Bago pa maitarak ng Prinsipe ang espada sa kanyang dibdib ay nakita nya si Lahash na pababa mula sa itaas.
"Hindi pa ito ang tamang panahon upang kitilin ang iyong buhay"
"Ano pang silbi ng buhay ko kung ang dahilan ng pagtibok ng puso ko ay wala na?"
"Kaya ko syang buhayin"
Natigilan ang Prinsipe at napatingin sa babaylan.
"Bubuhayin ko sya sa isang kondisyon" napakunot ang kanyang noo.
"Anak mo sya! Hindi na kailangan pa ng kondisyon para buhayin mo sya." Agresibong sabi ng Prinsipe, tila nabuhayan sa sinabi ni Lahash.
Hindi nagsalita ang babaylan. Tumingin sya sa walang buhay na si Ruax.
Ayaw nyang mawala ito ng ganun na lang. Kaya gagawin nya ang lahat mabuhay lang ang mahal nya.
"Kung ano man ang kondisyon mo... gagawin ko buhayin mo lang si Ruax"
Sumilay ang isang ngiti sa labi ni Lahash. Lumapit sya sa anak-anakan tapos ay lumuhod.
Tinanggal nya ang soot na kwintas. Nagulat ang Prinsipe da pagbabagong anyo ni Lahash.
Ang babaylan na napakabata ng anyo at kutis ay naglaho. Naging isa syang matanda... kulubot ang balat at puti ang buhok.
Sinuot nya kay Ruax ang kwintas na may pendant na hugis trayanggulo at sa loob nun ay may isang half moon.
Itinapat nya ang kanang palad na may markang trayanggulo at kalahating bwan sa tuktok nun; sa sugatang bahagi ng katawan ni Ruax.
Ipinikit nya ang kanyang mata at dinasalan ang katwan ni Ruax, nagliwanag ang marka nya sa palad. Unti-unting naghilom ang sugat ni Ruax hanggang sa natapos ang orasyon.
Lumapit si Prinsipe Drake, upang makita ang pagbabago kay Ruax.
Pero nanatili itong nakapikit at hindi humihinga.
"Bakit hindi pa rin sya nabubuhay?!" may halong pagkainip na sabi ng prinsipe.
"Maghintay ka..."
Ruax gasp. Naghahabol ng hangin, agad na natuwa si Drake ng dumilat ang mata ni Ruax at gusto nya itong yakapin agad pero pinigilan sya ni Lahash.
"Hayaan mo muna syang makahinga... pag namatay sya..."
"Oo na. Wag mo na sabihin ang bagay na yun dahil hinding hindi na mangyayari yun" seryosong sabi ni Drake. Tumango si Lahash at pinagmasdan si Ruax.
Naupo si Ruax. Agad naman syang niyakap ni Drake.
"Anong... pano..." napatingin sya sa matandang babae.
Nakangiti ito sa kanya, humiwalay sya ng yakap kay Drake para tanungin kung sino ang babaeng yun ng maramdaman nyang may nakasabit sa leeg nya. Pagtingin nya ay isang kwintas, at kilala nya kubf kanino yun.
"Ina!" niyakap nya to.
"Salamat" hinagod ni Lahash ang likod nya.
"Hindi ki hahayaang mawala ka Ruax" sabi nito.
"Drake!!" sigaw ng paparating na si Antoinette kasama si Darius at Sabina pati na rin ang mga Natum Bampires.
"Natalo nyo sila?!" di makapaniwala na sabi ni Sabina.
"Ang galing mo Ruax" sabi naman ni Darius.
Nagkatinginan si Ruax at Drake, naghawak sila ng kamay tapos ay nginitian ang mga kaibigan.
--
Ruax POV
Hindi na nagpakita pa sa Infernus si Semyaza at ang mga hari. Masaya na kami at namumuhay na ulit ng maayos ang Infernus. Yun nga lang may alitan pa rin sa pagitan ng dalawang uri ng mga imortal. Hindi na siguro magbabago yun, dahil may lamat na ang kanilang pagsasamahan.
Nandito nga pala kami ngayon sa paraiso. Paminsan minsan bumibisita kami sa mundo ng mga tao... pero hindi para manggulo, sadyang nakakamiss lang talaga ang manirahan at makihalubilo sa kanila.
"Ruax!" nawala ako sa pagmumuni-muni ng may yumakap sakin.
"Bakit?" Tanong ko sa prinsipe.
"May laman sa sinapupunan ni Sabina. Buntis sya" nakangisi na sabi nya.
"Talaga?! Bakit hindi nila sakin sinabi?"
Tumawa sya.
"Pano naman nila masasabi sayo kung sila nga hindi pa alam, nabasa ko lang ang nasa isip ni Lahash kanina nung nagkita sila ni Sabina. At dahil isipan yun ni Lahash, sigurado akong tunay at magkakatotoo yun"
Binatukan ko nga sya. Bakit ba kailangan nyang basahin ang isipan ng iba? Hindi nya ba alam ang salitang Privacy? Nanirahan naman sya ng matagal sa mundo ng mga tao ah.
"Eh tayo kaya? Kelan magkakaanak?" Nakangising sabi nya at hindi ko maiwasan ang mamula.
Tinulak ko sya pero hinawakan nya ko sa braso kaya napasaman ko sa pagkakahiga nya sa damuhan. Pumaibabaw ako sa kanya, pero hindi ako umalis. Msarap sa pakiramdam ang ganitong posisyon namin.
Hay! Nagiging pilya na rin ako dahil sa prinsipeng to. Nakakahawa ang ugali nya, mabuti na lang at meron akong singsing na humaharang sa kakayahan nyang mambasa ng isipan ng iba.
"Ang sarap mong titigan. Lalo na kapag namumula ang pisngi mo"
Napatingin ako sa kanya, at nailang ako ng makita na mataman syang nakatingin sakin.
"Tigiln mo nga ako" tatayo na sana ko pero hinawakan nya ang ulo ko at nilapit sa muka nya hanggang sa magdikit ang labi namin.
Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko ng maramdaman ang halik nya. Gumanti din ako ng halik, dahil gusto ko ipaalam sa kanya na mahal ko sya.
Emetuc's Note: Salamat mga mahal kong readers sa paglaan nyo ng oras basahin ang story ko. Sana yung iba kong story suportahan nyo din. And if ever sinipag ako, ipa-publish ko yung Prequel nito.Nakakulong kasi ang aking netbook kaya nagrerent lang ako sa computer shop ngayon :( Ayoko naman makiagaw ng tabet sa kapatid ko dahil hindi ako mananalo sa kanya..
Anyway, nagpapaliwanag lang ako. Hehehe :P
Gusto ko pala ulit mag thank you sa gumawa ng Book Cover ko. AJae21 :) isang comment naman dyan oh! hehehe :) Sino ang magpapadedicate? wag nyo naman akong snabin please?