Shara's POV
Naglalakad ako kung saan ako dalhin ng mga paa ko para lang kahit paano ay maging pamilyar ako sa lugar. Hanggang sa makarating ako sa palaruan. Hapon na kaya siguro nag-uuwian na ang mga bata. Tumigil ako sa paglalakad para pagmasdan ang lugar hanggang sa makita ko ang isang nilalang.
Prince Drake was sitting at the swing. Hindi na ko nagpatumpik pa.
Tumakbo ako palapit sa kanya pero naramdaman nya ata ang presensya ko kaya mabilis syang nakaalis sa swing. Paglingon ko ay nakaluhod ang isa nyang tuhod sa may tuktok ng padulasan at ang isang kamay ay nakakapit sa gilid nun.
Seryoso ang mga mata nyang nakatingin sakin. Tumakbo ulit ako palapit sa kanya at tumalon ng mataas. Alam kong mabilis sya kaya bago pa sya makatakas ay nilabas ko ang pakpak ko at pinalibot sa kanya para hindi sya makaalis.
Hindi manlang sya pumapalag? Nanatili lang syang nakatayo nang may ngiti sa labi.
"Namiss ko ang mapalapit sayo ng ganito."
Iniisip nya ba na ako pa rin si Shara? Pero dapat sa mga oras na to alam na nya kung sino ako.
Sinakal ko sya sa leeg at nagpalaglag sa ibaba ng padulasan. Bumagsak sya sa isang bato at nadurog ito. Kapit ko pa rin ang leeg nya.
"Hangal kang talaga Prinsipe!" sabi ko sabay suntok sa kanyang pisngi.
Hinintay kong gumanti sya pero nanatali lang sya ganun.
"Argh! Bakit hindi ka lumaban?!" sinuntok ko sya ulit. Ayoko syang patayin ng walang kahirap hirap. Gusto kong labanan nya ko. Dahil gusto ko malaman kung gaano talaga kalakas ang isang prinsipe.
Pero dahil lang gamit ko ang katawan ng kanyang mahal ay hindi na nya ko lalabanan? Hindi makakapayag ang aking budhi!
Tinadyakan ko sya ng malakas sa kanyang sikmura, naramdaman kong gumalaw ang lupa sa lakas ng sipa ko.
Tumayo syang nahihirapan at may dugo sa labi. Napaka boring nito! Wala na kong magagawa pa kundi patayin ang prinsipe. Huhugutin ko na sana ang aking espada. Oo, para sakin talaga ang espada ng prinsipe.
Pero wala akong nakapa. Tinignan ko ang aking sinturon. Wala nga talaga to sa katawan ko. Saka ko lang naalala na ipinatong ko to sa ibabaw na aking kama kanina matapos kong punasan.
Bwisit lang! Bakit kailangan ngayon ko pa maiwan?? Tumingin ako sa Prinsipe. Mabilis syang lumapit sakin kaya sinipa ko sya.
Tumalsik sya sa isang swing at tumama ang likod nya sa bakal nayupi ang bakal na yun tapos ay napaluhod sya. His hands was pressing the ground at masasabi kong nasaktan ko sya. Napangiti ako.
Lumapit ako sa kanya.
"Wala ka pala talagang kwenta, pasalamat ka at hindi ko nadala ang makapanyarihang espada." Nakayuko lang sya kaya hindi ko makita ang kanyang muka.
"Hanggang sa muli Prinsipe Drake. Sa susunod ay sisiguraduhin kong mapapatay na kita."
Tumalikod na ko para sana umalis pero may sinabi pa sya.
"Ngayon alam ko na ang pakiramdam na makalimutan ka ng taong mahal mo." Napangisi na lang ako sa narinig. Lumingon ako sa kanya at bahagya na syang nakatingin sakin.
Hindi ko alam kung nasaktan ba talaga sya sa pagsugod ko o sadyang ayaw lang nya talaga ipakita na isa syang duwag.
"Hindi ko naisip na mahina kapa sa inaakala ko" pagkasabi ko nun ay tuluyan na syang nag-angat ng tingin sakin.