Drake's POV
Nagulat sila ng makita na magkasama kami ni Ruax
"Anong nangyari sa kanya?" sabi ni Antoinette at lumapit samin.
Pinaupo ko si Ruax sa couch.
"Bakit sya nandito Drake?" tanong ni Darius.
"At bakit ganyan ang itsura nya?" tanong naman ni Sabina.
Mabilis na nakabalik si Aliesther mula sa kusina. Inabot nya kay Antoinette ang medicine kit.
"Tatalab ba sakin yan? Sa pagkakaalam ko para lang yan sa mga tao" sabi ni Ruax.
"Ano kaba naman Ruax, halos walang pinagkaiba ang pisikal na katawan natin sa mga mortal, kaya kang pagalingin nito. Hindi nga lang ganun kabilis" paliwanag naman ni Antoinette.
Nagsimula nang gamutin ni Antoinette si Ruax samantalang nakatingin lang sila Sabina. Nilagyan na ni Antoinette ng alcohol ang bulak at nilagay sa sugat nya sa pisngi.
"Ahh" napangiwi si Ruax sa sakit na dulot ng alcohol. Namumutla na si Ruax, mukang maraming dugo na ang nawala sa kanya. KAilangan na nya talagang magamot.
"Ganito talaga to, pagtyagan mo nalang muna." Napansin ni Antoinette ang damit nyang puro dugo.
"Nasaksak ka sa tagiliran?" tanong nya. Tapos ay tumingin sakin at kay Sabina. Hindi na kayang gamutin ni Antoinette ang parteng yun dahil kulang sya sa kaalaman. Sasabihin ko na sana na ako na lang ang gagamot ng lumapit si Sabina.
"Dalhin mo sya sa kwarto ko Drake" sabi nya.
"Wow! Bait natin ngayon ah." pang-aasar ni Kozani, inirapan sya ni Sabina. Habang nandito kami sa mundo ng mga tao ay nag-aaral sya ng medisina.
Lumapit ako kay Ruax at binuhat sya.
"Kaya kong maglakad" sabi nya. Umiling ako dahil hindi nya kaya at kung pipilitin nya mas lalong aagos ang dugo nya.
"Wag kana mag-inarte" sabi naman ni Sabina kaya natahimik si Ruax. Siguro ay ina-adjust nya pa ang sarili nya sa mga kaibigan ko dahil hindi naman maganda ang mga unang pagkikita nila.
Mabilis kaming nakarating sa kwarto ni Sabina, may mga gamit syang pang medisina kaya naisipan nyang dito na lang dalhin si Ruax. Nilapag ko sya sa kama ni Sabina. Tapos ay tumalikod na.
"Ikaw na bahala sa kanya. Please don't kill her" sabi ko kay Sabina. Inirapan nya ko kaya natawa ko ng mahina. Alam ko naman na kahit ayaw nya kay Ruax, hindi nya magagawa yun dahil kaibigan nya ko. At ang mahal ko.. hindi nila sasaktan. Kaya nagpapasalamat ako na naging kaibigan ko sila.
Lumabas na ko ng kwarto nya. Nagbalik ako sa living room.
"Anong nangyari sa kanya?" - Darius
"Hindi kana ba nya papatayin?" - Aliesther
"Naglaban ba kayo tapos natalo mo sya?" - Kozani
"Tapos dinala mo dito para gamutin?" - Antoinette
"Ang dami nyo namang tanong" sagot ko sa kanila at naupo sa couch. Nag cross legs ako at pinatong ang magkabilang braso sa sandalan ng malambot na upuan.