Drake’s POV
Naupo ako sa stoolbar at nagsalin ng dugo sa baso.
“Ako muna!” – Kozani
“Ako ang nauna! Maghintay kang matapos ako!” – Darius
Nag-aagawan sila sa xbox, samantalang si Sabina naman nagbabasa ng magazine. Si Antoinette at Aliesther naman nagtatalo tungkol sa cellphone.
I sipped at my glass at nagflashback sakin ang nangyari kanina sa school.
--
HISTORY CLASS
Ang boring ng klase kaya naman kinuha ko sa bulsa ko ang aking cellphone at naglaro na lang ako ng Temple Run.
Tsk! Nasan ba kasi ang finish line nito? Lagi na lang akong natataya! Nag-angat ako ng ulo dahil naramdaman kong nakatingin nanaman sakin ang Shara na yun. At ng magtama ang tingin namin ay agad syang humarap sa whiteboard.
“Haist! Bakit ganyan ka Damien? Ibang-iba na ang ugali mo. PAti pangalan mo iba na din. Ahm, siguro dapat Drake na lang ang itawag ko sayo? Kasi Your not in my dreams anymore, your now real.”
DUBDUB
Nanlaki ang mata ko. Anong nangyayari sa puso ko? Tumitibok na lang ng ganun kalakas dahil lang sa binasa ko ang naasa isip nya. Yung puso ko. Di ko namalayan na humihigpit na ang hawak ko sa cellphone. Bakit binibigyan nya ko ng kakaibang pakiramdam? NAKAKAIRITA!
Hindi ako nakapagpigil, in less than three seconds lumabas ako sa classroom at hindi ko pa nagawang pigilan ang sarili kong lakas kaya naman ang iniisip nila ay padabog kong binalibag ang pintuan.
--
Na-distract ako sa pagmumuni muni dahil narinig ko ang bulungan ni Kozani at Darius na tumigil na sa pag-aagwan. Pati na rin ang iniisip ni sabina.
“Bakit ang tahimik nya?”
Napatingin ako kay Antoinette, pero bago ko pa mabasa ang nasa isip nya ay palabas na sya ng pintuan. Ano nanaman kaya ang gumugulo sa isip ng batang yun? Hindi naman siguro mahalaga.
Tumayo ako at humarap sa kanila.
“Antoinette bumalik ka dito may mahalaga akong sasabihin.”
Huminga ako ng malalim ng makumpleto sila.
"Pupunta ako sa Infernus, kayo na muna ang bahala dito."
"Bakit Drake? Anong plano mo?" tanong ni Sabina.
"Gusto kong madaliin ang pagsakop sa mundong to kaya naman dadalhin ko ang tatlong magkakapatid."
Si ALiesther na walang pakialam kanina ay nagkaroon ng interest na makinig sakin. Si Sabina at Kozani naman ay nagkatinginan.
Ang tatlong magkakapatid na tinutukoy ko ay ang Blatarrius Sisters. Kinatatakutan ng kahit na sino, syempre maliban sakin at sa Apat Na Hari. Sila ang tatlong magkakapatid na walang awang pumapaslang ng kahit na sino. Kahit kapwa bampira nila.
"Hindi ba masyadong mabilis Drake? Saka akala ko ba gusto mo masakop ang mundo ng mga tao ng tahimik?" tanong ni Darius. Kilala ang Blatarius Sisters sa pagiging WarFreak. Isa sa hilig nilang gawin ay ang gumawa ng malaking gulo.
Hindi ko sinagot ang tanong ni Darius kaya naman lahat sila ay nakakunot ang noo.
"May problema ba?" tanong ni Aliesther.
Unang pumasok sa isip ko ang babaeng yun! Tsk! Sa isang babaeng ewan! Grrr! Sya poproblimahin ko?? MALABO!
"Wala." YUn lang at mabilis akong naglaho sa harapan nila.
Aliesther's POV
"Ano kayang problema ng mahal na prinsipe?" sarcastic na tanong ni Sabina. Tumawa naman si Darius.
Napatingin ako kay Antoinette na kanina pa tahimik at parang ang lalim ng iniisip.
"Parang gusto ko magpunta sa isang bar at doon maghasik ng lagim. Bwahahaha!" malademonyong sabi ni Darius.
"BAR?!" napatayong sabi ni Antoinette. Lahat kami napatingin sa kanya,ang bilis kasi magbago ng mood nya.
"ALam nyo ba na laging bukambibig ng mga classmate natin ang Bar? Gusto kong magpunta dun! Tara!" tuwang-tuwa na sabi nya. Napailing na lang ako. Si Sabina at Darius naman tinawanan lang sya.
--
Maingay, madilim, malilikot na ilaw na iba-iba ang kulay, mausok, madaming tao. Nagsasayawan, nag-inuman, naghahalikan at kung ano pa. Ganito pala kawild ang mga tao pag gabi? Ngayon lang kami nakapasok sa ganitong lugar.
"Wah! Ganito pala dito sa BAr!" - Antoinette. Hinampas sya ni Sabina kaya itinikom nya ang kanyang maingay na bibig.
Nagkatinginan kaming lahat at alam na namin ang gustong iparating ng bawat isa. Naghiwahiwalay kami.
Naglakad ako kung saan mapadpad ang aking paa ng may sumalubong sakin.
"Hi pogi." napahinto ako sa paglakad ng may kumapit sa braso ko. I looked at the girl wearing her seductive smile. I smirked. Bigla na lang nya kong hinalikan. I kissed back. Syang din to,maganda pa naman. Bumaba ang halik ko papunta sa leeg nya, i can feel her breath in my ear. Hanggang sa kinagat ko ang leeg nya. She scream but no one could hear her pain. Dahil busy ang mga tao magpakasaya.
Niyakap ko sya ng mahigpit upang hindi sya malaglag sa lupa. Tinaggal ko ang pagkakabaon ng pangil ko sa leeg nya bago huminto ang tibok ng puso nya.
Naramdaman ko ang paligid na nagkakagulo, pero may sarili akong business dito. Haha! Alam ko naman na ginagawa na nila Antoinette ang trabaho nila kaya nagkakagulo ang paligid. Nag-umpisa nang mangisay ang babae kaya naman nabitawan ko sya. Unti-unting nagbabago ang kanyang itsura hanggang sa maging ganap na syang NATUM BAMPIRES (Newborn Vampire)
Shara's POV
"Ano ba naman yan! Bakit walang taxi! Anong oras na oh!" sabi ko sa sarili ko.
Galing ako sa bahay nila Sandra dahil sinoli ko yung hiniram kong notes, eh nagkwento ba naman ng nagkwento! Yan! Ginabi tuloy ako. Tsk! Lakarin ko na nga lang hanggang sa sakayan ng jeep. KAHIT NA DISORAS NA NG GABI! Kawawa naman ako.
Napakamot ako sa batok ng madaanan ko ang sementeryo. Shara! Wag kang mag-isip ng kung ano, walang multo dito. Waahh! IM SCARED--
HUH? Is that Aliesther? Napahinto ako sa paglakad ng makita ko si Aliesther sa loob ng sementeryo. May hawak syang pala tapos parang may hinuhukay. Hindi maliwanag ang paligid dahil gabi na nga, pero may poste naman ng meralco at alam kong sya yan! Anong ginagawa nya dito? Kasama nya kaya si Drake?
Nagulat ako ng lumingon sya at nagkatinginan kami. Pero pagkurap ko ay wala na sya. Kinusot-kusot ko pa yung mata ko pero
"NAsan na yun?" tanong ko sa sarili.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Aahhh!" napatalon ako sa gulat. Si ALiesther! Nasa harapan ko na sya? Kanina lang --
"Anong ginagawa mo dito? Gabing-gabi na ah."
Lumingon ako sa lugar kung saan ko sya huling nakita. I sighed. What's new? Hindi na dapat ako magulat o kilabutan, he's not ordinary. Ngumiti ako sa kanya at lumapit.
"Pwede mo ba kong ihatid samin? -- Please?" sabi ko na may kasamang pacute. Malay mo kasama nya si Drake diba? Chance ko na to.
"Hindi ko kasama si Drake, pero sige ihahatid na kita. Kawawa naman yung kung sino man ang gagawa ng masama sayo. Wala naman mahalagang bagay ang meron ka eh."
Ahh! What?? Ang sama! Kung may taxi lang akong masasakyan! GO na ko! Di naman pala nya kasama si Drake eh!
"Thank you huh!" sarcastic kong sabi.