Kabanata 10

435 17 2
                                    

Shara's POV

Aah! Aray! Bakit parang ang tigas ng hinihigaan ko? Saka parang ang lamig? Minulat ko ang mata ko at tumingin sa paligid. Kumurap ako ng tatlong beses. WALA AKO SA KWARTO! Bakit dito ako sa semento nakahiga? Ang sakit tuloy ng likod ko.

Narinig kong nagtatawanan si Mia at Ara sa kusina. tumayo ako at lumapit sa kanila.

"Anong nangyari kagabi?" tanong ko ng makaupo sa lamesa.

"Malay ko sayo." sagot ni Ara sabay kagat sa tinapay nya.

Matapos kong kumain at maligo pumunta na ko sa kwarto.

"Ang gulo pala ng kama ko? Hindi na nga ako natulog dito eh." inayos ko ang bedsheet ng kama ko at inipit ko sa ilalim ng kama ng may makapa ako. Pagkuha ko yung singsin. Sinuot ko na lang dahil baka mawala nanaman at kung kelan ko hanapin ay hindi ko na makita.

SCHOOL

Naglalakad ako sa hallway ng makasalubong ko ang Math Professor ko. Kinakamusta nya yung pagtu-tutor sakin ni Drake, sinabi kong ok naman kahit na wala pa nauumpisahan.

"Siguraduhin mo lang Ms. Zarmiento, may long test tayo bukas gusto ko makapasa ka!" pagkasabi ni Mam nun kinabahan ako agad, LONG TEST? Homaygad! Kailangan ko magpaturo kay Drake.

Tumkbo ako papunta sa classroom namin. Natigilan pa ko dahil may mga kabilang section ang nandun. Si Drake nasa sulok nakatungo at mukang naglalaro nanaman sa cp nya.

Tinignan ko yung mga taga kabilang section habang naglalakad palapit kay Drake. Ano ba ginagawa nila dito? Ang ingay tuloy!

"Drake" tinawag ko sya at naupo sa tabi nyang upuan. Saglit nya kong tinignan tapos binalik ang tingin nya sa cellphone nya.

"Nakasalubong ko si Mam, kailangan mo na kong turuan kasi may long test daw tayo bukas" sabi ko sa kanya. Hindi nya ko pinansin.

"Drake" kinalabit ko sya.

"Shit! Im dead!" nagulat ako sa sigaw nya at kamuntik nya pang mahagis yung cellphone nya. Natakot ako kaya lumayo ako sa kanya. Hindi ko mapigilang wag matakot sa kanya bakit ba sya ganyan! He glared at me kaya napaatras ako, feeling ko nga nakaangat na yung unahan ng upuan eh dahil sobra kong nakasandal sa sandalan nun.

"Bakit hindi ka mag-aral mag isa mo! Kailangan mo pang mang-istorbo! Hindi kaba nahihiya sa ginagawa mo!" sigaw nya, natahimik yung buong room tapos nakatingin sila sakin.

"Sorry akala ko kasi ok lang sayo na itutor mo ko, kasi pumayag ka kay mam" mahina lang yung boses ko tapos napayuko na lang ako sa sobrang hiya.

"sa tingin mo gusto talaga kitang turuan?" nag-angat ako ng tingin. Nakangisi sya

"Wala kang kwentang babae, tatanga-tanga ka! Pati yung professor natin suko na sayo kaya pinapasa nya yung trabaho nya! Mahiya ka nga sa sarili mo!"

Narinig kong nagtawanan sila, tumulo ang luha ko kaya yumuko ako para maitago yun.

Bakit kaba ganyan? Sobrang sakit na ng ginagawa mo sakin. Ang sakit-sakit na!

Mabilis akong tumayo at tumakbo palabas. Wala akong pakialam kung sino man ang mabunggo ko, blurd na ang paningin ko dahil sa luha na ayaw paawat sa paglandas.

I stopped running dahil nahihirapan na ko sa paghinga. Ang sikip ng dibdib ko. Nag-angat ako ng tingin at napansin kong nandito na ko sa gubat. I sobbed, napaluhod ako sa sobrang pagod na nararamdaman-- physically, mentally and emotionally. Parang gusto ko na nga sumuko eh.

BN Book2: SHADOW CREATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon