Ruax POV
Nagpunta ako sa sinasabing lugar. At kahit nandito palang ako sa labas ng tyatro ay nararamdaman ko ang labanan sa loob.
Nagkalat ang basag na mga salamin sa kung saan man ako tumingin. Nakita ko si Porcel na may hinagis kay Seth na isang shuriken na sa tingin ko ay si Ornias dahil kakaiba ang laki nun. Tumama yun sa balikat ni Seth at habang umiikot to ay lalong bumabaon dahil dun ay napaluhod sya pero mabilis din syang timayo at basta na lang hinugot ang shuriken sa isang poste.
Nagbalik si Ornias sa dati nyang anyo. Kakaibang lakas ang meron si Seth. Nanghihina na si Porcel at Ornias. sugatan na silang parehas.
tumakbo ako at sinaksak si Seth, tinamaan sya sa braso pero agad na naghilom ang sugat nya. Tumingin sya sakin at tinadyakan ako. Tumilapon ako sa isang dingding at bumagsak ako sa isang salamin. Bumaon sa hita ko ang pitak ng salamin na yun kaya napasigaw ako sa sakit.
Nanginginig ang mga kamay kong hinugot ang salamin at sa pangalawang pagkakataon ay napasigaw ako. Hinahabol ko ang hininga ko at pilit na tumatayo ng makita ko si Seth na kinakagat ang leeg ni Porcel.
Sabay naming nilusob si Seth. Nahiwa sya ng espada ko sa likuran at sinalo naman ni Ornias si Porcel. Sinakal ako ni Seth, tinadyakan ko sya sa tyan pero hindi sya natinag.
Isa lang syang ordinaryong bampira pero ang lakas nya ay sadyang kakaiba!! Itinaas ko ang espada para saksakin sya sa leeg pero bigla nya kong hinagis kay Ornias na sumugod samin.
Hindi na ko halos makatayo, si Ornias naman ang kumakalaban kay Seth pero sadyang malakas talaga sya. Hanggang sa dumating si Prinsipe Drake kasama ang mga kaibigan nito.
"Prinsipe?" gulat na usal ni Seth. Mabilis ang kilos ni Seth at sinubukang tumakas pero mas mabilis ang prinsipe.
Antoinette and Sabina gasped when they saw how furious is Seth.
Tinulungan ni Aliesther si Prinsipe Drake hawakan si Seth, nakahiga na sa lupa si Seth at biglang sumigaw sa sakit ng ulo na binibigay ng Prinsipe.
Nakawala si Seth sa dalawang bampira kaya naman naging maagap si Sabina at Antoinette. Hinarangan nila ang pintuan pero sabay na tumalsik ang dalawa. Nakita ko din na nagulat ang prinsipe sa ginawa ni Seth hanggang sa tuluyan na ngang nakatakas to. Mabilis namang sinundan ni Kozani at Darius si Seth sa bintana sila dumaan.
--
"Bakit nyo kami tinulungan? Bakit nyo kinalaban ang kauri nyo?" tanong ni Porcel. Nanghihina pa rin kaming tatlo pero unti-unti bumabalik ang lakas namin.
"Bakit kaya hindi na lang kayo magpasalamat?" mataray na sabi ni Sabina.
"Ruax" napatingin ako sa Prinsipe
"Hindi ba gusto mo lang naman akong patayin dahil ako ang nakatakdang sumakop sa mundo ng mga tao? Pano kung malaman mo na hindi ko na sasakupin ang mundong ito? Kalaban pa rin ba kong maituturing?"