakit pamilyar ang Shara na yun. I sighed at pinagpatuloy na lang ang pagmamaneho.

Huminto kami sa isang lugar kung saan may mga nag-iinuman sa kanto. Lumabas ako ng kotse kasunod si Aliesther at naglakad papunta sa mga lalaking yun.

They were drunk.

Tumingala ang mga lalaking yun na ang pangalan ay Mike, Ghio, Carl, Mark nang makita ang anino naming lima sa pader.

"Shino naman kayong maangas? Gushto nyo ba ng haway? Brr..." sabi nung Carl at tumayo sa kinauupuan habang hawak ang isang bote ng beer.

Nagsitayuan na din ang mga kasama nya. Nabasa ko na gusto na nilang patayin ang dalawa at gawing bampira naman ang iba.

"I want to play." i said with a devilish smile.

"psh! daming alam" - Antoinette

 Lumapit si Carl sakin at ipapalo nya ang bote sa ulo ko pero bago nya pa magawa yun basag na ang hawak nyang bote. Nagulat sya and he shook his head.

BN Book2: SHADOW CREATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon