Shara's POV
"Ms. Zarmiento and Mr. Nelluc, please follow me in the faculty." utos ni Mam bago tuluyang lumabas ng classroom. Bakit kaya? Tumayo ako at tumingin kay Drake, mukang di naman nya narinig yung sinabi ni Mam.
"Bakit kaya?" tanong ko sa sarili at tumingin pa sa kisame.
"Good luck girl." - Sandra.
"Bakit kaya?" tanong ko ulit kila Mia. Tumawa ng malakas si Ara.
"Hindi mo alam? Bobo ka talaga." sabi nya at kumapit sa braso ni Alex. Ang hard nito. Hmp! Sipain kita eh.
"Nagtaka kapa!" sabi naman ni Mia at hinarap sa muka ko ang papel nya with a perfect score. Napasimangot ako. Tinignan ko yung sarili kong papel. Bagsak ako, one lang ang nakuha ko.
"Una na ko sa inyo. Punta muna ako sa faculty ni mam." i heard Drake said that kaya lumingon ako. Akala ko hindi nya narinig yung sinabi ni Mam.
Hinabol ko sya ng makalabas sya ng classroom.
"Drake!" he didnt stop from walking that's why i run faster until i reached him. He looked at me so i flashed my sweetest smile.
"Sabay na tayo pum--"
"Ang galing mo mandamay." sabi nya at tumalikod para magpatuloy sa paglalakad. Natigilan ako, para kasing may biglang pumasok sa isip ko na tungkol sakin at kay Damien. Nakatayo lang ako dun hanggang sa makita ko lumiko sa corridor. Tumakbo ako para makapunta na din ng faculty room, pagpunta ko dun sakto namang kakapasok lang nya. Ang lakas pa nga ng pagsara ng pinto eh. Pumasok na din ako sa loob.
I saw him standing after Mrs. Lozada's desk, lumapit ako sa kanila nung tumingin sakin si Mam.
"Ikaw Zarmiento, Out of 5 items you only got one. Alam kong nahihirapan ka sa subject na to, kaya nga dapat mas lalo ka pang nagpupursige para matuto. Last sem kamuntik ka nang bumagsak sakin, pasalamat ka nga at binigyan kita ng chance. At nangako ka na hindi ka na babagsak! Sa tingin mo ba makakapasa ka kung palagi kang ganyan?" sermon nya.
Parang gusto kong maiyak dahil kailangan ba talaga sermunan nya ko sa harap ni Drake? Dapat ba ipahiya talaga ko? Yumuko ako dahil nakaramdam ako ng hiya.
"Mr. Neluc kaya kita gustong makausap dahil may ipapakiusap sana ko sayo. Can you tutor Miss Zarmiento in this subject?" sabi ni Mrs. Lozada.
Napaangat ako ng tingin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Mrs. Lozada at kay Drake. I felt excited. Kapag naging tutor ko si Drake mapapalapit ako sa kanya. Until i felt deja vu. My hands were sweating. This scene! It happened... it happened in my dream.
Drake looked at me, Nakakunot ang noo na para bang alam ang nasa isip ko. Umiwas ako ng tingin. Kinakabahan ako na ewan. Alam kong nangyari na to.
"I dont think that's a good idea. Hindi po ako magaling magturo lalo na sa isang makulit na babae at slow umintindi" Sabi nya kay Mam. Slow?
MAsyado ng okupado ang utak ko para damdamin pa ang sinabi nya. Nakatayo lang ako dun na parang tuod at pinapanood sila magtalo. Oo, nagtatalo sila dahil ayaw ni Drake tanggapin ang hinihinging favor ni mam.
"Mr. Nelluc i assure you a plus grade." Tumingin si Mam kay Drake.
"Pumayag kana please ?" I said with a puppy eyes and sweet smile. Ewan, bigla ko na lang ginawa. Gusto kong pumayag sya dahil gusto ko din mapalapit sa kanya.