Shara's POV
School Fest ngayon at ang saya-saya. Alas syete na nga ng gabi eh. Kasama ko ang barkada ni Drake. Hindi pa rin ako kinakausap ni Sabina at Darius pero hindi na nila ko pinagtatabuyan.
Nanonood nga pala kami ng play ngayon ng mga pinsan ko. Theatro nga kasi sila diba? At ang ganda-ganda ng play nila kasi favorite ko talaga. Twighlight!!!
"Tara nandun na daw yung mga banda!" yaya ni Kozani. May battle of the bands kasi dito ngayon sa school at yun talaga ang hinihintay namin.
"Shara" tawag sakin ni Drake, tutok na tutok kasi ako sa palabas eh.
"Una na lang kayo, tatapusin ko lang to"
"Sigurado ka?"
"Drake! Hayaan mo na nga sya! Susunod naman daw eh! Tara na." sigaw ni Sabina, naglingunan pa nga yung ibang nanood sa kanya pero wala syang pakialam.
"Sige na." sabi ko kay Drake at hinalikan nya ang noo ko tapos umalis na.
Ilang minuto pa at kilig na kilig na ko pero nagpalakpakan na ang mga tao. Tapos na ang palabas. Tumayo na ko at sinukbit ang bag ko sa balikat at lumabas na ng auditorium. Yung battle of the bands sa open field lang gaganapin. Nagtayo sila ng stage dun.
Nung makalabas ako. Nagsisimula na, di ko kilala kung sino yung kumakanta pero rock ang genre nila.
Nakipagsiksikan ako sa mga sudyante para hanapin si Drake, hanggang sa mapatingin ako sa may entrance gate.
May apat na motor ang basta na lang pumarada. Astig ah! Bumaba sila, ang cool nilang tignan. Ang popogi! Napansin ko din na may mga outsider ang papasok, dami naman nila. Alam kong outsider yun kasi hindi ko sila nakikita dito sa school.
"Blatarrius Sisters!" napatingin ako sa gilid ko. Si Ara, hinampas ko nga.
"Kilala mo sila?" tanong ko. Tumingin sya sakin, parang kinakabahan. Tapos bigla hinawakan ang kamay ko at hinatak. Nakipagsiksikan kami sa mga studyante.
"Uy san ba tayo pupunta? Hinahanap ko sila Drake eh" pano ba naman kasi, tinatahak namin yung daan papunta sa likod ng school. Eh manonood pa nga ako ng battle of the bands.
napatigil ako ng makarinig ng mga sigawan at tili. Lumingon ako at napanganga na lang ako. Bigla akong kinabahan at nakaramdam ng matinding takot. Akala ko cool sila! Hindi pala! Nagkakagulo na ang school dahil pinapatay nila.
Nagtatakbuhan na ang mga tao, at nabitawan ako ni Ara.
"Shara!" narinig kong sigaw nya.
"Ara!" sigaw ko pero hindi ko na sya makita. At nadapa pa ko dahil sa mga bumabangga sakin.
Tumakbo ako kung saan man ako dalhin ng mga paa ko, sana naman makita ako ni Drake. Natatakot na talaga ko! Hanggang sa bumunggo ako sa isang tao. Pagtingin ko ay yung nakasakay kanina sa motor.
Ngumisi ito sa harap ko.
"Ikaw ang mortal na iniibig ng Prinsipe. Dapat kang mamatay" sabi nya at sinakal ako.
Mia's POV
"Ara!" tumatakbo sya palapit sakin kaya sinalubong ko na sya.
"Nasan si Shara?" Tanong ko sa kanya. Kumapit sya sa braso ko dahil hingal na hingal sya.
"Hindi ko alam, nabitawan ko sya kanina. Tara hanapin natin" pagkasabi nya nun ay bigla na kaming tumakbo.