Kabanata 16

435 14 1
                                    

Shara's POV

 

"Shara" paglingon ko ay may isang rose ang tumambad sa muka ko, i smiled at kinuha yun sa kamay ni Drake.

Nandito kami ngayon sa paraiso. Vacant Period kasi namin at gusto daw nya kong masolo, syempre kinilig naman ako dun.

"Your getting sweeter everyday" sabi ko sa kanya habang nilalanghap ang mabangong rosas.

"Yeah, its my turn to make some effort" sabi nya habang nahiga sa lap ko.

Tumahimik na ang paligid, buti pa dito ang sarap ng hangin. Pinagmasdan ko ang aking bampira, nakapikit ang mga mata nya. Mahaba ang mga pilikmata at akala mo naka black eyeliner, matangos ang ilong, sobrang mapula ang maninipis na labi. Napakaganda nyang nilalang. Lahat ng bampira ganun, kahit nga si Alex lalong gumanda nung naging Natum.

Speaking of Alex, miss ko na sya. Naalala ko yung mga araw na hinihintay nya yung birthday ko. Nag-iisip sya kung ano daw magandang iregalo sakin. Pero ngayon na isang linggo na lang, birthday ko na pakiramdam ko hindi ko mace-celebrate. Nakakalungkot naman isipin na may kulang na sa barkada namin. Oo ngat nandyan lang sya sa tabi pero hindi na sya si Alex na kaibigan ko. Ibang nilalalang na sya at iba na ang ugali nya.

Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko. Nakita ko ang muka ni Drake na nakaharap sakin. Di ko namalayan na umalis na pala sya sa pwesto nya kanina. Ngumiti ako sa kanya.

"Alam mo ba..." he muttered.

"Kung bakit lagi kita inaaway dati?" napakunot ang noo ko.

"Bakit nga ba?"

"Kasi..." he moved closer kaya napaatras ako.

"Kasi kapag nasa paligid ka at alam kong malapit ka lang sakin, hindi ko mapigilan ang pagtibok ng puso ko" nilagay nya sa dibdib nya yung kamay ko na hawak nya.

"ng ganito kabilis" sabi nya at lalong nilapit ang muka sakin. Ganun din naman ang nararamdaman ko ah? Lalo pa nga ngayon sa kilos nya, gusto kong alisin ang kamay kong hawak nya pero lalo nya lang hinigpitan ang kapit.

"I love you even if i dont have memories of you" he said while gazing my eyes down to my lips. Napalunok ako, at lalong bumibilis ang pagtibok ng puso ko.

Palapit ng palapit ang muka nya kaya ipinikit ko ang aking mga mata. Is he going to kiss me? Sa naisip ko ay may excitement akong naramdaman. Nararamdaman ko na ang malamig nyang hininga sa muka ko. Unti-unti akong nagpa-pout hanggang sa maramdaman ko ang malambot nyang labi sa... tungki ng ilong ko.

Dumilat ako at nakita ko ang muka nyang nagpipigil ng tawa. Pakiramdam ko ay namula ako sa inis. Sinabunutan ko sya bilang ganti sa pangti-trip nya sakin.

"Ano ba yung hairstyle ko!" sabi nya sabay tanggal ng kamay ko sa buhok nya.

"hairstyle! Psh! Sya lang ang bampirang kilala ko na consious sa hairstyle nya!" i muttered while facing my back to him.

Narinig ko ang tawa nya kaya lalo akong nabwisit. Then a sudden, he was infront of me and just stole a peck on my lips. Nawala ang gusot ng muka ko at bahagya pang nagulat.

BN Book2: SHADOW CREATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon