Kabanata 33

282 10 0
                                    

(Sa mundo ng Infernus)

 

Nagmamadaling nagtungo ang tatlong hari sa kuta ng isa sa pinakamalakas na babaylan, sya din ang babaylan na gumawa ng orasyon para makarating sila sa mundo ng mga tao.

Pumasok sila sa loob ng maliit na kubo, nakaupo sa lamesa ang isang matandang babaylan, wala na itong buhok at mahaba ang soot na damit na kulay abo. Napatayo sya ng makita ang tatlong hari. Yumuko sya para magbigay ng galang.

"Ano ang maipaglilingkod ko mga hari?" tanong nya habang nakayuko.

"Ibalik mo ang ikatlong hari." sabi ni Haring Luther, nag-angat ng tingin ang babaylan at nanlaki ang mata nya dahil ngayon lang nya napansin kulang nga sila ng isa.

Inabot ni Haring Ash ang sisidlan sa babaylan, kinuha nya yun at sinilip. Nakita nya ang kakarampot na abo.

"Iyan ang abo ni Haring Creighton, magmadali ka!" utos ni Haring Ash.

"M-masusunod" natatarantang sabi nya.

Hinanap nya ang kanyang mga libro. Kinakabahan ang babaylan dahil alam nya sa kanyang sarili na hindi nya kayang ibalik ang ikatlong hari sa kakarampot nitong abo. Pero hindi naman nya masabi-sabi sa mga hari dahil alam nya ang pwede nyang kahinatnan kung biguin nya ang mga tao.

Nagbabaka sakali na lang sya na may matuklasan syang lunas. susubukan nya ang iba nyang nalalaman na ritwal.

Nagpunta sya sa likod ng bahay, alam nyang kahit hindi nakasunod ang mga hari sa kanya ay nakikita ng mga ito ang ginagawa nya.

Kumuha sya ng tubig sa balde na nasa gilid ng kanyang kubo at iyon ang ginamit na tinta sa buhanginan. Gumuhit sya ng tatlong bilog na magkakapatong ang mga kalahating bahagi. Bumulong sya ng konting dasal at nang makita ang liwanag na hinihintay ay sinaboy nya abo ng ikatlong hari.

Umihip ng malakas. Umaasa sya na sana ay gumana ang kanyang mahika. Pero lumipas ang isang minuto, naglaho ang ilaw. Walang nangyari at nasayang lang ang abo ng ikatlong hari.

Nanginginig na ang kanyang mga tuhod.

"A-anong gagawin ko" hindi sya mapakali at pabalik-balik. Hindi alam kung papasok sa loob ng bahay o tatakasan ang mga bampira. Wari ay natutuliro.

Dahil hindi na sya makapag-isip ng tama ay kumuha sya ng kaunting buhangin at iyon ang isinilid sa sisidlan. Tapos ay bumalik sa loob ng bahay.

Matalim ang mga tingin sa kanya ng mga hari.

"Patawad s--sa kakarampot na abo ng ikatlong hari ay h-hindi ko na kaya pa syang maibalik" nanginginig na sabi nito at halos kainin na nya ang sariling dila sa sobrang takot.

Napapikit ng mariin si Luther upang kalmahin ang sarili.

"Wala nabang ibang paraan?" kalmadong tanong ni Haring Magnus

"Patawad pero -- magbubuklat ako ng aking mga libro at maghahanap ng solusyon"

"Sinungaling!" sigaw ni Haring Ash at itinaas nya ang kanyang kamay.

BN Book2: SHADOW CREATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon