Kabanata 6

489 18 0
                                    

Shara's POV

School

Pagpasok ko sa classroom, hindi na agad maganda ang pakiramdam ko. Ang sama ng tingin sakin ni Darius, si Antoinette naman titingin tapos agad din iiwas.

Nagalit ba si Darius dahil dun sa pag-alok ko ng pagkain? Kahapon pa nangyari yun, hindi pa rin ba nya nakakalimutan? I sighed. Pinilit kong idistract ang sarili ko. Nakinig ako sa mga professor ko ng maigi at nagfocus sa paggawa ng activity.

Natapos ang klase na nagtagumpay naman ako, napagod nga lang ang utak ko. Haist! Hindi talaga ko sanay na mag-aral. Naglalakad na ko palabas ng classroom, mag-isa na lang ako naiwan sa classroom dahil nautusan pa ko ng prof ko magbura ng whiteboard dahil mukang nasa mood daw ako. Hay naku! Kung alam lang nila. Tsk!

"Be careful." I suddenly stop from walking. I was stiffened when i heard a whispher, hindi dahil sa natakot ako. But because of the voice. His voice that i missed. I close my eyes para damhin ang paligid. I know his here.

Minulat ko ang mata ko at tumingin sa paligid. Walang tao, maliban sa isang nilalang na naglalakad sa dulo ng hallway. Actually, lumiko na sya sa isang corridor. Si Drake. I dont wanna assume na sya yung bumulong sakin. Pero... I take a deep breath. Bakit nya ko pinag-iingat? May mangyayari ba talagang hindi maganda? Kahit paano ay nakaramdam ako ng konting kaba. Si Darius agad ang naisip ko. Galit sya sakin at hindi ako sigurado kung tulad sya nila Aliesther na mabait na bampira...

But then, sabi ng utak ko that He Cares. Napangiti na lang ako at nakaramdam ng kilig. Kahit kinalimutan nya ko at laging inaaway kahit konti may malasakit pa rin sya sakin, at yun ang pinanghahawakan ko. I smiled dahil may pag-asa pa rin.

"If i will be in danger, will he save me?" niyakap ko ang libro na hawak ko at nagpatuloy sa paglakad.

 

 

 

Antoinette's POV

Hindi ko alam kung bakit binabantayan ko ang kilos ni Darius. Sinabi ko na nga na wala akong pakialam kung patayin nila ang Shara na yun eh. Haay! Hindi ako dapat makialam, pumayag nga ang prinsipe na patayin siya eh.

 

*flashback*

"We have to kill her!" sabi ni Darius, galit na galit talaga sya.

"Bahala ka." walang buhay na sagot ni Drake.

Pumayag sya? Papatayin nila si Shara! Napalunok ako, kahit paano ay may pinagsamahan kami. At-- Halu! Hindi ko maimagine ang itsura ni Shara kung mamatay sya. Baka lalo syang pumangit. Anong gagawin ko? Papabayaan ko na lang ba?

Tama! Bahala sila sa buhay nila. Wala din naman akong mapapala sa Shara na yan, kaya bakit ko sya ipagtatanggol?

Nandito nga pala ko sa tapat ng Main Building nakatayo. Sinusundan ng tingin si Shara, naglalakad sya sa third floor at lihim syang sinusundan ni Darius. Mukang nakaramdam si Shara na may sumusunod sa kanya kaya tumigil siya at tumingin sa paligid pero mabilis na nakapagtago si Darius sa isang classroom na bukas ang pintuan. Nagpatuloy sa paglalakad si Shara hanggang sa nawala na sya sa paningin ko.

BN Book2: SHADOW CREATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon