Kabanata 13

411 14 0
                                    

Shara's POV

 

Nasa ground floor lahat ng mga may NSTP subject. I yawned, ang aga-aga kasi ng call time nila tapos paghihintayin lang kami dito. Napuyat pa naman ako kagabi dahil nag-skype kami ni Mommy, pinag-usapan yung tungkol sa debut ko. Actually, wala naman akong pakialam kung may party o wala basta ang mahalaga umuwi sya. I miss her so much.

"Ayy" tinignan ko yung bumunggo sa likod ko.

Tignan mo tong lalaking to! Kahapon akala mo kung sinong feeling close umasta tapos ngayon parang hindi ako nag-eexist sa mundo nya!

Nagtakbuhan na yung mga studyante ng dumating yung Bus na sasakyan namin.

"Tulungan na kita" sabi ni Elthon ng maksabay ko sya maglakad.

"Good" sagot ko sa kanya at binigay ko yung malaki kong bag. Yung dalawa ko kasing pinsan mga excited at iniwan ako. Nauna na silang makipagsiksikan sumakay sa bus.

Umakyat kami sa Bus, una ko agad nakita si Drake. Panong hindi ko sya agad makikita eh sya lang yung walang katabi. Yung mga kaibigan nya nasa likuran at nagtatawanan.

"Shara dito tayo" sabi ni Elthon. Great! Katapat pa ng upuan ni Drake. Uupo na sana ko sa may tabi ng bintana ng unahan ako niya ko. Nginitian nya ko kaya lalo lang akong nabwisit. Tapos naupo na lang ako ng padabog. Wala na talagang gentleman sa mundo. Hay naku!

Naramdaman kong tumingin sya, pero pag lingon ko nakatingin na sya sa labas ng bintana. Maya-maya pa umalis na din yung bus.

Bakit ba ang ingay nila? Tapos si Kozani at Alex nagkakantahan nanaman. May mga nagbabatuhan din ng cornics.

"Wala ka yata sa mood?" tanong ni Elthon.

Panong hindi ako mawawalan ng mood? inagawan mo ko ng pwesto, at ngayon feeling ko mababalian ako ng leeg dahil hindi ako makalingon sa kanan ko. Tsk! Affected pa rin ako sa presence nya.

Nag shrugged na lang ako bilang sagot.

"Ano kaba naman Shara! Hindi ako sanay na tahimik ka! Makigulo ka nga kila Sandra" di ko sya pinansin at pumikit na lang ako.

Pakiramdam ko nga nagbabago na ko. Siguro depressed lang talaga ko. Kasi naman kahit anong pilit kong kalimutan sya hindi ko magawa. Umaasa pa rin ako. Pero pagod na pagod na ko, kaya mabuting ibalik ko na lang yung treatment nya sakin. Sya lang naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito eh... Palaging sya

Paidlip na ko ng may tumama sa noo ko, nagmulat ako ng mata and i saw Alex facing me. I mean, nakaluhod sya sa inuupuan nya at nakapatong ang mga braso nya sa sandalan nun. Tinignan ko kung ano yung tumama sakin, crumpled paper. Great!

"Malapit na birthday mo ah. Anong plano natin?" - Alex

"Ay oo nga pala! your turning 18." si Sandra na ginaya ang pwesto ni Alex. Napatingin ako sa mga classmates ko, wala kasi masyadong nakakaalam ng birthday ko.

"hindi ko alam, next month pa yun noh." sagot ko sa kanila.

"Ano kaba! Ang debut pinaghahandaan malayo pa lang ang petsa ng kaarawan. Mahalagang araw kaya yun para sating mga babae" paliwanag nya.

BN Book2: SHADOW CREATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon