Shara's POV
Pagpasok ko sa classrom, nakita kong tahimik sila Aliesther at wala si Drake. Bakit kaya? Maya-maya lumapit sakin si Antoinette at kozani.
"Shara pwede kaba namin makausap?" tanong ni Kozani. Nagtaka naman ako dun pero tumango na rin ako.
Lumabas kami ng school at nagpunta ng playground.
"Teka, kailangan ba talaga dito pa?" tanong ko sa kanila dahil kanina pa ko nagtataka. Di nila ko sinagot. Nandito kami sa tapat ng slide.
"May problema si Drake" Kozani said.
Natigilan ako dun, napatingin ako sa kanilang dalawa.
"Hindi namin dapat sabihin sayo to, pero...." Antoinette was hesitant kaya si Kozani na ang nagpatuloy.
"Nahihirapan sya"- Kozani. Nagsalubong ang dalawa kong kilay.
"Hindi nya sinabi sayo ang tunay na dahilan kung bakit kami nasa mundo nyo, at wala syang balak sabihin sayo" - Antoinette. Kahit hindi ko maintindihan ang gusto nilang iparating, kinakabahan pa rin ako.
"Ayaw ka nyang masaktan" - Kozani. napakamot ako sa ulo, ano bang pinupunto nila? Hindi ko sila maintindihan.
"Hindi ka gusto ni Darius at Sabina, kahit naman ako. Pero kaibigan ko si Drake at susuportahan ko sya sa gusto nyang mangyari" - Kozani
"Hindi ko kayo maintindihan. Bakit nyo sinasabi sakin to? Nasan ba si Drake?" tanong ko sa kanila. Pero iba ang isinagot nila sakin.
"Sasakupin nya ang mundong to. Gagawin nyang alipin ang mga kauri mo. Gagawing Natum" kinilabutan ako sa sinabi ni Antoinette.
"Isang halimbawa si Alex" dugtong ni Kozani.
Napatingin ako sa kanya, nanghihina ang mga tuhod ko. Seryoso sila at alam kong hindi malabo mangyari ang sinasabi nila.
"Ngayon nahihirapan sya kung gagawin nya pa ang misyon nya dahil sayo" - Antoinette.
"Bakit nyo... sinasabi sakin to"
"Ikaw ang kahinaan ni Drake pero sayo din sya humuhugot ng lakas. Kung sasanib ka sa amin... kung magiging bampira ka, hindi na sya mahihirapan magdesisyon" deretso sa mata na sabi ni Kozani.
"Gusto nyo ko gawing b-bampira?" Pero baka magalit si Drake, sa panaginip ko ayaw nya kong maging tulad nila. Pero ngayon kaya?
"Kung magiging tulad ka namin, mabubuhay ka ng walang hanggan. Makakasama mo sya habang buhay" - Kozani
"Mahal mo sya diba?" - Antoinette
They're drowning me! Hindi ko na alam ang iisipin ko. Oo, mahal ko si Drake at sumagi na din sa isip ko ang maging bampira. Pero ang sirain nila ang mundong to? Kaya ko bang hayaan yun? Handa ba kong maging makasarili?
Pero kahit hindi ako pumayag, wala pa rin akong magagawa.... Handa akong maging isa sa kanila pero hindi ibig sabihin nun papayag ako na masakop nila ang mundo ko.
Naiintindihan ko na ngayon kung bakit nila ko kinakausap. Papayag ako sa gusto nilang mangyari pero hindi pa rin nila makukuha ang inaasam nila. Hindi nila ganun kakilala si Drake.
I looked at Antoinette, lumunok muna ako bago magsalita.
"P-payag ako" ngumiti si Antoinette.
Lumapit sya sakin at hinawakan ang ulo ko para itagilid. Kinakabahan at Natatakot ako. Pero ito ang naiisip kong paraan para hindi na kami mahirapan ni Drake, kung magkauri kami walang diskriminasyon.
Unti-unting bumabaon ang pangil nya, nararamdaman ko ang aking dugo na lumalabas. hanggang sa may biglang humila sa kanya ng ubod ng lakas at bago pa ko mawalan ng balanse may yumakap sakin. Nilagay nya sa leeg ko ang panyo na kinuha nya sa bulsa ng pantalon nya.
"Anong ginagawa nyo sa kanya?!" napapikit ako sa pagsigaw nya. Ramdam na ramdam kong galit sya.
Binitawan nya ko at mabilis syang lumapit kay Kozani at sinakal to , nakaangat na sa lupa ang mga paa nya.
"D-drake gu-sto ka lang na-min t-tulungan" nahihirapan si Kozani sa pagsasalita.
"Ginagamit nyo lang sya!" sigaw nya tapos ay hinagis sya kay Antoinette. I gasped as i stepped back. Natatakot ako sa nakikita ko. Mabilis syang lumapit kay Antoinette at sinampal to ng malakas.
Napatili ako. Hindi ko inaasahan na gagawin nya yun kay Antoinette, dahil sila ang malapit sa isa't-isa. Hindi pa sya nakuntento, in a snapped hinawakan nya to sa braso para itayo tapos ay sasapakin nya pero pinigilan sya ni Kozani. I never seen him like this and honestly, it really scares me.
Hinawakan sya ni Kozani sa braso pero tinabig lang sya ni Drake tapos ay tumalsik na sya. Tumakbo ako palapit sa kanila.
"W-AG!" habol ang hininga na sabi ko. Tumingin sya sakin at unti-unti lumambot ang muka nya hanggang sa bitawan nya si Antoinette.
--
Nandito kami sa paraiso, parehas walang imik. Magkatabi kaming nakaupo sa mga damuhan at narinig ko ang pagbuntong hininga nya.
Tumayo ako at tumingin sa langit. Inabot na kami lahat ng dilim , hindi pa rin kami nag-uusap. Ano kaya ang iniisip nya? Galit din kaya sya sakin? I sighed. We need to talk, hindi pwedeng ganito kami.
"Sinabi nila sakin ang tungkol sa misyon mo, kung bakit kayo nandito sa mundo namin" tumingin ako sa mga bulaklak sa gilid, wishing that i could see him through my peripheral vision but i failed, madilim kasi sa inuupuan nya. Natatakpan ng mataas na puno ang buwan.
Naramdaman ko ang pagkaluskos ng mga damo at pagharap ko ay nandun na sya sa gitna sa tapat ng buwan. Nakakasilaw syang pagmasdan dahil kumikinang sya. Kahit hindi sya nakatingin sakin alam ko namang nakikinig sya.
"Alam kong hindi mo ko kayang saktan Drake, pero pag naging bampira ko..."
"Hindi ka magiging bampira" mariin nyang sabi. Napatitig na lang ako sa likod nya.
"Mahal kita Drake... handa akong isuko ang kaluluwa ko makasama ka lang habang buhay"
In a snap nasa harapan ko na sya.
"Napag-usapan na natin to noon pa."
napayuko ako kasama ang isang malalim na paghinga.
"Isa pa, hindi ko kayang sirain ang mundo mo Shara" nag-angat ako ng tingin. ALam ko naman yun eh.
Pero kailangan ko maging bampira, ayoko mamatay agad. Ayokong tumanda tapos sya hindi nagbabago ang itsura nya. Pagdumating yung araw na yun hindi na maganda tignan kung ang girlfriend nya ay kulubot na ang balat at nanghihina na.
Hinawakan nya ang pisngi ko.
"Tatanda ka at mamatay, yun ang siklo ng isang mortal. Pero hindi dahil namatay kana dun magtatapos ang lahat. Dadating ang araw magsasama tayo sa isang walang hanggang pag-ibig. Ang kailangan lang natin gawin ay maghintay at umayon sa panahon"
"Drake" ang tangi kong nasabi. Niyakap nya ko ng mahigpit at ganun din ang ginawa ko.
Maya-maya ay napansin ko ang mga kulisap na nagliliparan sa paligid namin.
"Drake ang daming kulisap" sabi ko at humiwalay ng yakap sa kanya. Inakbayan nya ko.
"Ang ganda nila" tuwang tuwa na sabi ko.
"Kasing ganda mo" kinilig ako sa sinabi nya, kaya hindi na ko nakasagot pa.