Drake's POV
Nasa playground kami ngayon.
"Seth was dead" sabi ni Aliesther. Nakaupo sya sa sisaw.
"Sino kaya ang may gawa?" tanong naman ni Sabina.
"Sino paba? Sino ang pwedeng magbigay sa kanya ng ganung kapangyarihan?" komento naman ni Antoinette.
Tahimik na nakikinig lang ako sa kanila. Dahil alam ko naman na kung sino ang may gawa ayoko lang sabihin sa kanila.
Patuloy silang nag-uusap tungkol sa pagkamatay ni Seth. Tinaas ko ang itim na mata ko at nakita ko si Porcel.
"Kung hindi ka kayang patayin ni Ruax kami na lang ang gagawa!" sigaw nya kaya napatingin sila lahat kay Porcel.
Lumabas si Ornias sa likod ng slide at sinugod sya nila Kozani.
"walang mga utang na loob! matapos namin kayo ipagtanggol" sigaw ni Antoinette at lulusubin sana si Porcel na nasa likuran ko pero pinigilan sya ni Aliesther.
Wala naman silang mapapala. Pinapagod lang nila ang kanilang sarili.
"ito ba ang sinasabi mong ginagawang kapakipakinabang ang kaluluwa? hindi na nga natin sila ginugulo pero sila tong naghahanap ng away" komento naman ni Sabina pero nanatiling nakatayo lang.
"Hayaan nyo sila"
Maya-maya lumayo na si Kozani kay Ornias. Pinanood nilang atakihin ako ng dalawang fallen angel na to. Hindi ako lumalaban, dahil nagpapakapagod lang sila. Ni hindi nga ako nasasaktan sa mga ginagawa nila.
Nagulat ako nang biglang maging espada si Ara. Kinuha ni Mia ang espada at tumakbo palapit sakin para saksakin ako pero mabilis akong nakailag.
Narinig ko ang tili ni Antoinette kasabay ng matulis na bagay na tumusok sa tagiliran ko. Hindi ko alam kung pano ang nangyari pero si Ara ang nasa harapan ko tapos ang nasa gilid ko ay si Mia na hawak ang espada ni Ruax.
Daplis lang ang nangyari dahil sinipa sya ni Ruax, nakita kong nagulat si Porcel at Ornias sa ginawa ni Ruax.
"Ruax?" gulat na tanong ni Ornias. Inagaw nya kay Mia ang espada tapos ay lumapit sakin.
Hinawakan nya ko sa braso tapos ay lumipad kami. Napatingin ako sa kanya pero nakatingin sya sa ibaba. Hanggang sa makarating kami sa paraiso. Basta na lang nya ko binitawan napaupo ako sa damuhan at napasandal sa malaking bato. Hinawakan ko ang aking tagiliran na ngayon ay nagdudugo. Hindi man kasi ang sugo ang nakasaksak sakin, ang espadang sumisimblo pa rin sakin ang sandatang tumusok sa katawan ko. At dahil dun ay nanghina ako. Pero pahinga lang ang kailangan nito.
Naupo sya sa tabi ko pero may espasyo sa pagitan namin.
"Gaano katagal bago maghilom ang iyong sugat?" tanong nya na ikinalingon ko.
"T-tinulungan mo ko?" hindi makapaniwala na tanong ko. Nakita ko syang umismid, tumayo sya at naglakad palayo.
Dapat pala sinagot ko na lang ang tanong nya. Pero masaya ko sa ginawa nya.
Isinandal ko ang ulo ko sa malaking bato at ipinikit. Ilang minuto ang lumipas at unti-unti nang naghihilom ang aking sugat.