"At nagawa nyo pang magpakita dito!" sabi ni Haring Luther ng makita si Ruax at Prince Drake.
Sumigaw sya at sa isang iglap ay nasa harapan na nila ang dalawa pang hari.
Mabilis na sinakal ni Haring Luther si Prince Drake at hinagis sa isang kubo na nasusunog. Mabuti na lang at mabilis si Prince Drake, kinuh nya ang malaking kahoy na nagliliyab at hinagis sa mga Hari. Tinamaan sa likod si Haring Ash.
Nilabas ni Ruax ang kanyang mga pakpak at saka lumipad at hinugot ang kanyang espada. Pero dahil sa mas mabilis ang mga bampira. Nagawang tadyakan ni Haring Ash si Ruax sa tyan. Tumilapon sya sa isang bampira na walang buhay at saka napadura ng dugo. Naging abo ang bampira kaga napatingin sya sa kalaban nun at nagtama ang tingin nila ni Porcel.
"Ruax!" Galit na sabi nito. Lumipad sya at hinabol naman sya ni Porcel. Naglaban sila bg espada sa himpapawid, Samantalang binigyan naman nya ang tatlong hari ng sakit sa ulo. Mabilis tumalab ang kanyang kapangyarihan sa mga hari dahil na rin nanghihina ang mga ito sa pagkawala ni Haring Creighton.
Hindi makagalaw ang tatlong hari at nilalabanan ang Prinsipe hanggang sa mabilis na tumakbo si Luther at sinuntok si Drake pero nahawakan ni Drake ang kamay nya at saka pinilipit. Sumugod si Magnus at Ash, tinadyakan sya ni Magnus sa tagiliran kaya napaluhod sya sa lupa. Mabilis nyang hinawakan ang paa ni Ash at hinatak ito kaya napatihsya sya at sa sobrang lakas ay bumaon sya sa lupa. Mabilis syang tumayo at hinawakan ang leeg ni Magnus para pilipitin pero dinamba sya ni Luther kaya nagpagulong gulong sila habang nagbabalian ng buto. Nakarating sila sa isang kubo na nilalamon ng apoy.
Sa himpapawid naman ay pinagtutulungan ni Porce at Ornias si Ruax. Tumigil sa pakikipagbuno si Porcel ng natadyakan sya ni Ruax. Pumikit sya at nagbigas ng dasal.Napatili si Ruax at nawalan ng balanse kaya nalaglag sa lupa. Tumama ang binti nya sa mga kawayan na nagtumbahan dahil sa kubo na nilamon ng apoy; napaso sys tapos nun ay nabagsakan pa sya ng isang mabigat na bagay sa kanyang likod kaya lalong hindi sya agad nakaalis.
Mabuti na lang at dumating si Antoinette at Aliesther para tulungan sya.
"Nasan si Drake?" tanong ni Aliesther.
Tumingin sya sa lugar kung saan sila nagkahiwalay pero wala na dun ang prinsipe.Bago pa sya makapagsalita ay tinulak sya ni Antoinette upang hindi matamaan ng espada ni Porcel. Tumusok yun sa lupa.
"At kakampi mo na talaga ang nga bampirang yan!"
"Dahil tunay kaming kaibigan. Hindi tulad mo!" sagot ni Antoinette. Nagalit si Porcel kaya sinugod ny ito ng suntok pero mabilis na nakaiwas si Antoinette may bigla na lang tumadyak sa likuran nya. Basta na lang kinumpas ni Porcel ang kanyang espada at nasugatan ang braso ni Antoinette na mabilis dib naghilom.
"Traydor ka Ruax! Ayoko sana mangyari to pero ikaw ang pumili ng kahihinatnan mo!" Sinabuyan ni Ornias ng buhangin ang muka ni Ruax. Dahil dun ay wala na syang makita at sobrang hapdi ng kanyang mga mata.Nakapikit sya at hindi madilat ang mga mata. Nang may biglang tumadyak sa kanya, sobrang lakas na tumilapon sya. Hindi nya alam kung saan sya tumama pero sobrang sakit ng likuran nya, kumikirot ang kanyang mga pakpak at naramdaman nyang may tumulo sa gilid ng noo nya... dugo.
Ilang minuto pa at nawala na ang hapdi ng mata nya. Minulat nya ito at nakita na kinakalaban ni Aliesther si Ornias.Tumingin sya sa paligid. Sugatan ang lahat at nanghihina pero walang gustong magpatalo.
"Ruax puntahan mo na si Drake!" Sigaw ni Aliesther. Pero bago pa sya makaalis ay narinig nya ang tili ni Porcel kaya natigilan sya at tinignan ito.
Naputol ang kanyang kanang pakpak at nagdaluyan ang masaganang dugo dito. Tuminginsi Antoinettr sa kanya para malaman kung anong reaksyin nito sa nangyari sa dating kaibigan. Pero wala na syang pakialam sa mga ito at mas gugustuhin nyang mamatay sila.