Kabanata 30

307 9 0
                                    

Ruax POV

"Niligtas nya ko sa Apat Na Hari" sabi ko matapos akong gamutin ni Porcel gamit ang kanyang kapangyarihan.

Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Porcel sabay tingin sa malayo samantalang napailing naman si Ornias.

"At ano naman ang reaksyon mo dun?" tanong ni Porcel.

Napayuko ako. Dahil alam kong mali at hindi nila magugustuhan ang magiging sagot ko.

"Sa mukang yan, mukang alam ko na" sabi ni Ornias.

"Wag mo sabihing tototohanin mo nga ang pakikipagkasundo sa bampirang yun!" tumaas ang tinig ni Porcel

"Hindi mo maaring gawin yan" sabi naman ni Ornias.

Huminga ako ng malalim at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.

"Ayokong makipagtalo sa inyo ngayon" naglakad ako papunta sa pintuan

"Ipagpatuloy mo pa yan Ruax, magkakalimutan tayo." natigilan ako sa sinabi ni Porcel.

Sakin nakasasalalay ang kanilang kapalaran, ako ang magdadala sa kanila sa taas. Pero pano naman ang sarili kong kaligayahan? Pakiramdam ko wala ng saysay sakin ang bumalik pa sa taas, wala na kong ganang kalabanin ang Prinsipe dahil may iba na kong nararamdaman. Dapat ba kong maging makasarili? Huh! isa kong itim na anghel at alam ko hindi ko kailangan makonsensya ng ganito.

Binuksan ko ang pintuan at laking gulat ko ng makita ko si Michael... ang anghel na nagsugo sakin sa misyong ito.

Nakatayo sya sa harapan ko at may ngiti sa kanyang labi. Napaka liwanag ng kanyang aura.

"Kamusta Ruax?" bati nya sakin sa malamlam na tinig. Napalunok ako, bakit sya nagpakita dito sa mundo ng mga tao? Nagbalat kayo sya bilang isang ordinaryong tao.

Nilakihan ko ang bukas ng pintuan.

"Pasok ka Michael" sabi ko, at sumunod naman sya.

"Michael?!" gulat na usal ni Ornias.

"Kamusta kayo?" tanong ni Michael na may ngiti. Kapag nalaman nya kaya ang aming kalagayan makakangiti pa kaya sya? Mabait si Michael, walang duda dun dahil isa syang anghel at tinutulungan nya kami pero ayoko na ng tulong nya.

"Ano na ang lagay ng iyong misyon?" humarap sya sakin. Huminga ako ng malalim at tumingin kila Ornias at Porcel. Ornias face was telling me not to tell Michael what he needs to know.

"Sa tingin ko hindi ko na kailangan pang ipagpatuloy ang misyon" nawala ang ngiti sa labi nya. Samantalang nagtiim bagang naman si Porcel at napapikit na lang si Ornias.

"Bakit naman? Nahihirapan kaba?" tanong ni Michael, umiling ako.

"Sinabi sakin ng Prinsipe na wala na silang balak pang ipagpatuloy ang pagsakop sa mundo ng mga tao at kalaban na rin nya ang Apat Na Hari. Wala nang dahilan pa para patayin ko sya" paliwanag ko. Natigilan sya at tila nag-iisip.

"Hindi mo ba naiintindihan Ruax? Ang tunay mong misyon ay sugpuin ang kampon ng kasamaan"

Napatingin ako sa kanya.

"Kampon ng kasamaan? Sa tingin ko hindi sila kasing sama ng demonyong si Luciper" sa maikling panahon na nakasama ko sila, alam kong hindi ganun kaitim ang kanilang puso.

BN Book2: SHADOW CREATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon