Kabanata 29

311 13 1
                                    

Ruax POV

I was walking at the bridge, it was already five thirty in the afternoon at palubog na rin ang araw. Hindi mawaglit sa isipan ko ang nangyari kanina lang. Bakit kailangan ganun  ang mangyari? Hindi ko na alam kung ano ang tama at mali sa ginagawa ko.

Iniisip ko ang mga huling sinabi sakin ni Drake. Mahal ko nga ba talaga sya? Kahit ako ay naguguluhan.

Pero hindi pwede mangyari yun. Ano bang dapat kong gawin? Kapag nagpatuloy pa ito... hindi ko alam ang mangyayari. Naguguluhan ako.

Nakatingin ako sa lupa habang naglalakad kaya naman ng makakita ako ng apat na anino ay natigilan ako sa paglalakad at pag-iisip. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko sa harapan ang Apat Na Hari.

"Ano nanaman ba ang kailangan nyo?" tanong ko. Pero imbes na sumagot ay pinalibutan nila ko. Nakatingin silang lahat sakin ng seryoso.

Huh! Alam ko na to, gusto nila kong gamitan ng kapangyarihan nila. Nilabas ko ang aking pakpak para lumipad.

Hinabol naman ako ni Ash at Creighton. Kung saan-saang sanga sila ng puno umaakyat.

"Aahh!" napatili ako ng may kung anong tumusok sa kanang pakpak ko. Pagtingin ko sa ibaba may hawak si Haring Magnus na pana at sibat, pinana nya ko. At pinana nya ulit ako, hindi ako nakailag. Kumikirot ang aking braso at pakpak hanggang sa mahulog ako sa ilog.

Lumubog ako at nakainom ng konting tubig. Inangat ko ang muka ko para makahinga, lumangoy ako papunta sa may lupa pero hindi pa ko lubos na nakakaahon ay nasa tabing ilog na ang Apat na Hari. hinawakan ako sa braso ni Haring Ash.

"Bitawan mo ko!" tinadyakan ko sya pero hindi manlang sya nasaktan.

Hinawakan ni Haring Luther ang kanang kamay ko. Ngumisi sya habang nakatingin sa singsing.

"Kaya naman pala" sabi nya at nagtama ang mata namin. Nagpumiglas ako kay Haring Ash pero hindi ko magawang makawala sa mala-bakal nyang kamay.

"Mamamatay ka" sabi ni Luther tapos ay nagtawanan sila maliban kay Magnus na nakangisi lang.

Hinugot nya ang singsing sa daliri ko at nagsimula na kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Hindi ko sila kayang labanan nang wala ang singsing. Pagkatanggal  na pagkatanggal ng singsing ay sumakit agad ang ulo ko.

"aaahhh!" sobrang sakit at nakakapanghina ng kalamnan. Nanginging ako sa sobrang sakit.

Binitawan ako ni Ash at natumba ko sa lupa pero sumayad pa rin ang mga paa ko sa tubig. Hindi pwede to! Pinilit kong makatayo para bawiin ang singsing pero tinadyakan ako ni Creighton at tumalsik ako sa puno.

Naramdaman kong tumulo ang dugo sa ilong ko.

Tanging pagtakas na lang ang natitirang paraan. Saka ko na lang sila gagantihan. Kaya ko pang lumipad pero yung singsing kasi.

Bahala na... Kung hindi ako tatakas mapapatay nila ko. Pinilit kong ilantad ang mga pakpak, lilipad na sana ko ng mabilis na lumapit sakin si Haring Luther, hinawakan nya ko sa leeg at talaga namang hindi ako makahinga.

BN Book2: SHADOW CREATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon