Kabanata 23

383 15 1
                                    

Ruax POV

Alas nwebe na ng umaga. Naghahanda ako para sa pagpunta sa bahay ng mga bampira. Kailangan ko na makuha ang espada na yun, at hindi dapat ako nagsasayang ng oras.

Nilakad ko lang hanggang sa bahay nila. Mga 45 minutes akong naglakad at ngayon nakatingin ako sa malaking gate.

Tinalon ko yun nang hindi gumagawa ng ingay. Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng kanilang sala. Mabuti na lang at wala sila dun. Tahimik ang buong bahay.

Walang kahirap-hirap na kinuha ko ang espada na nakasabit sa dingding tapos ay lumabas ng sala nila.

"Shara!" nakasalubong ko si Darius at Aliesther. Napatingin sila sa hawak kong espada.

"Bakit hawak mo yan?" tanong ni Darius.

"Hindi paba halata?" nakangisi kong sabi.

Mabilis na lumapit si Darius at Aliesther para agawin ang hawak ko pero mabilis kong nilabas ang pakpak ko at tinadyakan sila ng sabay. Natigilan sila. Nakita kong lumabas ng bahay si Antoinette at Kozani.

I smirked and waved the sword to them. Lumipad ako ng mataas.

Drake's POV

Lumabas ako sa may garden at nandun sila mga gulat na gulat. Nagpanggap ako na walang alam kahit nakita ko ang buong pangyayari.

"Anong nangyari?"

"Sinasabi ko na nga ba may kakaiba sa kanya eh. Bakit nag kaganun?" tanong ni Darius.

"Hindi na sya si Shara Drake!" sigaw ni Antoinette.

"Tulad sya ng mga pinsan nya" sabi ni Aliesther na seryoso.

"Drake, yung espada kinuha nya" maluha-luha na sabi ni Antoinette. Hinawakan ko sya sa braso.

"Isa lang ang ibig sabihin nun, sya ang sugo" sabi ko at tumulo na nga ang luha ni Antoinette.

"Bakit? Alam mo ba to?" tanong ni Sabina.

Hindi ako sumagot.

"Kahit pa nasa katawan sya ni Shara, hindi ako makakapayag Drake!" - Antoinette.

I was standing across to their house. Nasa loob sya ng sala, and through the window i could see her.

Hindi maalis ang ngiti sa labi nya habang pinupunasan ang espada. Napangiti na lang ako ng mapait.

Ito nga ba talaga ang nakatakda para satin?

Matapos mo kong mahalin ay papatayin? Hindi naba pwedeng magbago yun? Hindi naba malakas ang tibok ng puso mo tulad ng sakin? Shara.... nangako ka sakin. Hindi mo ko iiwan kahit anong mangyari, pero alam ba ni Ruax lahat ng yun? Iisa lang kayo pero ang nararamdaman nyo ay nahahati. Ngayong wala na ang kaluluwa ni Shara may naiwan pa kaya sa puso nya?

Sumilip sya sa bintana at nakita nya ko. Tumayo sya sa pagkakaupo pero mabilis akong umalis. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa abandonadong lote sa likod ng school.

--

Ruax POV

Nakita ko ang Prinsipe sa labas ng bahay, hindi nya ba ko susugurin para agawin ang espada nya? O baka naman may iba syang plano? Hindi ako naniniwala na hahayaan nya mapunta sa kamay ko ang pinakaimportanteng bagay sa kanya.

"Wag kanang umasang kakalabanin ka nya Ruax. Madali mo syang mapapatay" sabi ni Mia sa likuran ko.

"Si Antoinette ba yun?" tanong ni Mia habang nakatingin sa labas. Sinundan ko nag tinitignan nya si Antoinette nga. Malayo pa sya pero natanaw na agad namin.

BN Book2: SHADOW CREATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon