Darius POV
"Hindi ba kayo nagtataka sa kilos ni Shara?" tanong ko habang pinagmamasdan si Shara mula sa kinauupuan ko.
Hindi ko alam kung bakit kailangan pa namin pumasok sa eskwelahan na to samntalang halos wala na rin namang studyante at guro. Dahil nga sa nangyaring paglusob ng mga Hari.
"Nagtataka na din nga ako eh" - Kozani
"Nag-away ba kayo Drake?" biglang sabi ni Antoinette kay Drake na titig na titig kay Shara.
"Hindi. At walang nagbago sa kanya" walang emosyon na sagot ni Drake
"Baka naman naapektuhan sya sa nangyari" - Sabina.
Natahimik kami dahil palapit si Shara.
"Shara" nakangiting bati ni Antoinette. Gumanti sya ng ngiti pero hindi tulad ng dati na isa-isa kami ay binabati nya ng 'Hi'.
"Pwede ba kong bumisita sa bahay nyo?" tanong nyang nakangiti. Bakit samin sya nagpapaalam? Bakit hindi kay Drake?
"Bakit mo naman naisipan pumunta sa bahay namin?" tanong ni Sabina. Sumama ang tingin nya kay Sabina tapos ay ngumiti.
Napakunot ang noo ko. Nakakapagduda talaga ang kilos nya ngayon. Diba dapat ay mag pout sya at lalong mangulit?
"Tigilan mo na si Shara" napatingin ako kay Drake.
"Tara na Shara" tumayo na si Drake at nauna maglakad sumunod naman ng tahimik si Shara
"Nakakapagtaka" sabi ni Aliesther ng makaalis nang tuluyan ang dalawa.
"May problema kaya sila?" tanong ni Antoinette
"O may hindi sinasabi satin ang Prinsipe?" - Sabina
--
Ruax POV
Napakalaki ng bahay ng Prinsipe, mas moderno pa sa bahay namin ngayon. Saan ko mahahanap ang espada dito? Maraming naglalakihang gamit at ang espada ay hindi ganoon kalaki.
Nandito kami ngayon sa silid nya. Gusto kong masuka sa pag inom nya ng dugo ng tao. Sanay akong makakita na sinisipsip nila ang dugo ng isang nilalang sa Infernus pero ngayon ay nakalagay sa baso ang iniinom nyang dugo.
Ginala ko ang paningin ko at wala akong nakitang espada. Hindi ako basta makagalaw dahil alam kong matalas ang mata nya at baka magduda sya.
"Hindi ako sanay na tahimik ka" sabi nya matapos maubos ang laman ng basong hawak nya.
"Ano bang gusto mong sabihin ko?"
Ngumiti sya, sa tuwing ngingiti ang prinsipe ay naiirita ko. Hindi ko alam kung bakit. Mabilis syang lumapit sakin.
"Mahal kita" sabi nya. Tumawa ako.
"Mahal kita" sabi ko para matahimik sya. Ngumisi sya at umiwas ng tingin.
Naglakad sya papunta sa veranda.
"Gusto mo kong masolo kaya gusto mong magpunta dito noh?" lumingon sya sakin tapos ay tumingin sa ulap.
Naglakad ako palapit sa kanya. Pano ko ba sasabihin to na hindi ako mahahalatang iba talaga ang pakay ko?
"Sinabi mo sakin na ikaw ang Prinsipe ng Takipsilim. Gusto ko lang malaman kung pano mapapatunayan na ikaw nga ang Prinsipe" ligtas naman siguro ang tanong ko. Alam kong sasabihin nya ay sa pamamagitan ng isang espada. Kapag sinabi nyang ganun ay tatanungin ko kung pwede kong makita at pag nangyari yun aagawin ko agad sa kanya.
Narinig ko syang tumawa ng pagak at humarap sakin
"Wala akong natatandaan na sinabi ko sayong isa akong Prinsipe. Paano mo nalaman?" sumeryoso ang muka nya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko, akala ko sinabi nya... hindi ako pwede magkamali ng kilos dahil baka makahalata sya.
Mabilis syang lumapit sakin.
"Biro lang" tapos ay tumawa sya.
naupo sya sa kama at binuksan ang tv. Mas malaki yun sa tv namin. Mukang wala syang balak sabihin sakin kung nasaan ang espada. Kung ganun hindi sya nagtitiwala kay Shara. Wala akong mapapala ngayon. Tityempo na lang ako ng araw kung kelan walang tao dito at saka ko hahanapin ang espada.
"Uuwi na ko" sabi ko. Agad naman syang tumayo at bumaba kami ng hagdan. Naglalakad kami palabas ng pintuan ng mapatingin ako sa isang dingding.
Napatigil ako, dahil yun ang espada. Nakadikit sa dingding... Kailangan kong makuha yun
"Shara" agad akong umiwas ng tingin sa espada.
Madilim na ang paligid at naglalakad kami pauwi nila Ornias at Porcel. Sinabi ko na rin sa kanila na nakita ko na ang espadang kikitil sa buhay ng Prinsipe.
Napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko ang isang simbahan. May iilang tao ang nandun at naririnig ko ang awitin nila.
"Gusto kong makita ang loob ng simbahan" sabi ko sa dalawa.
"Dyan? Eh... Ikaw na lang" sabi ni Ornias at umaatras ng hakbang pero hinatak ko na sila papasok.
"Tayong tatlo dapat"
"Baka masunog tayo" sabi nya. Tinignan ko sya ng masama. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang kasabihan na yun.
Pumasok kami sa loob at nakita ko ang dalawang batong anghel na kulay puti. Hinaplos ko to... Dati ganito ako, dalisay. HUminga ako ng malalim at lumabas na kami.
Habang naglalakad kami sa isang tulay ay may naaninag akong apat na anino. Nakasalubong namin ang Apat Na Hari, gulat silang lahat na nakatingin sakin.
"Magnus, sinabi mo na napatay mo na ang mortal na yan" sabi ni Haring Ash. Tumawa ko ng malakas.
"sa tingin mo may bumuhay sa kanya?" - Haring Creighton
"Nagkita na kaya sila ng prinsipe" - haring Ash
"Hindi ko akalain na mababahala kayo ng ganito ng dahil sa iang mortal" maya-maya ay sabi ko sabay ngisi.
Nagkatinginan sila. Mabilis na lumapit si Haring Luther sakin at sinakal ako. Tinadyakan ko sya sa kanyang binti kaya napaatras sya.
"Salamat sa pagbuhay sakin Haring Magnus" hayag ko.
Natigilan sila. Unti-unti nagbabago ang itsura nila, nagiging transparent. mabilis na lumapit sakin si Haring Magnus pero nilabas ko ang pakpak ko at lumipad.
"Sapat naba ang nakita nyo para makilala ako?"
"Fallen Angels?" seryosong sabi ni Luther.
Tumitig ang pula nyang mata sa mga mata ko tapos ay napakunot ang noo nya. Maya-maya ay napaluhod si Porcel at Ornias sa matinding sakit ng ulo.
Lumapag ako sa lupa at hinarangan sila Porcel at Ornias. Nang mawala ang sakit sa ulo nila ay agad din nilang nilabas ang mga pakpak. Lulusob sana si Haring Creighton at Haring Ash pero pinigilan sila ni Haring Luther.
"Nakakapagtaka at hindi ka tinatablan ng aking kapangyarihan"
Ngumisi ako at tinaas ang kanang kamay upang makita ang nila ang singsing na soot ko.
Unti-unti na silang nawawala.
"Magkikita tayo sa susunod itim na anghel!" pahayag nya tapos ay nawala na sila ng tuluyan. Nagkatinginan kaming tatlo.
A/N: Pagpasensyahan nyo na kung maiksi ang UD na to. Wala na maisip ang inyong author. Sabog -_- Saka nira-rush ko talaga to dahil gusto ko na matapos agad para mapagtuunan ko na ng pansin yung A TASTE OF LOVE :)