Kabanata 2

616 18 3
                                    

Shara's POV

"Shara mauna kana sa classroom. Daan muna kami ni Ara sa faculty." sabi ni Mia.

"Ok." sagot ko naman tapos umakyat na ko ng hagdan. Sa 2nd floor nga pala yung classroom namin. Haay >.<

Naglalakad ako papunta ng classroom ng makasalubong ko si ...

DAMIEN

Ehh! Este Drake pala. Kasama nya yung mga kaibigan nya. Kahit hindi ako lumingon alam ko na nasa tapat na kami ng pintuan ng classroom.

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko ng tumingin sya sakin.

Yung matang yun. Kahit kelan hindi ko makakalimutan.

"Hi!" pilit kong pinasaya ang tono ng boses ko. Tinignan ko isa-isa ang mga kasama nya at nginitian ng sobrang tamis. Nadaanan ng tingin ko si Aliesther kaya naman binati ko din sya.

"Hi!" i said with a wave hand. He responded in a small smile.

"Psh! Papansin talaga." sabi ni Drake na may kasamang smirked. Binunggo nya ang balikat ko at pumasok na nang classroom kasunod ang mga kaibigan nya na wala manlang emosyon akong tingnan.

Nung nawala na sila ng tuluyan sa harap ko saka lang naglaho ang matatamis na ngiti sa labi ko. I sighed >__< Tumingin ako sa sapatos ko.

Isang linggo na ang lumipas ng magising ako sa panaginip na yun kasama si Damien. At alam ko na hindi lang basta panaginip yun. DAMIEN IS REAL.

Kahit pa sabihin nya na si Drake sya, kahit pa iba na ang pagkatao nya... Alam ng puso ko -- alam nito na totoo ka. You Exsist Damien.

Nakalimutan mo ko ngayon. PEro alam kong babalik ka at maalala mo ko ulit. Naniniwala ako sayo Damien.

Iisipin ko na lang na nagka-amnesia ka.

"Hoy! Bakit hindi kapa pumapasok sa loob?" narinig kong sabi ni Ara na may kasamang batok. Nasa likod ko na pala sila ng hindi ko namamalayan. Haay!

"Wala, tara na nga." humarap ako sa kanila at naglakad na papasok sa loob pero pinigilan ako ni Mia at hinatak sa braso.

Nilapit nya yung muka nya sakin habang nakataas ang isang kilay.

"Umiyak ka?" tanong ni Ara.

"Huh?" napatingin ako sa kanya. PEro binalik ko din ang tingin kay Mia at tinulak ang muka nya. Baka magkapalit pa kami eh.

Nginuso ni Ara ang muka ko. Kinapa ko ang pisngi ko at  medyo basa nga. Siguradong luha yun dahil hindi naman galing sa bibig ko para maging laway @___@

Di ko alam na naiyak ako. BAYAN!

"Inaway ka nanaman ba nang Drake na yun?" tanong ni Ara.

"Hi--"

"Diba sinabi ko naman sayo na wag kang lumapit sa mga yun? Lalong lalo na sa Drake na yun. Bakit ba kasi dikit ka ng dikit sa mga yun?" sermon ni Mia.

"Oo, bakit ba FC ka sa mga yun?" segunda naman ni Ara.

Aba! Baka gusto nila na pagsalitain ako diba? Sabagay, ano nga naman ang isasagot ko? Hindi kasi nila alam yung tungkol sa napanaginipan ko. hindi ko din naman maikwento sa kanila. Una, baka pagtawanan nila ko at sabihan ng baliw. Pangalawa, hindi ko na matandaan ang buong pangyayari sa panaginip ko. Pangatlo, parang may pumipigil sakin na wag ipaalam sa kanila ang tungkol kay damien.

BN Book2: SHADOW CREATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon